"I love you so much, it hurts."
Kusang umawang ang aking labi dahil sa sinabi niya. Mas lalong nagwala ang puso at pakiramdam ko'y sasabog ako sa hindi ko maipaliwanag na nararamdaman.
This is a good thing right? Ibig naman atang sabihin nun na masaya siya sa binigay ko?
Surely he means that as a friend? Imposible naman atang magustuhan niya rin ako?
Rin? So I was really admitting to myself that I like him?
I released a breath and closed my eyes to savor the hug. Ayoko munang sumakit ang ulo ko kakaisip ng kung ano ano. Not when I have Jordi hugging me like his life depends on it.
My heart has never felt this full.
Hindi ko alam kung ilang minuto kaming nanatili sa ganoong posisyon. The silence was only broken by a knock on his door.
"Jordi? Can I come in?" tanong ni Tita Anna.
Unti-unting lumuwag ang yakap niya kaya inakala kong kakalas na siya but he didn't. Not yet.
"What is it, My?" tanong niya, ngayo'y ang pisngi na ang nakapatong sa aking balikat as he faced the door's general direction.
"Uhm ano! Nagtatanong ang mga bisita mo kung pwede bang magdala ng cake pauwi. I was wondering if you wanted to keep a slice or two."
"Ipadala mo na sa kanila, My!" aniya.
"You sure?" Tita said. Obvious sa boses niyang kating-kati siyang pumasok and I couldn't help but think of how Mom may have told Tita Anna about how I spied on Jordi before.
Panandaliang humigpit ang yakap ni Jordi bago niya ako pinakawalan. Lumipat ang kanyang tingin mula sa akin papunta sa cake na inihanda ko bago bumalik sa akin. "Opo!"
We waited for a few more seconds just in case may follow up question pa si Tita pero wala nang dumating.
Bumuntong hininga si Jordi. "Next time, wag mo akong pangunahan when it comes to things like these. You don't get to decide what I do and don't like." His lower lip was protruding habang pinipisil pisil niya ang dalawang pisngi ko na para bang dough na mino-mold.
Recognizing the light tone in his voice, I swatted his hand away. "Anong next time ang pinagsasasabi mo? Ngayon lang 'to no!" wika ko habang nilalagay sa side table niya ang mga nakuha kong banners kanina.
Nang hindi siya nagsalita'y nilingon ko. Nakapatong ang isang binti niya sa kama, tucked under his other knee. He was slouching a bit, may maliit na ngiti sa kanyang mukha. His eyes visibly softened when I met his.
"Thank you for this, Kyla," mahina niyang sinabi.
I thought of cracking a joke to break the intensity of his stares. Masyadong seryoso ang hangin sa pagitan namin at hindi ako sanay. My thoughts wandered to the letter I wrote at mas lalo akong kinabahan.
"Now what about we go exactly as you planned from hereon in?" aniya before he climbed to bed. Maingat niyang inangat ang cake para hindi ito masipa.
May inabot siya sa kabilang side table, two forks, isa mga hinanda ko, bago siya bumalik sa pagkakasandal sa head board. Kinandong niya ang cake before he handed the fork to me. "Kain na tayo?"
Palipat-lipat ang tingin ko mula sa kanya papunta sa tinidor. "Jordi, you don't have to do this to make me feel better," wika ko. "Kailangan mo pang asikasuhin ang mga bisita mo."
I made sure to make my tone sound as encouraging as possible. Ngayon ang importante na lang sa akin ay na nagustuhan niya ang hinanda ko.
YOU ARE READING
Chasing After Wind // Jordi GDL FF
FanfictionUAAP FF 5 As the youngest of two, Kyrell Larea Hernandez acknowledges society's beliefs when it comes to being the youngest child. That they're the most spoiled, the most hard-headed and any other superlative they could think of. Alam niyang tama an...