You:
tangina moIt was the last text I sent before I blocked Jordi's number. Matagal na naman siyang naka-block sa social media sites ko kaya kahit gusto niya mang mang-inis pa roo'y hindi niya magagawa.
I was so pissed the entire time. Dahil sa ginawa niya'y nasira ang buong linggo ko at kahit na hindi ko naman talaga gustong tumambay sa bahay pagdating nga Sabado'y ginawa ko na lamang para magkaroon ng panahon para sa sarili.
Francis was kind enough not to give any remarks about my lack of words in the next minutes of our conversation. Hindi niya ako pinilit na magsalita at siya na lamang ang nagkwento tungkol sa college life niya.
Hearing him speak confirmed my presuppositions that he can't possibly ditch a person if he's already agreed to meeting them.
It didn't take nuclear physics to get what really happened. Ang tanga ko rin kasing hindi ko napagtantong kataka-taka na pumayag ulit si Jordi sa sinabi ko.
It was crystal clear.
He, knowing that I can't properly muster up enough courage to talk to Francis, set me up on a pseudo-date pero ang totoo'y hindi niya pala pinaalam kay Francis na maghihintay ako. Ginawa niya akong katatawanan sa mga mata ng staff na titig na titig sa akin at maghihintay ng order ko.
Nakatulog ako maghapon at nagising na lamang dahil sa katok sa aking pinto. Before I could even say anything, pumasok na agad si Mom.
"Fix yourself, bibisita sina Anna."
Bago pa man niya maisara ang pinto'y umangal na ako.
I came here to avoid socializing tapos biglang bibisita sina Jordi?
"My, pass na muna ako!" I groaned habang hinihila ang sarili patayo sa kama. My hair was a mess and my lips were still dry from sleep pero wala na akong pakialam dahil wala pa namang ibang tao sa bahay na hindi ako nakikita nga ganito halos araw araw.
Imbes na tumigil ay nagmadali pa si Mom habang pababa. I followed behind her at muntik nang madulas dahil natapakan ko ang laylayan ng pajama.
"Si Ate, pupunta?" tanong ko at hinila ang pajama para hindi na ito maging sagabal sa paghahabol sa ina.
"She's busy with College."
Bumuntong hininga ako nang bumaba na siya sa hagdan as I stayed at the top. Kung noo'y bihira lang ang pagpunta ni Ate sa mga dinners na ito, ngayo'y siguradong mas magiging bihira lalo na't nakakasama niya na naman ang sadya niya.
"My, masakit ang u—"
Hindi ko na nagawang tapusin ang sinasabi dahil sumingit si Manang. It looks like she was in a rush by the way she was jogging a bit to our direction.
"Ma'am! Nandito na po si Sir Jordi."
I was too surprised to react quickly. Hindi pa man ako nakakabalik sa kwarto ko'y nasa paanan na ng hagdan si Jordi. His eyes trained on me as he slightly bowed to my Mom in greeting at para na rin magmano.
"Napaaga ka, iho?" nakangiting tanong ni Mom sa kanya.
"I was already on my way po, when Mom called to say na magdi-dinner tayo. Kaya dumiretso na lang ako."
Tinalikuran ko na sila't nagmamadaling pumasok sa kwarto ko. I made sure to lock it para hindi makapasok ang gagong iyon dito at naligo na lamang.
The audacity of that man to show his face earlier than what is necessary!
Nang matapos na ako'y umupo lamang sa kama dahil wala naman akong ibang magagawa. I've already reached the maximum levels of the applications on my phone. Nakakatamad namang mag binge watch, at isa pa'y gutom na ako.
YOU ARE READING
Chasing After Wind // Jordi GDL FF
FanfictionUAAP FF 5 As the youngest of two, Kyrell Larea Hernandez acknowledges society's beliefs when it comes to being the youngest child. That they're the most spoiled, the most hard-headed and any other superlative they could think of. Alam niyang tama an...