May training pa kami mamaya kaya kahit na gusto pa ni Sheila na tumambay kami rito sa mall ay hindi ko napagbibigyan.
"Let's just eat for a while. I swear, hindi ka mahuhuli." she pleaded.
"I can't just eat randomly. Baka di na ako makatalon niyan."
She continued to follow me as I weaved through the isles in search for a particular book. Bagong release kasi yun at matagal ko nang inaabangan kaya sinadya ko talaga rito.
She snorted at what I said. "OA mo naman. Sa tangkad mong yan?"
I didn't bother telling her that I was short in the international arena kasi paniguradong alam niya na rin naman yun. Tulad ko'y nagpapaka-OA lang rin siya.
"Sasamahan lang kita. Ikaw lang ang kakain." I negotiated na agad niya namang tinanggap.
Habang nakapila kami upang makapagbayad ay naiihi ako.
"Pwedeng ikaw muna yung pumila para sa akin? Iihi lang sandali," I told Sheila.
"Sure."
Nagmadali ako papunta sa CR kasi nakakahiya naman kung paghihintayin ko siya nang matagal. After I did my thing and washed my hands ay nakahinga ako nang maluwag nang makitang may apat na tao pang nakapila sa harap niya.
I was almost near the bookshop when someone stopped me.
"Kyla." Boses pa lang niya'y namula na agad ang aking mukha nang maalala ang nangyari sa gabing iyon.
Lasing ba talaga siya kaya niya ako hinalikan? o baka nama'y konti lang naman ang nainom niya and he kissed me consciously?
"Francis, ikaw pala!" I said as I plastered a smile on my face. Bumaba ang tingin ko sa kamay niyang hawak ang aking palapulsuhan so close to my hand.
"Can we talk?" seryosong tanong niya.
"Of course!" Tumikhim ako nang napansing masyadong obvious ang magkahalong kaba at antisipasyon sa boses ko. "I'll just go to Sheila fir—"
"Now."
I pursed my lips at sinundan iyon ng kanyang mga mata na ikina-conscious ko kaya ngumiti ako ulit. Mukhang urgent ang pag-uusapan namin at marami-rami naman ang binili nung nauna kay Sheila so I agreed.
Hinila niya ako pabalik sa direksiyon ng CR. Wala gaanong tao ang naroon at kung mayroon nama'y hindi nakatingin. I stood awkwardly in front of him, hinihintay ang sasabihin niya.
"About that night, I just wanted you to know that I wasn't drunk."
Hindi ako mapalagay dahil sa kawalan ng ginagawa. I wanted to say something to break the silence pero wala akong maisip kaya pinaglaruan ko na lamang ang aking mga daliri sa aking likod.
"I know you like me, Kyla." Umiwas ako ng tingin sabay ng paglala ng pamumula ng mukha ko. I felt like a kid confessing kahit na tahimik lang naman ako sa sitwasyong ito.
He gently held my cheek the way he did that night then he lifted my chin so I could look at him directly. Seryosong seryoso ang kanyang mga mata. "I like you too. Pero alam ko ring strikto si Coach Ramil when it comes to relationships."
I gaped at him in awe. Gusto niya rin ako? Paano? I mean, this is what I've been dreaming of magmula nung na-enroll ako and it was happening right now!
"We can still date naman diba? Wala nga lang label," he said lightly at ngayo'y ipinakita na ang dimple niya dahil sa maliit na ngiting nakapaskil sa kanyang mukha. "That's if you don't mind?"
"I-I don't..." I stuttered. "Ayos lang sa akin."
His grin broke into a full-on smile at halos masilaw ako sa laki nito. "That's good," he said.
YOU ARE READING
Chasing After Wind // Jordi GDL FF
FanfictionUAAP FF 5 As the youngest of two, Kyrell Larea Hernandez acknowledges society's beliefs when it comes to being the youngest child. That they're the most spoiled, the most hard-headed and any other superlative they could think of. Alam niyang tama an...