Chapter 39

692 25 1
                                    

"I take it, hindi iyon totoo?"

Tuwid na tuwid ang likod ko habang nakaupo sa harap ni Tita. Ngayo'y nasa upuan na kami sa labas, napakatahimik kung ikukumpara sa ingay kanina sa sala.

"Po?"

Tita Anna sat a few feet from where I was, hands folded gracefully on her lap habang diretso niya akong tinitingnan.

"Na may ibang lalaki," aniya.

Ngayong nabanggit niya nga'y pakiramdam ko'y mas lalo akong nalunod sa hiya. Ano kaya ang naisip niya tungkol sa akin nang malamang iyon ang dahilan umano ng paghihiwalay namin?

I pursed my lip nervously bago umiling. "Hindi po."

"So kayo na?"

Natigilan ako sa tanong na iyon. May kung ano sa paraan ng pagtingin ni Tita Anna na tila sinasabi niyang alam na niya ang totoo't hinihintay niya lamang kung magsisinungaling ba ako o hindi. The anxiety I felt was all too familiar in the movies I once watched.

Sa takot na manginig ang boses ko'y tumango lamang ako.

Hindi nga siya nagulat. Tumango-tango lamang si Tita Anna as she leaned back in her chair.

"Pasensiya na po kung masiyadong mabilis," I blurted out before I could stop myself.

She must think that it's been too fast, right?

Kakalabas lang ng katotohanan nung isang buwan at hindi man lang umabot ng kalahating taon at nagkabalikan na kami. If she isn't here to tell me to leave her son alone then the most possible alternative would be to tell me that we were going too fast.

Tumaas ang kilay niya, an act that reminded me too much of Jordi kaya ilang beses akong kumurap-kurap.

"Mabilis?" she said, disbelief in her tone. "Jordi always seemed close to giving in when you're around. May lalaki man o wala."

I looked at her in surprise, hindi makapaniwala sa sinabi niya. Was that how it looked like to her? Kasi sa akin, pakiramdam ko'y labis ang pagkakamuhi niya sa akin noon, enough to erase any good I might have done.

I lowered my gaze, cheeks burning. Paniguradong dagdag ang nalaman ko sa maaaring iasar sa kanya.

"Thank you for confirming my thoughts," ani Tita. "Hindi naman siguro ganoon ka kapal ang mukha mo para makipagbalikan sa kanya kung nanloko ka nga."

"Hindi po," tahimik kong wika.

If I ever did cheat then I wouldn't even face him even if it meant losing quality time with my nephews.

Habang iniisip iyo'y hiyang-hiya na nga ako sa sarili, ano pa kaya kung totoo na? Hindi ako makikipagbalikan sa kanya kung ganoon nga dahil alam kong hindi ko dapat siya ikinukulong sa akin, when he deserves better.

Akala ko'y tapos na ang pag-uusap namin and I was only waiting for her to leave first para makasunod ako pero nagsalita siya ulit.

"I heard I played a factor in the breakup," mataman niyang sabi.

Hindi ko magawang salubungin ang tingin ni Tita Anna. Mom probably told her about it. Minsan na namin siyang nahuling nakikinig sa usapan namin ni Ate tungkol sa kung ano ang nagtulak sa aking gawin iyon.

"Opo," tanging sabi ko na lamang. There was no point in denying it anyway.

Bumuntong hininga si Tita Anna, ngayo'y malungkot niya na akong tinitingnan. Her eyes were weary as though the physical exertion of formality has drained her.

Growing up, she's been like a second mother to me, but after Jordi and I broke up, kusang naging pormal na rin ang pakikitungo namin sa isa't-isa. I didn't know who started and who followed but it just did.

Chasing After Wind // Jordi GDL FFWhere stories live. Discover now