Chapter 8

643 21 1
                                    

"Kyla?"

Kumurap-kurap ako nang ilang beses bago napansing nasa harap na pala kami ng dorm. Bumaling ako kay Francis na may nag-aalalang ngiti sa mukha.

"Are you okay?" tanong niya.

Nilingon ko ang loob ng dorm para masiguradong walang nakatingin. Alam na ng iilang teammates ko na magkaibigan kami ni Francis but I never told anyone about our relationship—whatever it is.

"Oo, napagod lang."

Tinext niya kasi ako kanina. He invited me out for a walk at dahil wala naman akong magawa sa dorm ay pumayag ako.

Tulad ko'y bumaling rin siya sa loob. Mula sa kinatatayuan nami'y kita ang mga kasama kong naglalakad-lakad. Malapit na kasing mag lights off kaya naghahanda na ang lahat para matulog.

"You should rest," aniya, ang mga mata'y bumaba sa aking labi pero hindi naman lumapit. "I'll call you when I'm home."

Naglakad na siya palayo habang nakaharap pa rin sa akin. He waved at me goodbye, that patient and worried smile remained on his face kahit nang tinalikuran ko na siya.

Pagpasok ko'y nagto-tooth brush pa si Ate Jolina habang si Ate Mich nama'y nagwawalis kaya matapos kong tanggalin ang sapatos ay tumayo na muna sa gilid.

"Saan ka galing?" Ate Jols asked.

"Nagpahangin lang sa labas." Dumiretso na ako sa hagdan para makaakyat pero tinawag ako ni Ate Mich kaya nilingon ko siya.

"Kailan babalik yung si Jordi? Food always tastes better when they're free," she chuckled.

"Oo nga! Oo nga!" pagsang-ayon pa ni Ate Jolina.

I forced a smile at the topic kasi kahit ako'y hindi na rin alam. The last I've heard of him was when I followed them in the mall, it's been a week since.

Pagpasok ko sa kwarto'y wala pa sina Ate Leila so I had the room for myself. Naghanda na ako para matulog at nang natapos ay sumalampak sa sariling kama.

I stared at my empty phone screen. May naglalarong plano sa aking isipan pero nagdadalawang-isip pa ako kung gagawin ba.

Francis says he'll call me when he gets back pero malayo-layo pa naman siguro ang tinutuluyan niya. Huminga ako nang malalim bago pinindot ang call button sa ilalim ng pangalan ni Jordi.

This was going to be my first attempt to reach out. We were both acting weird kasi! This is so not normal!

Lumipas ang ilang segundong tanging pagri-ring lang nito ang naririnig ko before it went to voicemail. I tried again pero wala pa rin.

On the third try, pinili kong magsalita na lang sa voicemail.

With the phone pressed on my ear, tulala akong nakatingin sa ilalim ng pang-itaas na kama.

"Hello Jordi? Hindi ko alam kung busy ka ngayon o kung sinasadya mo lang talagang hindi sagutin ang tawag because of reasons only you would know pero..." I trailed off nang mapagtantong hindi ko naman alam ang gustong sabihin. I sighed.

"I didn't tell anyone about this because it felt wrong na hindi ikaw ang unang taong makakaalam kahit na noong una'y wala naman talaga akong planong sabihin kahit kanino but hiding something from you felt wrong too." Kahit na wala siya dito at kahit na wala namang kasiguraduhang maririnig niya nga'y kinakabahan pa rin ako. "Francis told me he likes me too, just days ago, actually. Ang sabi niya'y ayaw niya raw na mapagalitan ako ni Coach so for now we're just casually dating, if that's really a thing."

Hinanap ko ang giliw at spark na ramdam na ramdam ko noon sa kanya. It was still there pero hindi tulad noo'y hindi na iyon ganoon kadami.

"Katatapos lang naming maglakadlakad around Taft, tonight at naisip kita so I called you pero hindi ka naman sumasagot. I have a lot of things to tell you about. Nagkakapatong patong na kasi di mo na ako kinakausap. I understand that we're both busy with training but a text won't hurt...right?"

Chasing After Wind // Jordi GDL FFWhere stories live. Discover now