Chapter 3

1K 26 1
                                    

Hindi ko pa man nababa ang mga pinamili ko'y nakatingin na ang tatlong roommates ko sa akin na tila ba nag-aabang ng sagot sa tanong nila kanina.

I gave them a resigned look as they continued to watch me hopefully kaya nagsalita na lang rin ako.

"Nakalimutan kong may hindi pala ako nadala kaya pumunta na lang ako sa mall." I gestured towards the stuff I bought.

"Pwede namang i-text mo kami," ani Ate Leila.

Bahagya akong napangiti dahil isa ito sa mga tanong na napaghandaan ko. "I don't have your number."

Tinanggap niya ang inabot kong phone at nagsimulang itinipa ang number niya habang ako nama'y binubuksan ang aking mga pinamili.

Nang inakala kong palalagpasin na nila ang nakita'y nagsalita pa si Ate Thea. "May bibilhin pero nasa sine?"

Natigilan ako nang napagtantong hindi ko iyon napaghandaan. Oo nga naman at iyon ang pinaka-obvious na loophole sa excuse ko.

"His date ditched him kaya sinamahan ko na lang. Sayang kaya ang ticket." Ibinalik na ni Ate Leila ang phone ko sa akin with her number on it. Saka ko lang naalalang hindi ko pa nga pala nakukuha ang number ni Francis. "Our families are friends," dagdag ko pa.

Nagsitanguan sila dahil sa sinabi ko. I know we were all thinking of the same thing: na baka darating to kay Coach.

I haven't heard it from him recently, pero sa pagkakaalam ko'y bawal pa raw ang magkaroon ng relasyon on your first few years. Base sa kwento nila'y ama na raw ang turing nila kay Coach dahil sa pag-aalala nitong lumalagpas sa volleyball court.

"Akala ko pa naman..." Ate Leila trailed kaya nilingon ko siya ulit at tinaasan ng kilay. "Wala! Wala! Mukha lang kayong mga higanteng nagda-date kanina," aniya at tinulungan na akong ilabas ang mga pinamili.

Naiiling na lamang ako sa sinabi niya't ipinagpatuloy na ang ginagawa.

I wasn't really tall per se, lalo na sa mga bansang matatangkad talaga but considering that I was 6'1 and Jordi's 6'5, malayo nga naman kami sa average height na 5'1 ng mga Pilipino.

Hindi na bumalik sa paksang iyon ang aming mga sunod na pinag-usapan. What I loved the most here was how hindi man lang nila pinaramdam sa akin na nabubukod ako sa kanila. They welcomed me as their own.

The first day of class went by smoothly. We just had a mass and a couple of welcoming speech at wala na kaming iba pang ginawa.

Bukas pa magsisimula ang daily training namin kaya ngayo'y nakatambay lang kaming lahat sa dorm. Maingay ang iba habang nagtatawanan at nagkukulitan habang ako nama'y nakaupo lamang sa isang sulok at hinahanap ang social media ni Francis.

Hindi ko naman kasi nakuha ang apelyido niya! Paano ko siya hahanapin kung ganoon?

I typed in his name pero walang lumitaw na kamukha niya man lang.

Francis... Magallona?

Francis...yung Santo Papa?

Hinilamos ko ang aking mukha gamit ang kamay dahil sa naisip. Kung ano-ano na lang talaga ang naiisip ko't baka masunod pa ako sa impyerno nito!

"Kyla! Someone's looking for you!"

Hindi ko pa man napo-proseso ang sinabi ni Ate Alister nang dinala na ako ng aking mga paa sa labas ng pinto.

Outside was Jordi, with boxes of pizza in both hands at sa taas nun ay may nakapatong pang tub ng ice cream.

"Happy first day!" magiliw niyang sinabi bago ako mahinang binanggaan para makapasok.

Chasing After Wind // Jordi GDL FFWhere stories live. Discover now