Chapter I; Prt. I: I saw her

16.7K 150 10
                                    

Nagismula ang lahat nung bigla akong tinawagan ng classmate ko. Sinira niya ang monday morning ko dahil lang sa sarili niyang kapabayaan.

"Bakit mo naman kasi kinalimutan yung NAPAKA importanteng bagay na yun ha?" sambit ko sa kaibigan kong loko na kausap ko sa cellphone.

Sorry na bro! Alam ko naman may extra ka eh, pahiram muna ako ok? Thank you talaga! Bawi ako bro! Sige thank you, bye!

Di nako naka-sagot pa at agad niyang tinapos ang call. Imbis na mahaba pa ang oras ko para sa sarili ko, nabawasan pa. Wala narin naman akong choice at agad nakong nag-handa para pumasok ng school Buti nalang malapit ang bahay ko sa UE.

Ang pangalan ko nga pala ay Nathan Andrews E. Ramos. Isang 2nd year student, nag-aaral ng English. Pangarap kong maging writer at nung pumasok ako noon, feeling ko ito ang magdadala sakin nun. Napaka-cool guy ko, tamang pangangatawan, maputi, 5'7 ang height, maayos manamit pero napakatahimik kong tao. As in, hinding hindi kita papansinin kung hindi kita kilala. Papansinin lang kita kung una; at least magkakilala tayo; pangalawa naman kung babae ka at type kita. Kaya nabansagan akong Mr. Suplado ng mga nakakakilala sakin eh. Pero kahit ganun pa man ang aura na nilalabas ko, approachable naman ako.

Agad akong nag-suklay noon at naghanda bago ako tumuloy ng school. Ahh, ang init sa Manila. Di ko lubos akalain na pagpapawisin agad ako ng ganito. Pero sabagay, tanghaling tapat nun at mamaya pa namang 3pm ang klase ko. Dala ko narin yung kailangan nung kumag kong kaibigan.

Nakababa nako ng UE at dahil maaga pa naman nun, dumaan muna ako sa National Bookstore. Medyo malayo pero ayos lang. Nabanggit ko bang mahilig rin akong magbasa ng books? Kaya minsan naiinis sakin ang mga kaibigan ko tuwing papasok kami ng bookstore, napapatambay agad ako sa may mga bagong libro eh. Sino ba naman ang hindi mahuhumaling sa Eragorn? Game Of Thrones? Sama mo pa si Percy Jackson. Yang mga yan ang example ko. So dating gawi ako sa loob at tumingin-tingin muna ako ng mabibili ko roon.

Lumipas ang ilang minuto at doon tumawag na ang kaibigan ko.

"Oh Ano yun? Dito nako sa school." sabi ko sa kanya. Medyo matagal maglakad tong kaibigan kong to. Kahit wala ako sa school, sinabi ko narin ng magmadali.

Ay sorry pre! Sige takbo nako, kita nalang tayo sa may cafeteria sa CCSS

"Sige pre. Punta nako." at agad kong binaba ang call. Binili ko na ng mabilis yung kailangan ko at agad naman akong pumunta doon.

Ng makarating ako ay naghanap agad ako ng upuan at sandaling tumambay. Medyo wala parin yung kaibgan ko pero hinayaan ko nalang dahil kilala ko naman ito. Nilabas ko narin yung mga kakailanganin ko kanina para sa Folk Lit. ko.

"Nathan!" sigaw ng isang tao, si Mark na pala yun. Ang isa sa matatalik kong kaibigan. Chubby pero hindi ganun ka laki, may pagka-computer nerd kaya nahawa nako sa kanya.

"Oh eto na yung kailangan mo. Naku pasalamat ka at may extra pako niyan." pag abot ko ng libro.

"Sorry nalimutan ko kasi yung sakin pero promise babalik ko kagad."

"Oh sya-sya. San ka pupunta?"

"Klase ko. Sige na bro bye! Thanks ulet!"

"Hoy walang hiya ka! May klase kapa pala pinatawag mo ko dito!" sigaw ko, pero huli na at nakalayo na. Kala ko pa naman ay kasama ako rito tapos mawawala rin pala.

Huminga nalang ako ng malalim noon at hinayaan nalang siya. Medyo bored narin ako nun kaya naisip ko na gawin nalang yung gagawin ko mamaya sa klase.

Sinimulan ko ng gawin yung creative way ng pag-prepresent ko. Hehe, buti nalang medyo imaginative ako, kaya tuwang-tuwa sakin mga professor ko eh. Handa rin ako. Matalino naman ako, kaso may pagka-tamad rin. Kaya ngayon ko lang ginagawa ang assignment ko.

Tagal ko rin sigurong pinaghandaan yung assignment na yun pero wala lang talaga ako sa mood na gawin agad yun sa bahay. Ewan ko lang kung bakit. Sumagi sa isip ko na gagawin ko na yun sa bahay tuwing naroon ako. Sumagi na yun tuwing naglalaro ako, or nag-gagala kung saan-saan. Pero once na tumapak ako sa loob ng bahay. Wala, pagpapaliban ko na. Tatamarin nako, makiking nalang ako ng music or manonood.

Pero sa mga panahon na yun, malalaman ko na kung bakit. Nung mga oras na pinaggugugulan ko ang assignment ko, naisipan kong bumili muna ng makakain ko dahil 1pm palang naman. Tutal kumain narin naman ako sa bahay, baka mag drinks nalang ako. Agad akong tumayo at bumili ng drinks ko at bumalik sa kinakaupuan ko.

Nagpahinga ako saglit at nagpangalungbaba habang nag-iisip na, Ano kayang matinong gawin mamaya? Dota? LoL? Nuod nalang kaya ng movie? Marami naman akong oras eh. Tsaka tutal mag-isa lang naman ako sa bahay. Hirap talaga pag only child, pero minsan masaya rin.

Tumingin nalang ako sa paligid ko, medyo kakaunti rin naman ang tao nun. Hanggang sa, nasilayan ko ang isang babae. Napa-fix lang sa kanya ang mga mata ko. Sa sandaling yun, tila tumigil ang mundo ko.

Ang napaka-puti niyang balat. Ang maiksi niyang buhok. Puffy siya, pero basta, medyo boyish. Pero kahit ganun pa man, bagay naman ito sa napaka-aliwalas niyang mukha. At ang mga labi niya, oh! Ang mga labi niya na sing-pula ng bagong pitas na mansanas. Ang mga mata niya na napaka-ganda at ma-ihahalintulad sa isang diyamante. Biglang nag-skip ng beat ang puso ko.

Sandali kong inalis ang aking tingin dahil bumaling ang mga magaganda niyang mata sa akin. Baka matakot ito, matagal ko rin siyang natitigan. Sumulyap-sulyap ako at doon nakita ko na nagbabasa na siyang muli. Ah! Lalo akong nahulog sa kanya, napasarap niyang pag-masdan. Mistula siyang candy para sa aking mga mata.

At sa mga sandaling iyon, bumilis na ang tibok ng puso ko. Doon, sa oras na yun, nahulog ako sa babaeng pumukaw ng aking atensyon at humuli ng aking puso.

Our StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon