Dala ko noon ang aking bag na may laman na konting damit. Binabalak ko kasi na doon matulog kasama si Nicole. Dinala ko narin ang laptop ko at kung ano-ano pa para malibang kaming dalawa. Syempre, para hindi naman siya mabagot.
Pagdating ko doon ay agad akong pumasok sa loob at nakita ko na naroon ang mommy ni Nicole.
"Ay, good evening po." pagbati ko. Nakahiga lang noon si Nicole habang pinapakain siya ng nanay niya.
"Ay, good evening din Hijo. Halika upo ka rito." sambit nito. Agad naman akong tahimik umupo doon habang pinapanood ko lang ang mag-ina.
"Ma, ayoko na." sabi ni Nicole. Sa itsura palang niya ay makikita ang labis na panghihina niya. Gawa narin siguro ng mga gamot na pinapainom sa kanya at lalo na yung chemo kahapon.
"Hindi pwede baby, you need to it to gain your strength." sabi ng mama niya habang pinipilit niyang isubo kay Nicole ang pagkain. Nakita ko na mukhang lugaw lang ito.
"Eh, wala nga akong gana mama eh." pagmamatigas niya, natawa nalang ako at napansin niya ako. "Oh bakit ka natawa diyan?"
"Eh kasi naman, kailangan mo nga kumain para lumakas ka. Sige ka, lalo ka magtatagal dito." nakatingin lang siya sa akin habang yung nanay niya ay nakangiti din lang na nakatingin.
"Hay nako, Hijo, mabuti pa ikaw nalang ang magsubo sa kanya. Tutal mukhang ikaw mapapakain mo siya." inabot niya sa akin ang pagkain at tumayo. "Oh Nicole, wag mong pahirapan yang boyfriend mo ha? Kain na." sambit ng mama niya habang nakasimangot parin si Nicole noon.
"Mama naman."
"Hehe, oh sige, una nako ha at may aasikasuhin pa kami ng daddy mo dito. Bye anak." sabit ng mama niya at hinalikan niya si Nicole sa forehead. "Nathan ikaw na bahala sa kanya ah." at umalis na siya.
"Oh sige nga-nga, say Aaahh" sambit ko noon, talagang ayaw niyang kumain, pero hindi rin nagtagal ay pumayag din siya. "Kailangan malakas ang Honey ko, para magawa na natin yung mga plano natin at mga pa-planuhin natin." napangiti nalang noon si Nicole ng bigla siyang magsalita.
"Ma, sige na una kana." sambit ni Nicole, nagulat naman ako dahil hindi ko napansin na naroon parin ang mama niya. Tumingin ako sa likod ko at doon nakita kong nakangiti ang mama ni Nicole, habang tumutulo ang luha niya.
Napakunot ang noo ko noon at tila hindi ko maintindihan kung bakit umiiyak siya.
"Ah, sorry, oh sige una na talaga ako." sambit ng mama niya na tila nagulat sa pagkakalingon ko at agad na lumabas ng kwarto.
Sinubuan ko ulit si Nicole, "Mana ka pala sa Mama mo, iyakin din eh. Hehehe." pagbibiro ko, pero tumingin lang siya sakin at ngumisi habang pinipilit kainin ang lugaw sa bibig niya.
Habang pinapakain ko siya ay napansin niya ang bag ko at napatanong nalang siya noon, "Wala kang pasok bukas?"
"Ah, oo eh." sinungaling "Swerte no?" gusto ko lang siyang makasama noon, hindi ko talaga matiis na malayo sa kanya. Lalo na sa oras na alam kong kailangan niya ako.
"Kumusta ang school work mo?" tanong niya habang inabutan ko ng tubig.
"Uhmm ayos naman. Matataas parin ang grades."
"Naks naman, kaya proud na proud ako sayo eh." sambit niya at sinubuan ko muli siya. "Hon, last na yun, ayoko na talaga." dagdag niya. Agad kong nilapag ang lugaw, inayos ang mga dapat ayusin noon habang siya naman ay pinapanood ako.
"Hon, bakit parang ang dami mong dala?" tanong niya.
"Ah kasi nandiyan din yung laptop ko."
"Bakit mo dinala?"
"Para malibang ka naman kahit papano. Tsaka alam kong bagot kana rin dito. Energetic mo kaya." sumama tingin niya sakin habang ako naman ay nakangiti lang sa kanya.
"Energetic?"
"Oo kaya, sobrang aligaga mo. Kung saan-saan ka napapadpad. Heck, napa-akyat mo nga ako ng bundok eh. Hahaha!" sabi ko habang napangiti lang naman siya.
"Shut-in ka nga pala noh? Hehehe, malas mo naman at nakilala mo ako, haha." sabi niya na may mahinang tawa.
Habang kinukuha ko ang laptop at-sinesetup ko, "Malas ka diyan? Hoy, ang saya-saya ko kaya pag-kasama ka. Kaya pagaling kana diyan at madami pa tayong pupuntahan." tapos umupo ako sa tabi niya habang hiniga niya ang ulunan niya sa dibdib ko.
"Pupunta saan?" tanong niya.
"Sa mga lugar na gusto mong puntahan. Hahanap na tayo para paglabas mo dito, ay makakapag-saya tayo ulit tulad ng dati. Diba?" pero hindi na siya nagsalita. Tahimik nalang siyang nakatingin sa monitor screen ng laptop ko.
Madami kaming nakita na lugar na pwedeng puntahan. Pwedeng gawin, at pwedeng subukan. Hanggang sa may napusuan siyang isa at pina-click niya sa akin ang isang picture.
"Dito? Gusto mo dito?" tanong ko.
"Oo, ang ganda eh." sagot niya, pero napaisip naman ako.
"Bakit dito sa Batanes? Madami namang iba eh."
"Kasi tahimik dito, tsaka tayong dalawa lang. Yun lang naman ang gusto ko. Tayong dalawa lang." sambit niya habang inayos niya ang pagkakalagay ng ulo niya sa dibdib ko. Hindi nalang ako nakapag-salita noon at sa halip ay napangiti ako. "Sorry kung ganito ang sitwasyon natin ha." bigla niyang dinagdag.
"Ha? Bakit ka naman nag-sosorry? Wala kang dapat ipag-sorry Hon, ano kaba?"
"Eh kasi yung mga ginagawa ng mag-syota, hindi na natin nagawa eh. Nagu-guilty ako dahil hindi natin magawa-gawa." sambit niya.
"Ano kaba, ayos lang. Tsaka kakasabi ko lang, wala kang dapat ipag-sorry. Madami pa naman tayong oras ok? Kaya relax ka lang diyan, ha Hon?" sambit ko at hinalikan ko siya sa may bunbunan niya. Hindi na siya nagsalita noon at bagkus nanahimik nalang siya.
Ilang minuto pa ang lumipas at doon, bigla siyang nagsalita. "Inaantok nako Hon, tulog nako."
"Sige Hon. Goodnight, sweetdreams." sambit ko, sabay halik muli sa bunbunan niya habang hawak ko ang kamay niya.
"Magkita tayo sa dreams ko ha?" bigla niyang sinabi. Nagulat ako sa sinabi niya at napangiti nalang ako.
"Oo ba."
"Now and everytime na hindi tayo magkasama, sa panaginip tayo laging magkita. Promise?" dagdag niya.
"Promise."
BINABASA MO ANG
Our Story
Teen FictionWhen life gives you something nice. Make the most of it, because in our world there is a saying; "Not all good things last..." Sa pananaw ni Nathan, i-kukwento niya sa atin ang masayang relasyon nila ni Nicole. Kung paano niya ito unang nasilayan...