Nung sinabi niya yun medyo para akong binagsakan ng bato sa ulo.
"Teka-teka-teka, bakit Hike? Dami naman natin pwedeng gawin. Yan talaga gusto mo?" sabi ko na siya namang ikina-iling niya at pag shake ng braso ko.
"Eeeh, Nathan, pangarap kong akyatin to eh. Tsaka balita ko maganda daw view sa taas. Payag kana please?" sandali akong natahimik. Ni minsan di ko pinangarap umakyat ng bundok, pero mukhang magandang experience din naman.
"Uhmm sino-sino ba tayo?" tanong ko.
"Tayo lang." napanganga ako sa sagot niya.
"T-t-tayo lang?" pag-sisigurado ko.
"Oo. Bakit?" napanganga ako lalo. May pagkakataon na akong ma-solo siya! "Okay. Sige payag na ako. Kelan ba yan?" agad na tanong ko.
"Uhmm malayo pa eh. Pero gusto ko talaga siyang puntahan." ang sagot naman niya sa akin habang binabalik na niya ang flier.
"Ahh, eh san ba yan?" agad na tanong ko. Tumingin siya sakin bago tumayo.
"Sa Batangas." sabay takbo niya papalayo. Naiwan lang ako duon, tila medyo na windang bago ako agad nakatayo at nakasunod sa kanya.
"T-t-teka! Ang layo naman! Bakit doon?" tanong ko pero hindi niya ako pinapansin at tuloy-tuloy lang kami sa pagtakbo hanggang makalabas kami ng school at papunta sa isang computer shop.
"Baka naman may mas-malapit tayong mapupuntahan or ma-aakyat Nicole? Sa may Antipolo check ko." sinabi ko pero naka-ngiti lang siya sa akin habang umupo na kaming pareho at duon sinimulan ang pag-gamit.
Napabuntong hininga nalang ako nung mga oras na yun. Tiningnan ko kung ano ang ginagawa niya at duon chinecheck niya yung bundok na tatahakin namin na sa tingin ko ay malapit na.
"Tingnan mo oh, ang ganda diba?" tuwang tuwa siyang tinuro sa akin at napa-oo nalang ako. Shinake ang ulo at duon nag-focus narin ako sa computer ko.
Sinearch ko narin yung lugar nung mga oras na yun at talaga naman maganda nga rito.
'Ayaw mo ba?" biglang tanong niya.
"Ah, hindi naman sa ganun. Pero—"
"Pero ano?"
"Parang ang layo talaga at tsaka, oh tingnan mo oh—" timuro ako sa screen ko, "— mukhang experienced hikers sila eh. Gusto mo ba mag try muna ng mas malapit? Like sa may Antipolo. Balita ko may magandang hiking trail duon."
"First time mo bang gagawin to?" tanong niya agad.
"Actually hindi pako nakakagawa ng kahit ano na related dito." sagot ko. Nagtawa lang naman siya. "Bakit ka nagtawa?"
"Wala lang, kasi ang buhay dapat mong enjoyin." sagot niya.
"Eh na-eenjoy ko naman eh." pero tiningnan niya lang ako na parang nagdududa.
"I mean, na eenjoy ko yung indoors. May tinatawag tayong indoor sports, indoor exercise, uhmm ano pa ba. indoor computer games."
"Indoor computer games? Diba talaga naman nasa-loob yun?" Nagkatinginan muna kaming dalawa pagkasabi ko nun. Aaminin ko, medyo napa-isip ako dun. Ng nakita niya akong medyo nag-ponder sa sinabi kong yun, natawa nalang siya na siya.
"Bakit ka nagtatawa? Saya mo ah." tanong ko. Napahawak ulit siya sa braso ko.
"Eh kasi naman—" punas ng kaunting luha sa kanyang mata dahil sa kakatawa, "—pinagisipan mo talagang mabuti yung sinabi ko." tapos tawa ulit. At least papatawa ko na siya ng husto ngayon di tulad nung mga unang araw namin. Pero ano naman masama dun? Indoor computers games—- anyway so nagtatawa parin siya noon hanggang sa tuluyan na siyang natapos at tinuloy nalang namin ang pag-ssearch.
"Hay nako, Nathan. There will always be a first for everything!" sigaw niya.
"Uie oo na, hinaan mo ang boses mo." saway ko pero actually na cu-cutan ako sa ginawa niya. With taas kamay pa eh.
"Talaga naman eh, walang masama sa first time. Lalo na ikaw, maganda ang first time kaya dapat di mo sayangin yun. Lalo na at ako pa kasama mo." sa mga oras na to, masasabi ko ito na ata ang pinaka-awkward na sitwasyon na kasama ako.
Pinagtitinginan na kami ng mga ibang naglalaro at students doon. Hiyang-hiya nako pero di ko talaga mapigilan ang sumasabay na ngisi at tawa. Habang nag-sasalita siya ay sawakas at napansin narin niya kung bakit tahimik nalang ako.
"Oh bakit tahimik ka?" tanong niya sakin.
"Eh kasi, linawin mo kung ano yung first time na tinutukoy mo." sabay turo ko sa iba na nakatingin at pinaguusapan na kami.
"Bakit ano ba yun?" talagang di niya ako na gets, tapos binulungan ko nalang siya kung ano yung pwede at siguradong-sigurado na nasa isip ngayon ng mga naroon. Sandali siyang natigilan noon at tiningnan nalang ang paligid.
"Yun lang naman pala eh. Pagisipan ko. Pero sa ngayon yung hiking muna ang atupagin natin." sabi niya ng malakas na kinagulat ko rin naman.
"So anyway, ito nga. Plano ko kasi na end of semester natin gawin to. Tutal march na naman nun eh. Gawin na natin to." sabay tingin niya sakin pero nag-aalangan parin talaga ako noon. Hindi naman sa takot ako, pero ayoko lang mapahiya kay Nicole, lalo na't nililigawan ko na siya.
"Ano kaba Nathan. Habang bata pa tayo, kailangan ma-sulit na natin ang mga bagay na katulad nito. Experience natin yung outdoors. New stuff. Diba? Tsaka hindi naman tayo magtatagal sa mundo na ito." dagdag niya.
"To naman, parang sinasabi mo na bilang na mga oras natin hahaha!" dagdag ko, napangiti lang siya noon pero natahimik ng ilang segundo.
"Hindi, hindi sa ganun. Kasi nga hindi natin hawak ang oras natin. Malay mo, may ma una satin dahil sa aksidente. Or ma-saksak tayo ng chopsticks tapos matigok. Ganun."
"Hahaha chopsticks talaga? HAHAHA"
"Hahahaha oo nga noh? Pero seryoso kasi, ganito, iisa lang buhay natin." sabay hawak niya sa kamay ko, "at dahil narito rin tayo sa isa sa mga pinakamagandang bansa sa buong mundo. Kailangan masulit. Ano na nga yung phrase na yun? Ah oo, yung YOLO. You Only Live Once." sabi niya.
Di ko alam pero napatitig lang ako sa kanya noon. Habang napatingin siya sakin at nakangiti. May punto siya, nung mga oras na yun naisip ko rin na medyo nakakulong nalang ako sa lungsod na to. At hindi narin siguro magiging masama kung lalabas ako, at mag-ooutdoor experience. Dahil tulad nga ng sinabi niya; There will always be a first for everything.
BINABASA MO ANG
Our Story
Teen FictionWhen life gives you something nice. Make the most of it, because in our world there is a saying; "Not all good things last..." Sa pananaw ni Nathan, i-kukwento niya sa atin ang masayang relasyon nila ni Nicole. Kung paano niya ito unang nasilayan...