Maaraw noon, tanda ko pa, mga 12:30 narin ng makadating kami sa Gateway noon. Ewan ko ba kung bakit nag-taxi to eh pwede naman mag LRT nalang kami. Pero ayos narin yun, at least mas-matagal ko pa siyang nakasama.
"Tara na! Sa foodcourt muna tayo! Bilis!" sigaw niya habang hila-hila niya ako. Lumilipad lang ang isip ko nung mga oras na yun, tannging siya lang ang nakikita ko. Tila walang ibang tao sa mall na yun, siya lang.
Mas lalo ko nakita ang ganda ni Nicole. Mahaba pala talaga ang buhok niya, ewan ko ba bat di ko kagad napansin yun. Ang mga mata niya lalong nag-kikislapan sa liwanag ng mall. At higit sa lahat, ang lambot ng kamay niya.
Oo, sa mga oras na yun, hawak parin niya ang kamay ko, at nag-eenjoy ako sa bawat sandaling magkahawak ang kamay namin. Nakarating na kami ng foodcourt at hinayaan ko nalang siyang dalin ako kung saan niya gusto.
Di rin nagtagal at nakahanap na siya ng upuan namin at agad naman kaming pumunta doon.
"So, ano kaya masarap dito?" sambit niya habang palinga linga siya.
"Uhm, yun nalang oh. Mukhang masarap." pag turo ko sa isang stand doon.
"Sige-sige." tapos bigla siyang napatigil at tila hinahabol ang paghinga niya. Napangiti nalang ako, takbo kasi ng takbo, "sorry, uhmm kaw nalang bahala sa pagkain ko." dagdag niya sabay ngiti.
Napangiti narin lang ako noon, ewan ko kung bakit. Pero pag kasama ko siya, parang nakakagaan sa pakiramdam. Tila binubuhat ako papuntang langit. Habang nakapila ako para sa pagkain namin, tinitingnan ko lang siya. Nakaka-relax ang itsura niya. Nakapangalumbaba siya habang nakapikit, parang natutulog ng walang pakialam sa mundo, ng walang iniisip, walang inaalala. Napaka-relax niya. Ganito parin siya hanggang sa pagdating ko dala ang pagkain namin, at doon nagsimula na ang araw namin na magkasama. Di ko malilimutan ang sandaling yun. Para kasi siyang bata na first time lang nakarating at nakakain sa isang mall. Nakikinig lang ako sa mga kwento niya ng tahimik. Nag-eenjoy siya. Ewan ko ba, napaka-kampante niya. Napaka at ease.
"Alam mo, napaka-trusting mo no?" bigla kong nasabi.
Napaisip naman siya at uminom muna bago sumagot, "Paanong trusting?"
"Kakakilala lang natin eh, ganito agad tayo." sambit ko na may ngiti.
"Bakit," sabay yakap sa sarili niya, "may balak kang masama sakin no? Wag po!" sinabi niya sabay tawa. Napatawa narin ako sa sinabi niyang yun. "Ano kaba, sa buhay natin ngayon, kailangan; kung ano ang gusto natin gawin, gawin na natin habang may oras pa."
"Wow, ang deep ah."
Sabay tusok sakin ng tinidor, "seryoso ako." habang nakangiti, "kasi tingnan mo ang paligid mo. Wala kabang napapansin?" napaisip narin ako ng mga oras na yun. Tiningnan ko nalang ang paligid ko at tila hindi ko parin gets ang nais niyang iparating.
"Lahat sila nagmamadali." tiningnan ko ulit. Tama nga siya, "sa sobrang pagmamadali nila, nakakalimutan na nila ang pinakamasayang part sa buhay."
"Ano naman yun?" tanong ko.
"Ang mag-enjoy!" sabay subo ng pagkain niya. Todo kain na siya muli noon, pero medyo parang natamaan ako doon. Tama siya, halos naka-focus nalang ako sa studies ko na ni minsan, di ko na naisip ang mag-saya. Well, di lagi, pero medyo subsob narin naman ako ngayong linggo. Tiningnan ko uli ang mga tao sa paligid. Lahat sila nagmamadali, lahat sila may oras na hinahabol.
Yung iba may kailangang puntahan, tapusin. Ang mga lakad na nagpapatakbo sa buhay nila ngayon, na tila, kinain na ang oras nila; ng hindi nila namamalayan.
Napatingin nalang ako sa kanya habang kumakain siya. Tama nga, kailangan ko na sigurong mag-loosen up. Masyado nakong kulob sa studies ko na, medyo napapabayaan ko narin ang tila, unwritten responsibilities ko sa sarili ko. Ang mag-enjoy.
Unti-unti na akong nahuhulog kay Nicole. Napaka-carefree niya. May pagka-open minded na nasa ibang lebel ito, na tila; hindi ko ma-reach.
"Oh tayo na." sambit niya. kakatapos lang niyang kumain at bago pa man ako makapag-salita, hila-hila nanaman niya ako.
Dinala niya ako sa Timezone sa may cinema level at doon. Nagpakasaya na kami. Laro dito, laro doon, nag-eenjoy lang kami sa paglilibang. Nung mga panahon pa naman na yun, talagang hindi ako mahilig maglaro sa mga arcade. Ni minsan, kahit siguro nung bata pako, or tuwing mapapadpad kami dito ng barkada ko. Never akong humawak ng joystick, ng baril, bola at kung ano-ano pang mga laro sa arcade na yun.
Pero dahil sa kanya, napalaro ako. First time ko lahat ng ginawa namin sa arcade na yun. Hinayaan ko lang siya na maglaro ng maglaro habang ako naman ay tamang sunod lang sa kanya. Enjoy na enjoy siya, kitang kita ko sa mga mata niya na kumikinang at tawa niya na tila isang musika sa aking mga tenga.
Pero ang hindi niya alam, ay nag-eenjoy ako noon, dahil kasama ko siya.
Natapos ang araw namin ng magkasama at nag-eenjoy ng icecream. Naglalakad-lakad nalang kami noon. Nagkakatinginan din kami, tatawa at kung ano-ano pa.
"Nicole." bigla kong tawag. Humarap ako sa kanya, at siya naman sa akin.
"Alam ko, masyadong maaga para itanong to sayo." nagtataka na si Nicole noong mga oras na yun. "Pinagisipan ko yung mga sinabi mo kanina. At tama ka, dapat enjoyin din natin ang buhay natin, lalo na ngayon bata pa tayo." bigla kong hinawakan ang kabila niyang kamay.
"Kaya Nicole, kung papayagan mo ako." napalunok ako bago ko binitiwan ang mga salita na ngayon ko lang ulit sasabihin, "pwede ba kitang ligawan?" Doon, sa sinabi kong yun, na binunot ko na lahat ng lakas ng loob ko para itanong sa kanya yun. Sa mga oras na yun, natulala sa akin si Nicole, tila di alam ang gagawin.
BINABASA MO ANG
Our Story
Teen FictionWhen life gives you something nice. Make the most of it, because in our world there is a saying; "Not all good things last..." Sa pananaw ni Nathan, i-kukwento niya sa atin ang masayang relasyon nila ni Nicole. Kung paano niya ito unang nasilayan...