Ch. III, Prt. III: To live

2.5K 38 4
                                    

Yung mukha ni Nicole nung mga oras na yun parang nakakita siya ng multo. Natigilan siya. Hindi ko alam kung ano nasabi ko, pero dahil hindi naman ako ganun ka-bagal maka-pick up ng sitwasyon, alam ko dahil yun sa nasabi ko.

"Nicole, ayos ka lang?" na-tanong ko nalang bigla.

"Ah, wala to Hon. Sorry kung napa-space out ako." agad niyang sagot, medyo malumbay ang boses niya, hindi katulad ng nakasanayan ko.

"May nasabi ba ako?"

"Ah, kasi yung nabanggit mo. Wala talaga akong balak sabihin sayo yung tungkol dun eh." lumapit ako sa kanya ng kaunti at hinawakan ko ang kamay niya. Medyo na-gulat ako, nanlalamig siya.

"Uhmm, kung ayaw mo naman mag-kwento Hon ayos lang sakin eh." tumingin siya sakin, "kung hindi ka komportable na pag-usapan yun. Eh di ayos lang kung hindi mo i-kwento." dagdag ko. Nginitian ko siya, at ganun din naman siya sakin.

Sinandal ko ang ulo niya sa balikat ko habang tila pinapa-kalma ko siya. Sa totoo lang, gusto ko talagang malaman kung bakit nasa-ospital siya noon. At sa itsura niya sa picture, medyo parang seryoso yung nangyari sa kanya. Pero dahil hindi pa nga siya komportable nung mga oras na yun, hinyaan ko nalang.

"Hon, gusto mo ba malaman kung bakit?" bigla niyang nasabi.

"Ha? Uhm, ayos lang kung hindi kapa ready Hon. Tsaka hindi naman siya importante." pagkatapos noon, tahimik na kaming nanood. Hindi na siya nagsalita pagkatapos noon, pero.

"Elementary ako noon, may nakita sila sa utak ko. Kailangang operahan." bigla niyang sinabi. Nagulat nalang ako.

"Nakalimutan ko na kung ano yun, pero dahil nga rare na sa edad ko nun nagkaroon ako, kinailangan nilang tanggalin agad para daw safe ako." di ko akalain, nagkaroon pala siya ng cancer.

"Isipin mo, sa dinami-dami ng tao at sa dinami-dami ng chance. Napaka-swerte ko at tinamaan ko yung napakaliit na percentage na yun." sinabi niya ang mga ito ng may ngiti. Tila hindi siya na ba-bother katulad ng reaksyon ko noon. Pero sa nakikita ko sa mga mata niya, naiiyak siya.

Successful ang operation niya noon, kita naman eh. Pero parang may iba sa kanya habang sinabi niya ang mga bagay na yun. "Tsaka alam mo ba, kaya nagka-ganito ang buhok ko, dahil doon sa operation na yun?" bigla niyang pabirong sinabi habang naluluha siya.

"Dati na-aayusan ko pa ang buhok ko, pero ngayon, wala na! Hahaha," dagdag niya. "Pero at least di ko na kailangang mag-ayos ng buhok diba? Suklay nalang, ayos na. Hahahaha." parang pinpilit nalang niya ang sarili niyang ngumiti, naiiyak siya habang nagtatawa, hanggang sa naging seryoso siya ulit.

"Ilang taon din binilang ko sa ospital para lang masiguro na tama nga ang hinala nila. Nawalan ako ng mga kaibigan noon. Tapos kung ano-ano pa ang pumapasok sa isip ko nun, na hala, ang bata ko pa. Madami pakong gustong gawin. Ganun." dagdag niya.

"Kaya simula noon, binago ko ang motto ko. alam mo ba kung ano yun?"

"H-h-hinde. Ano yun?" sagot ko. Nginitian niya ko.

"Live today as if you were to die tomorrow." speechless ako sa sinabi niya. Ni hindi ko na alam kung paano mag-rereact nung mga oras na yun. Naging sobrang seryoso ng mood na, nawalan nako ng oras para maka-react.

"Kulang yung motto mo, Hon." bigla kong nasabi. Napatingin naman siya sakin, pinunasan ko ang mga luha niya na tahimik na dumudulas sa pisngi niya. Pagkatapos noon ay hinawakan ko siya sa mga ito at sinabi ko, "Learn as if you'll live forever." dagdag ko, nanlaki ang mga mata niya noon.

"Tsaka hindi ka mamamatay. Love kita eh, hindi rin kita hahayaan." dagdag ko. Hindi ko alam kung ano ang pumasok sakin at nasabi ko ang mga yun, pero feeling ko, dahil para pagaanin nalang ang loob ni Nicole sa mga oras na yun. Bigla niya akong niyakap ng napakahigpit at iniiyak nalang niya ang mga ito.

Napangiti ako, hinawakan siya sa ulo at tila hinayaan nalang muna siyang umiyak, "Dito lang ako sa tabi mo, kaya wag ka mawawala ha? Tsaka tapos nanaman diba? Wala na yung cancer. Kaya di na mangyayari yun." sabi ko.

Matagal din siyang umiiyak noon. di ko alam kung bakit rin siya umiiyak para sa bagay na matagal nanamang natapos at mukhang ayos naman ang kinalabasan. Pero hinayaan ko nalang. Naging unan nalang niya ako para iyakan. Dahil napakaliwanag noong oras na yun, na hindi lang buhok at oras ang nawala sa kanya, simula nung operasyon niyang yun nung bata pa siya.

Gusto kong malaman kung ano yung sa tingin ko ay napakalalim na dahilan niya nung panahong yun, pero hindi pa yun yung tamang oras para malaman ko kung ano yun.

Our StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon