Ch. II; Prt. III: Day of Big 2nd Date

3.3K 53 0
                                    

Medyo napaisip ako noon dahil sa sinabi niya. Tama nga naman, You Only Live Once. Naisip ko rin na medyo kulong nga ako sa apartment ko. Nakakapag-explore din naman ako at nakakapag-gala. Yun nga lang eh, sa mga virtual games na nasa computer ko. Tsaka pag lalabas ako, hindi rin naman ako gaano mahilig sa mall, manunuod lang ako ng movie or may bibilin pag pupunta ako duon.

Sa computer shop rin ako minsan kasama ang dalawang mokong kung kaibigan nun. Pagkatapos nun wala na, as in dun nalang. Laking pasalamat ko narin pala at nakilala ko noon si Nicole dahil kung hindi, naku baka napaka-indoors guy ko. Halos walang buhay sa labas ng bahay. Haha. 

Pagkatapos nung araw na yun na sinabi niya na gusto niyang umakyat ng Mt. Maculot, at nung sinabi niya nga yung sa YOLO. Nag-iisip nako ng magandang gagawin namin para sa date namin ni Nicole. Yung sure ako na ikakatuwa niya. 

Sa buong isang linggo na yun, sa mga paghatid-sundo ko sa kanya, sa mga moments dadalin niya ko bigla kung saan-saan. Nag iisip ako kung pano ko siya ma-dadala sa isang magandang date, para sa isang tao na may pagka-"Exciting" lagi ang araw niya. 

Nagtanong-tanong rin ako sa mga kaibigan ko at ka-klase at halos iisa lang ang sinasabi nila sa akin. Pinagisipan ko yung mga sinabi nila at nasabi ko naman sa sarili.

"Hmm, mukhang ayos nga yun." 

Kaya sa mga susunod na araw. Pinaghandaan ko ang araw na lalabas ulit kami. Kasi napagkasunduan namin na dahil nanliligaw palang naman ako, at para hindi daw ako kawawa(Lol, kawawa) eh once a week lang muna kami lalabas tsaka meron pa siyang tinatawag na Spontaneous dates na siya lang daw ang pwedeng gumawa at mag dedecide kung kelan mangyayari. 

Daya no? Pero ayos lang, masaya naman ako, dahil kahit papano, naging makulay ang college life ko dahil sa kanya. Lumipas pa ang ilang araw at dumating na ang ng date namin.

Natatandaan ko pa na dun kami sa may 7 Eleven sa may gate ng school magkikita. Medyo napa-aga ako noon kaya nakapag-hintay pako ng kaunti. Naka porma ako noon. Suot ang aking best na polo shirt dagdag mo pa ang black pants ang shoes na panlabas ko. Di naman ako nagtagal doon at nakita ko na sa labas, ang dilag na napakaganda.

Natulala ako sa ganda niya dahil sa maikling panahon na magkakilala kami, ngayon ko lang siya nakita na mag-ayos ng ganito. Yung pagiging simple niya ay makikita mo parin pero parang nag-level up dahil sa black pants niya at white top at halatang matagal na pinagpiliian na bag. At dahil nga hindi ganun kahabaan ang buhok niya, ay nagawa parin niyang ayusan to sa napakagandang paraan.

Nakita niya ako, at agad siyang ngumiti at kumaway. Tumayo ako at lumabas papalapit sa kanya, tila tulala parin.

"Ayos lang ba itsura ko?" pagtatanong niya habang tinitingnan din ang sarili mula paa hanggang likod.

Napa-shake nalang ako ng ulo. Hindi agad ako nakasagot. Natulala lang ako sa ganda niya. 

"Uie Nathan, ayos lang ba itsura ko?" tanong niya ulit na siya namang kinabalik ko sa lupa.

"Ah oo, ayos. Ang ganda mo nga eh." napangiti ko siya.

"Di naman, sinasabi mo lang yan." dagdag niya sabay suntok ng mahina sa aking braso. 

"So uhmm  tayo na ba?" tanong ko.

"Oo, mga hapon narin naman eh." at agad na akong pumara ng taxi at tumuloy narin kami sa aming lakad.

"Nathan sa nga pala ulit tayo pupunta?" tanong sa akin ni Nicole. Napatingin nalang ako sa kanya at napakunot ng noo.

"Nicole, kagabi pa natin napagusapan yan ah." sambit ko sa kanya na parang natigilan at medyo na-mutla ng kaunti.

"Ah-eh oo nga pala. To naman, jinojoke lang kita, alam ko naman dun tayo pupunta eh, hahaha!" sagot niya. Napangiti nalang ako dahil halata naman na, mukhang nakalimutan niya nga.

"Sa Mall of Asia tayo. To talaga, makakalimutan karin pala."

"Ah eh, oo." sagot niya lang, "medyo makakalimutin din ako minsan." dagdag niya. Tinitingnan ko lang siya noon habang nakatingin siya sa labas. Nakakahumaling talaga tong babae na to.

"Mag ready ka ah? Madami-dami tayong gagawin. Kakain tayo sa ilang restaurants, tapos manunuod ng movie, tapos. mag skating tayo or bowling. Pero depende nalang sayo kung san mo gusto. Tsaka mag fe-ferri—"

Naramdaman ko nalang na dumampi na pala ang ulo niya sa balikat ko. Nakatulog na pala siya. Di nalang ako napaimik noon at napangiti nanaman ako.

Para kang bata na natutulog. Nung mga oras na yun. Yung time na yun na isa sa mga hinding-hindi ko malilimutan, ay isa sa mga moments na, talagang nakakapag-paganda ng pananaw ko sa buhay. 

Dahil kahit kailan naman, sa hinaba ng relasyon namin; masaya kami. Sobrang saya. At masasabi ko rin na, talagang ito yung ka-isa-isang babae na mamahalin ko na talagang unique.

Sa mga oras na yun, sa oras na unang beses nakatulog si Nicole sa balikat ko, nasabi ko yun sa sarili ko, na totoo ang nararamdaman ko para sa babaeng to.

Lumipas pa ang ilang minuto at nakarating na kami sa Mall Of Asia.

Agad kong ginising itong si Nicole. "Nicole dito na tayo." unti unti siyang nagising at ng nakita niya kung nasan kami, ay napangiti agad siya.

Agad siyang bumaba habang ako naman ay naiwan nagbabayad ng taxi.

"Bilis Nathan excited nako sa hinanda mo!" sigaw niya sakin. Napatawa nalang ako at agad nalang akong sumunod sa kanya. 

Our StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon