Chapter IV, Prt. I: Life's catch

2.4K 43 5
                                    

Nanigas ako sa pagkakatayo ko noon. Nanlamig ako, pati pawis ko ganun din. Sa harapan ko, ang taong hindi nagparamdam sakin ng ilang linggo. Nakahiga sa Hospital Bed, naka-makapal na bandage ang ulo niya. At parang namumutla. Nasa harapan ko si Nicole, habang tumutulo ang kanyang luha, tila gusto ng yakap na manggagaling sakin.

"Nathan..." pagtawag niyang muli sakin. Sa boses palang niya na nanginginig, ramdam na ramdam ko ang lungkot niya. Nandun lang ako nakatayo, nakaharap sa kanya, gulat na gulat. Hindi ko ma-process kung ano ang nangyayari.

Tila ayaw tanggapin ng utak ko ang nasa harapan nito, at ang puso ko na noon ay walang tigil sa pagtibok. Sobrang bilis, dahil sa kaba. Dahil sa takot. Dahil sa katotohanan na nakarap sa akin. Ayaw siyang tanggapin ng utak at puso ko.

"B-b-bakit?" ang kinaya ko lang i-labas ng mga oras na yun. Nakangiti parin siya sakin habang tumutulo ang luha sa mga mata niya. binaba rin niya ang mga kamay niya.

"I'm really, really sorry." ang tanging nasabi niya. Sa mga oras na yun nangangatog na ang tuhod ko. "ayoko lang masaktan ka..." sambit niya.

"Masaktan?" mahinahon kong sinabi, "Nicole naman, sinaktan mo nako nung hindi ka nagparamdam sakin ng almost 3 weeks." tumungo nalang noon si Nicole, tinatago ang pigil na pag-hagusgos niya.

"Pero sa nakita ko ngayon? Para mo nakong tinulak sa bangin. Ang sakit namin nito. Napaka-biglaan." sambit ko. Sa oras na yun hindi ko narin napigilan ang luha ko. Tumulo nalang to ng kanya.

"Ano to? Ano-anong nangyayari? Bakit ganyan ka? Nabagok kaba? Nasagasaan kaba? Sabihin mo?" naramdaman narin ni Nicole ng mga oras na yun ang lungkot at kabas sa boses ko. Sino bang hinde?

Ang pinakamamahal mong tao, nasa harapan mo na ganun ang itsura. Ni wala kang alam sa nangyari oh nangyayari. Hindi kaba mabibigla? Para akong pinagbagsakan ng langit at lupa noon.

Agad siyang humarap sakin, wala na ang ngiti na lagi kong nakikita sa kanyang mukha. Ang mga mata niyang laging nagniningning kasabay nito ay basang-basa ng luha.

"Uhmm, naalala mo ba yung picture ko nung bata ako?" sabit niya habang pinilit muli ang ngiti sa mukha niya. "Yung cancer ko kasi noon, kaka-opera lang sakin." Napatungo nalang ako. Ni hindi ko siya kayang tingnan, at labis ang inis ko sa sarili ko dahil sa panahon na lagi kaming magkasama, ngayon lang ako naging mahina.

"Ano kasi- abnormal yung cancer ko noon. Dahil sobrang bata ko para dito." tumingin siya sakin, "Nathan tingnan mo ako please?" pagtawag niya.

Tiningnan ko siya at doon nakita na niya na mahina ako. Pero kahit ganun nginitian niya parin ako. "Gliobolastoma Multiforme. Nakakatawa kasi, sobrang rare nito sa babae at edad ko. Pero ayun, napaka-swerte ko dahil nakuha ko." tapos tinawa nalang niya, bago napa-iyak.

"Na-operahan nako at natanggal na ito nung bata pako. Sa US, sobrang liit din ng chance nito na bumalik. Pero, lucky girl ang Honey mo eh." at ayun, nginitian nanaman niya ako.

Naiinis nako. Napupuno ang galit sa dibdib ko. Ni hindi ko alam kung papano ako mag-rereact. Sa buong tala ng buhay ko noon, walang nakapag-handa sakin kung paano mag-react sa ganitong sitwasyon.

"Nathan?" pagtawag niya sakin. "Magsalita ka naman oh..."

Pero tahimik lang ako. Di ko alam kung anong sasabihin ko sa kanya. Hindi ko rin kayang makita siyang nasa ganoong kalagayan. Tumungo nalang ako at sinubukang sabihin kung ano ang gusto kong sabihin.

"K-k-kelan mo pa nalaman na ganito ka?" tanong ko.

"Matagal narin. April ko lang nalaman."

Napalunok lang ako, "so yung mga iniinom mong gamot?"

"Hindi pako sigurado noon, pero sinabi sakin ng doktor ko na uminom narin ako para makasigurado."

"Yung pagiging antukin mo?"

"side-effect ng gamot." pagkatapos noon, wala nakong naging tanong. Matagal na pala niyang alam na may mali sa katawan niya, pero hindi man lang siya nag-abalang sabihin sakin. "Pagkauwi natin galing ng Cuenca. Ano, sumama ng lubos ang pakiramdam ko. Dinala ako dito para matingnan. Kung ano-anong test ang ginawa nila sakin sa loob ng ilang linggo lang. Pero hindi parin nila mabigay ang sagot. Sinabi na ni Yaya sa mga magulang ko kung anong nangyayari hanggang sa yung mismong doktor ko na galing states ang pumunta dito para i-check. At ayun, nakumpirma. Bumalik yung cancer."

Ilang beses nag-echo sa ulo ko yung phrase na yun; Bumalik yung cancer. Bumalik yung cancer. Bumalik yung cancer. Para akong sinaksak ng ilang ulit sa dibdib nung sinabi niyang yun. Parang pinasan na sa balikat ko lahat ng sakit na meron sa mundong ito.

"Fatal ba to?" ang tanong ko. Tumingin ako sa kanya at halatang nagulat siya sa tanong ko. Umiwas siya ng tingin sakin. Tumutulo parin luha sa mga mata niya habang humigpit ang hawak niya sa kumot niya.

"Hindi pa dumadating yung evaluation ng doktor ko at ng mga doktor dito. Kaya sa ngayon hindi ko alam kung ano na lagay ng cancer ko." ang sagot niya. Matagal siyang natahimik bago siya nakasagot. Tiningnan ko siyang mabuti, mukhang hindi nga niya alam.

Huminga ako ng malalim noon. Nanginginig ako sa takot. Sa tala ng buhay ko ngayon lang ako natakot ng ganito. Walang kahit anong pwedeng makapag-describe ng nararamdaman ko; basta ang alam ko, takot na takot ako.

"Lalabas ako. Kailangan kong magpahangin." sabi ko habang tumayo ako. Tumingin lang ako sa kanya habang siya naman sa akin. Nagulat siya sa reaksyon ko, pero agad din siyang tumungo. Hindi nako naghintay ng sasabihin niya. Lumabas nalang ako ng kwarto.

Sa mga oras na yun, nagpapanic nako sa loob-loob ko. Hindi ko alam ang gagawin. Ang gagawin ko para mapalagpas siya sa pinagdadaanan niyang yun.

Nainis din ako sa sarili ko, dahil sa dami-dami ng pwedeng nangyari; ang kaisa-isang bagay pa sa mundo ang natupad. Ang isang bagay na kahit ano pang gawin ko, alam ko wala akong magagawa kundi ang manood lang.

At sa totoo lang, ayokong nararamdaman na wala akong magagawa. Sa puntong yun, isa lang ang na-realize ko: Na hindi lahat ng magagandang nangyayari; nangyayari ng walang kapalit.


Our StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon