Pagka-sineswerte ka nga naman, walang boyfriend si Nicole! Ngayon ang kailangan ko nalang gawin ay kung pwede akong manligaw. Pero kakakilala ko lang sa kanya, baka ma-weirduhan sakin to or what. Ano nga ba ang dapat kung gawin? Sabihin agad kung pwede akong manligaw or mag-hold out muna ako at patagalin pa to.
Di ko parin naman siya ganun kakilala, at ganun din naman siya sa akin. Sa mga oras na to, gustong-gusto ko na talaga, pero kailangan mag-isip ako ng maayos dito. Ito ang ayaw ko sa sarili ko eh, masyado akong nag-iisip. Hating-hati ako sa mga oras na yun.
Uie? Bat wala kana diyan? Hello? Tulog kana ba?
"Sorry! May bigla lang sumagi sa isip ko.Hehe, di pako tulog."
Hmmm, antok kana yata eh, gabi narin naman. May pasok kaba bukas?
Hala, wala akong pasok bukas, wednesday bukas eh. "Ikaw ba may pasok ka?" tinanong ko nalang.
Hmmm, meron. Maaga, mga 7:30, ganun. Ikaw ba? Hmmm, pasok narin kaya ako?
"Ah, 9am pa naman pasok ko. Gusto mo samahan na kita."
Nyek, 9 pa pasok mo eh.
"Ano kaba? Basta ikaw ang kasama ko, ayos nako!" leche, ang korni ko nakakainis. Nasabi ko nalang bigla yun ng hindi iniisip. Kaya siguro single pako hanggang ngayon, or talagang bigla lang akong magiging absent-minded?
Sus, ikaw ah. Kakakilala palang natin ganyan ka kagad! Hahaha
"To naman, wala naman magagalit diba? Tsaka kakilala mo lang naman ako, ayos lang yun."
Mmmm, pag-iling niya. Ikaw talaga, hehehe. sa tawa palang niyang yun halatang napangiti ko siya.
Sige-sige, kita nalang tayo ulit sa cafeteria, dun sa mismong table na yun, ok?
"Ok, dala ako ulit ng post its ha? Hehehe"
Haha ikaw talaga! Hmmm sige ikaw bahala. Anyway, post-it boy, tutulog nako ah. Goodnight post-it boy.
"Hehehe sige, goodnight din Nicole. See you in my dreams este sweetdreams. Hehehe" ang korny ko talaga. Natawa nalang noon si Nicole, pero hindi pa niya binababa. Ako naman tong si ewan, hindi ko nalang din binaba. Nag-antay lang ako dun kung mag-sasalita siya. As in talagang pinakinggan kong mabuti hanggang sa narinig ko, ang mahimbing niyang paghinga.
Nakatulog na pala siya ng di niya namamalayan. Siguro antok na antok na to. Napangiti nalang ako habang pinapakinggan ko ang tahimik niyang tinig. Para siyang bata.
Pinikit ko nalang ang mga mata ko ng mga oras na yun, habang pinapakinggan siya. Di rin nagtagal ay nakatulog narin ako noon, na may ngiti sa aking mukha.
~~~~~~~~~~
Kinabukasan maga akong dumating sa school. Excited ako noon, wala lang. Excited along makita ulit siya. Tingnan mo naman, wala talaga akong pasok pero pumasok parin ako. Ewan ko nga ba.
Dala ko rin yung post its na baka gamitin namin. Pagdating ko ng cafeteria, nakita ko na may nakaupong barkada dun sa table namin. Tiningnan ko nalang ang oras at may 10 minutes pa naman ako. Umupo nalang ako sa may tabing table at inantay siya. Palinga-linga ako, tsaka binabantayan ko rin ang table namin.
Di nagtagal, dumating na si Nicole. Nakangiti siyang kumaway sakin pagkatapos ay tiningnan rin niya ang table namin. Ng nakita niya na may nakaupo, nagpabalik-balik ang pagtingin niya sakin at sa table, hanggang sa umupo siya sa may bakanteng upuan sa table namin.
Nakangiti parin siya pero di niya nako pinansin ng mga oras na yun. Teka, bakante naman dito sakin ah, bat di nalang siya umupo dito? Tinext ko kagad siya na lipat nalang sa table ko. Nareceive naman agad niya dahil nakita kong tumingin siya sakin. Nginitian lang niya ako tapos di na niya ako pinansin.
Ha? Teka anong nangyayari? Di niya ako pinapansin. Dinededma lang niya ako. Tinext ko uli siya pero hindi na niya pinansin ang phone niya. Habang naghihintay ako na pansinin niya ay nahuhuli ko na pasulyap-sulyap siya sakin. Di rin nagtagal ay umalis na ang mga nakaupo sa table namin at doon ay agad akong tumayo at umupo sa harap niya.
Nakatingin lang siya sakin habang nakangiti, "Uie Nathan! Kaw pala!" loko to ah.
"Grabe di moko pinapansin. Ilang beses kitang sinesenyasan.
"Diba sabi ko sa table natin tayo ulit? So ayun hindi kita pinansin hanggat wala tayo sa table na to Post it Boy. Hehe." natawa nalang ako sa sinabi niyang yun. di ko alam kung may topak to or what, pero kahit na ganun pa man, ang cute niya parin. Nag-usap na kami nung mga oras na yun bago siya mag-klase at doon sinimulan na namin ang araw namin.
BINABASA MO ANG
Our Story
Genç KurguWhen life gives you something nice. Make the most of it, because in our world there is a saying; "Not all good things last..." Sa pananaw ni Nathan, i-kukwento niya sa atin ang masayang relasyon nila ni Nicole. Kung paano niya ito unang nasilayan...