Naaalala ko noon na halos hindi ako nakatulog nun kakaisip sa magaganap noon araw na yun. Simula na kasi ng chemo ni Nicole. Yung feeling na may mabigat sa dibdib mo, na alam mong wala kang magagawa kundi ang maghintay at tingnan nalang ang mga susunod na mangyayari.
Kinakabahan ako. Hindi ko alam kung ano ang pwedeng mangyari. Dahil narin siguro na nabanggit mo na walang kasiguraduhan kung kailan matatapos ang chemo mo. Sobrang takot ako, sobra.
Yung takot na alam mong nandiyan na, at alam mo rin na wala kang kayang gawin. Masakit, mahirap. Kahit sa sarili ko, hindi ko alam kung ano ang pwedeng maging epekto ng takot na to sa akin.
Basta ang alam ko lang noon ay mahal ko na si Nicole, sobrang-sobra. Mahal ko na siya sa puntong handa akong mag-sakripisyo, pero ang tanong lang dun ay hanggang san nga ba ang kaya ko?
Sa dinami-rami ng tanong sa isip ko noon, iilan lang ito sa mga tanong na naglaro sa isipan ko nung gabing yun. Mga tanong na, kahit ako ay natatakot sagutin noon, hanggang sa sinubukan nako ng tadhana.
Tulala parin ako nung nasa school nako, tila hindi mapakali. Hindi ko narin na text noon si Nicole hanggang sa siya na ang nagtext sakin.
Hon, start na ng chemo ko. Kain ka diyan sa school okay? Alam kong busy ka. P.S. I Love you
Ng nabasa ko ang text na yun ay bumigat nanaman ang pakiramdam ko. Hindi ako makapag-concentrate. Ni wala akong lakas para bumili lang ng simpleng pagkain oh buklatin ang notebooks ko, wala. Napansin nako nina Kurt at Oscar.
"Pre, kanina kapang umaga. Anong problema mo?" tanong sakin ni Oscar.
"Oo nga bro, di ka naman ganyan, " sambit naman ni Kurt sabay hawak sa balikat ko, "ayos lang ba kayo nung syota mong si Nicole?"
"Oo nga, bigla nalang nawala yun. Wala akong balita sa kanya actually." dagdag naman ni Oscar. Napabuntong hininga ako noon at napa-ub-ob nalang ako.
Sana pala, nung mga oras na yun ay sinabi ko ang dahilan kung bakit ako nagkakaganito. Sana sinabi ko sa kanila ang mangyayari nung araw na yun; para kahit papano, makahinga ako ng maluwag. Para kahit papano madamayan nila ako sa pinagdadaanan ko noong mga oras at sa mga susunod na araw pagkatapos noon. Sana, sana.
"Wala guys. Wag niyo nalang akong intindihin." pero ito ang sinabi ko. Ito ang sinagot ko, sa mga kaibigan ko na concern sakin.
"Pre, kung may pinagdadaanan ka man or kung kailangan mo ng kaibigan, nandito lang kami ni Kurt. Wag mo kakalimutan yun." sabi sakin ni Oscar. Napaka-swerte ko dahil may kaibigan akong katulad nila.
"Basta nandiyan lang kayo, sapat na muna ngayon yun." sagot ko. Pagkatapos noon ay tahimik na naming tinapos ang buong araw ng klase.
Natapos ang araw ko na may kaba sa dibdib hanggang sa narinig ko nalang phone ko na nag-riring. Si Nicole. Napangiti nalang ako agad at walang ano-ano; sinagot ko kaagad ang tawag.
Uie, Hon. Tapos na klase mo? agad na napawi ang ngiti sa aking mukha. Rinig ko palang sa kabilang linya ng phone, mahina siya.
"Ah, oo baby." sagot ko habang pinpilit lagyan ng ngiti ang boses ko, "sya-nga pala ano, yung chemo mo, kumusta? Ano balita?"
Aah, ayun, wala pang sign ng impact pero sabi sakin ng doctor ko. Pero mukhang may epekto daw naman kasi nakakita daw sila ng reaction.
Di ko alam kung bakit, pero tila nakahinga ako noon ng maluwag, dahil mukhang magiging ok ang lahat. "Yun mabuti naman! So ano, pwede ba akong pumunta diyan?" agad kong tanong. Gustong-gusto ko noon dalawin si Nicole, gusto kong makita kung ayos lang ba siya kahit na ganun ang boses niya.
Ahh, wag muna ngayon Nathan. Bukas nalang, ayos lang ba? Sorry Hon ha.
"Ah, ganun ba, oh sige-sige. Ayos lang wag ka mag-sorry. Hon talaga. Haha." sambit ko para tila pagaanin ang loob ni Nicole. Alam ko namang walang epekto, pero di ko rin alam kung bakit. Nakasanayan ko nalang siguro; or dahil sa kagustuhan ko na maging ok na agad ang taong pinakamamahal ko, kaya ako napasagot ng ganun.
Asahan kita bukas Hon. Sige na Hon, pagod na ako eh, gusto ko na matulog.
"Ah sige Hon, pahinga kana diyan para bukas makapag-saya tayo ha? Hehe."
Natawa siya, huminga ng malalim, bago sumagot, Sige Hon, goodnight na ha, P.S. I Love You...
Sa hindi ko malamang kadahilanan noong oras na yun, ng sinabi niya ang phrase na yun, biglang tumulo ang luha ko bago ako nakasagot, "P.S. I love you too."
Naputol na ang tawag. At ako ay naiwang nakatayo sa gilid ng kalye, nakangiti, pero umiiyak. Sumabog na pala ang puso ko, ng hindi ko nalalaman.
BINABASA MO ANG
Our Story
Teen FictionWhen life gives you something nice. Make the most of it, because in our world there is a saying; "Not all good things last..." Sa pananaw ni Nathan, i-kukwento niya sa atin ang masayang relasyon nila ni Nicole. Kung paano niya ito unang nasilayan...