Naalala ko pa nung una ko siyang na kita. Ni hindi ko alam ang gagawin ko noon. Bihira lang naman ako makakita ng babae na talagang magpapatibok ng puso ko. Sobrang pihikan ko daw kasi, pero nung mga panahong yun wala talaga akong interes sa mga ganung bagay. Lalo na at ayaw kong bigyan ang sarili ko ng posibleng maging sakit ng ulo ko.
Pero sa mga oras na yun na nakita ko na siya. Tila nagbago ang isip ko, tinamaan agad ako sa kanya. Agad akong nag-isip noon kung paano ko siya makikilala. Nagpalinga-linga ako sa palagid at pinalipas ang ilang sandali para malaman kung may hinihintay siya oh wala. Swerte ko lang at mukhang wala dahil nakatutok lang siya sa libro niya.
Agad kong inayos ang assignment ko at tumayo. Nakatingin lang ako sa kanya noon habang papalapit ako sa kanya. Shit! Anong gagawin ko? Naglakad ako agad ng wala pang plano. Ah! Bahala na nga.
"Uhm, may kasama ka ba?" tanong ko sa kanya, may halong kaba sa aking dibdib noon. Parang may sumusuntok na ewan sa sobrang kaba. Tumingin lang siya sakin at nakita ko siya ng malapitan. Mukhang pulbo lang ang nasa mukha niya. Grabe ang simple lang niya. At mukhang natural pa ang pagka-pula ng mga labi niya.
Tumungo lang siya, yun lang ang naging sagot niya sakin, walang imik, walang boses, tungo lang. Wala daw siyang hinihintay. Nakangiti siya nung sumagot siya ng ganun at agad naman akong umupo. Nilabas ko nalang yung mga gamit ko. Pati yung para sa assignment ko nilabas ko na.
Ano kayang gawin ko? Ayos nako sa pangalan lang eh, pero talagang gusto ko mas-higit pa doon. Matagal akong nakaupo sa harap niya ng walang ginagawa at sawakas; sa hinaba-haba ng pagkakaupo ko sa tapat niya, nakaisip nako ng paraan. Nilabas ko yung extra illustration board ko, at pati ang mga post it na gagamitin ko.
Habang inaayos ko yung mga gagamitin ko, napansin kong tinitingnan na niya ako. Inilapag ko ang isa pang set ng post it notes kasama ng ballpen sa tapat niya. Parang naguluhan siya noon at nagpabalik-balik lang ang tingin niya sa akin.
Nagsulat ako sa post-it note at dinikit ito sa board. "Hi! :)" ang sabi ko.
Kinakabahan ako kung ano gagawin niya. Di pa siya nag-rereact habang nakatingin lang siya sa sinulat ko. Naku, pumalpak pa yata. Tiningnan ko siya at doon nakita ko, nakangiti na pala siya at nakatingin sa akin. Napangiti rin ako sa kanya ng kinuha na niya ang post it na nakatapat sa kanya at nagsimulang mag-sulat.
Parang tumatalon ang puso ko ng mga oras na yun sa tuwa! Ilang beses ko lang naramdaman ang ganung feeling sa buong buhay ko. Una nung binilan ako ng bike ng mga magulang ko nung maliit pako. Pangalawa nung niregaluhan ako ng high-end laptop ng tatay ko nung high-school ako at ang pangatlo, ay ng nakita ko siya, pati narin ang napakagandang ngiti niya.
Dinikit na niya ang sagot niya. "Hello!" nakahinga ako ng maluwag noon pagkatapos ng simpleng hello na yun. Dahil kahit na sobrang corny ng ginawa ko para lang makausap siya. Doon sa ginawa ko na yun, nagsimula ang lahat.
Ang tagal namin nag-usap ng ganun lang ang ginagawa. As in, hindi kami nag-sasalita sa isa't-isa, Post-it lang ang gamit namin. Nagtatawanan lang kami noon at halos ang masasayang tawa na namin ang laman ng buong cafeteria. Isa na yata yun sa pinakamasayang araw ko. Mistulang magiging highlight ng linggo ko. Mas lalo akong nahuhulog sa mga ngiti niya at mga tingin. Ang mga mannerism niya na talaga nga namang unique sa kanya lang.
Ang sarap sa pakiramadam. Ang tagal namin dun hanggang sa tumingin na siya sa rilo niya. "I have to go now. See you later! Bye!" ang nakasulat sa post it at agad na siyang umalis ng cafeteria. Naiwan lang ako doon, parang tanga na nakangiti ng mag-isa.
Lumipas ang ilang minuto ng bigla kong napagtanto, hindi ko nakuha ang pangalan niya or number man lang, pero higit sa lahat tapos na ang first period ko. Di na ako nakapasok noon sa class ko. Napasarap ata ang pag-kukwentuhan namin at di ko na napansin ang oras.
Nagmadali nalang ako sa pag-aayos ng gamit ko. Ng paalis na ako, may nakita akong post it sa inupuan kanina nung kausap ko, at doon agad kong kinuha ang post it. "Gusto uli kitang makausap, tawagan mo ako ah, Nicole."
Napangiti agad ako dahil hindi pala nasayang ang effort ko. Alam ko na ang pangalan niya, at pagtingin ko sa likod ng post it, nakita ko rin ang number niya. Agad na akong umalis ng cafeteria at dumeretyo na sa classroom ko, ng masaya at may ngiti sa aking mga labi. Dahil nung mga panahon yun, hindi ko alam, na dun na pala mag-sisimula ang maganda naming kwento.
BINABASA MO ANG
Our Story
Teen FictionWhen life gives you something nice. Make the most of it, because in our world there is a saying; "Not all good things last..." Sa pananaw ni Nathan, i-kukwento niya sa atin ang masayang relasyon nila ni Nicole. Kung paano niya ito unang nasilayan...