Hanggang ngayon hindi ko parin maintindihan ang sarili ko kung bakit ako biglang bumaba nung araw na yun. Nanginginig akong lumabas ng ospital at umupo malapit sa fountain noon, hawak ang ulo ko.
Sabagay mahangin. Umayos ako ng upo noon at huminga ng malalim ng mga ilang beses. Pinapakalma ko ang sarili ko noon. Dahil sa mga oras na yun, hindi ko alam ang gagawin ko.
Basta ang alam ko; bumalik ang cancer ni Nicole na hindi ko rin mabigkas, mahaba kasi at komplikado. Matagal din niyang nilihim sa akin ang tungkol dito. Bakit niya ginawa yun eh, maiintindihan ko naman.
Pero, maiintindihan ko nga ba?
Ang mga bagay nga naman na katulad noon, ay tila mahirap lunukin. Kasi dalawa lang naman ang pwedeng mangyari pag may cancer ka; ang mabuhay ka, oh ang mamatay ka. At syempre; gusto ko mabuhay siya.
Si Nicole; siya lang naman ang naging dahilan ko para unti-unting magbago. Oo medyo mabagal ako. Pero siya yung nakapag-udyok sakin na gawin yun. Si Nicole na pinaka-importante sa buhay ko ngayon, at binabalak ko rin na maging habang buhay.
Pero, na-te-threaten na ito dahil sa cancer niya. Na nilihim niya sakin ng pagkahaba-haba. Sa kadahilanan na hindi ko maintindihan.
Tumayo ako noon at naglakad-lakad. Iniisip ko parin ang pwedeng dahilan niya kung bakit hindi niya sinabi sakin. Dahil ba sa takot? Kaba? Or nanigurado muna siya, at sasabihin din naman niya, na sinabi naman niya sakin.
Sa mga oras na yun, natigilan ako. Natatakot siya. Natatakot siya sa gagawin ko. Naupo nalang ako sa isang tabi ng naisip ko yun. Natatakot siya sa magiging reaksyon ko, at eto nga; ginawa ko ang kaisa-isang bagay na kinakatakutan niya. Ayaw niya lang na mag-alala ako ng husto hanggat di siya sigurado. Sinabi naman niya sakin kung anong nangyayari; at sa nakita ko palang, enough na dahilan kung bakit bigla siyang hindi nagparamdam.
Ayaw niya rin akong masaktan. Katulad ng nararamdaman ko noon, oo nasaktan ako; sobra. Para akong tinusok ng tubo sa dibdib at tinalian pa ng mabibigat na bagay sa tigkabilang dulo. Pinoprotektahan lang niya ako, kahit sa napakasakit na paraan, para hindi ako masaktan hanggat hindi siya nakakasigurado.
At anong naging reaksyon ko? Lumabas ng ospital para magpahangin. Ng na-realize ko kung ano ang ginawa ko, agad akong tumakbo pabalik ng ospital at sa kwarto niya. Nagmadali ako noon hanggang sa bigla ko nalang binuksan ang pinto na siya namang kinagulat ng mga nasa loob.
Hingal na hingal ako. Maging sila nagulat din sa pagbalik ko. Yung iba napangiti nalang sa pagbalik ko at agad na tumayo at lumabas muli ng kwarto. Tumabi ako hanggang sa napadaan na ang Yaya ni Nicole.
Hinawakan niya ako sa balikat ko, "Hijo, alagaan mo siya ha? Masaya ako at nandiyan ka para sa kanya." ang sabi niya. Hindi na naman ako nakasagot noon, napangiti nalang din ako sa sinabi niya at doon pumasok nako.
Nakita niya ako at halatang nagulat siya.
"A-a-no, tapos kana bang magpahangin?" ang tanong niya. May takot parin sa boses niya. Hindi nalang ako sumagot noon at agad nalang akong lumapit sa kanya at niyakap siya ng napaka-higpit. Hindi rin agad siya naka-react agad. Hindi rin nagtagal at unti-unti na niya akong niyakap.
Masmahigpit ito kumpara sa binigay ko sa kanya. Umupo ang sa tabi niya habang magkayakap kami at doon, umiyak siya ng malakas. Naiintindihan ko na. Hinimas ko ang ulo niya na may bandage, at tila pinapatahan ko siya. Matagal din ang moment namin na yun. At yun din ang unang beses ko siyang nkaita na umiyak at matakot ng ganito.
Hinigpitan ko ang yakap ko sa kanya, para i-paramdan na hindi siya nag-iisa. "Tahan na Hon. Sshhh." sambit ko habang wala siyang tigil sa pag-iyak. Pati ako nadadala sa pag-iyak niya pero pinili kong maging malakas para tumahan na siya. Dahil sa mga panahon na yun, kailangan niya ng masasadalan na mas-malakas pa sa kanya.
"I-I-I-I'm sorry, hindi ko nasabi a-a-agad sayo." pinilit siyang sabihin.
"Ayos lang, naiintindihan ko."
"Natatakot ako na, m-m-mawala ka sakin. Na baka iwan mo ako." Sandali akong bumitaw sa sinabi niyang yun at tiningnan siya sa mga mata niya na basa ng luha. Pinunasan ko to habang tumatahan na siya, at maging ang mga luha na naiwan sa maputla niyang mga pisngi. Hinawakan ko siya sa rito at dinikit ko ang noo ko sa noo niya.
"Kahit ano pa man ang mangyari, tandaan mo to. Hinding-hindi ako mawawala sayo. Gagawin ko ang lahat, para lang lagi akong nasa tabi mo. Tandaan mo yan ha?" ang sambit ko.
Tiningnan ko siya sa mga mata niya at doon, hinalikan ko siya para kumalma. At muli kong siyang niyakap. Humigpit pa lalo ang yakap niya sakin. "Kahit na ganito ako, nandiyan ka lang?" tanong niya.
"Oo. Malalampasan natin to na magkasama, ok? Diba pupunta pa tayo sa magagandang lugar? Ang pangako ay pangako." sambit ko at natawa siya ng kaunti roon.
"P.S. I Love you." sambit niya.
Napangiti nalang ako, at sumagot; "P.S. I Love you too."
BINABASA MO ANG
Our Story
Teen FictionWhen life gives you something nice. Make the most of it, because in our world there is a saying; "Not all good things last..." Sa pananaw ni Nathan, i-kukwento niya sa atin ang masayang relasyon nila ni Nicole. Kung paano niya ito unang nasilayan...