Ch. I, Prt. VIII: Nicole's Letter: When you asked me

3.7K 57 3
                                    

Nung una mo akong tinanong kung pwede mo akong ligawan, tila bumilis ang tibok ng puso ko. At siya namang tigil ng mundo sa paligid ko.

Talaga, nung binanggit mo yun, na surpresa ako. Pumasok agad sa isip ko ang araw na una tayong nagkakilala.

Tahimik lang ako noon na nakaupo sa table, sa cafeteria. Iniisip ko noon ang kinabukasan. Kung anong magandang gawin sa hapon. Kung tumambay nalang ba ako sa school, or magliwaliw nalang. Lahat ng yun natigil ng bigla kang dumating.

Nakatingin lang ako sayo noon. Hehe, aaminin ko na cutan ako sayo nung una kitang nakilala, kaya napatungo nalang ako sa tanong mo.

Sandali akong lumihis ng tingin, dahil alam ko na sa sandali na mabasa mo ang letter na to, na madali lang akong pangitiin. Pinipigilan ko lang ang sarili ko nung mga panahong yun. Pakipot effect. Hehehe.

Busy ka sa kung saan, ng bigla ka nalang may dinikit na Post-It sa harap ko. "Hi :)"

Nagulat ako nung ginawa mo yun. Pinipigilan ko parin ang ngiti ko. Hanggang sa sinakyan ko na ang trip mo. Napukaw mo ang atensyon at interes ko. Pinasaya mo ang araw ko nun alam mo ba? Kung ano-ano nalang ata nasulat natin sa Post-It na yun. Pero at least, nakilala kita sa pinaka interesanteng paraan diba?

Pasalamat talaga ako at ganyan ka. Kasi ang totoo, ang korni-korni ng ginawa mo, hahaha! Siguro pag ginawa mo yun sa ibang babae, baka tumayo pa sila at umalis. Siguro nga yun ang gagawin ko, pero iba naging reaksyon ng katawan ko, ng puso ko.

Matagal tayo dun, mga ilang oras nga ba? Di ko maalala. Pero kahit na ganun, sulit naman. Ni di mo nga tinanong ang number ko, at pangalan, kaya binigay ko nalang sayo. Sa pagbabasakali na tawagan mo ako, at hindi mo ako dinissappoint.

Nung gabing yun, tuwang-tuwa ako. Narinig ko na ang boses mo, ang cute! Grabe ewan ko ba, pinipigilan ko nalang ang boses ko na tumaas. Baka kasi lumaki ang ulo mo eh, hehehe. Sorry din kung sinungitan kita. Pero alam mo ba? Dahil sayo, lalo mo lang pinasaya ang araw na napaka black and white ko. Binigyan mo to ng kulay, at sumunod yun hanggang sa araw ng first date natin.

Yung araw na tinanong mo ako, kung pwede mo ba akong ligawan. Alam mo bang sobrang bilis ng tibok ng puso ko noon? I-papadala mo ako sa ospital dahil doon. Ang lalim ng tingin mo, ang mga mata mo na tila isang magandang gem. Ang magulo mong buhok. Lalo mo lang pinabilis ang pag-tibok ng puso ko.

Di ko alam kung sigurado kaba. Dahil sa isang tulad ko na simple lang, ang katulad mo magkaka-gusto? Hala siya, ano nalang sasabihin ng ibang tao? Kung ano-ano pa ang tumakbo sa isip ko noon, pero sa kung paano mo ako titigan at pagmasdan, nakumbinse ko kagad ang sarili ko na seryoso ka.

Sa isip-isip ko noon, dapat ko bang pagbigyan to? Dapat ko bang i-tuloy to? Ano i-sasagot ko sa kanya? Tapos naisip ko pa yung mga binitawan mong salita. Ibinalik mo sakin ang sinabi ko nung hapong yun. Napaka-unfair mo! Hindi ko alam ang gagawin ko nun. Tulala nalang akong nakatingin sayo.

"N-Nicole?" tawag mo sakin ng bigla akong matauhan, natulala nga ako.

"Ah, eh." pano ko ba sasagutin to? "Eh kasi..."

Nanlumo ka bigla noon, nagalala ako. "Sorry, uhm kung hindi ka naman interested sakin sabihin mo lang. Ayos lang sakin." sabay ngiti mo.

"Hindi yun!" agad na naisigaw ko.

"Eh ano?" bigla mo namang tanong. Napaka-unfair talaga. As in, nalilito ako. Aaminin ko may gusto nako sayo noon, pero parang nabibilisan ako. Pero ako tong wala sa lugar para isipin yun, mali. Hindi dapat yun ang inaalala ko nung mga oras na yun. Kundi dapat ba?

"Sigurado kaba?" tanong ko.

"Oo naman!" sabay ngiti sa bilis ng sagot mo.

"Paano kung masaktan lang kita?"

"Eh di aayusin natin. Walang bagay na hindi naayos, ano kaba. Hehehe"

"Paano kung lagi tayong mag-away?"

"Imposible yan. Well, yung lagi di mangyayari yan. Pero yung away, mga once a week pwede na."

"Sira!" napangiti ako sa sagot mo at napatungo. Dapat ko bang i-tuloy to? Ayokong masaktan siya. At kahit kelan hinding hindi ko papangarapin na saktan ka.

Tumuloy nalang ako sa paglalakad ko habang nakangiti. Ikaw naman tong takang taka sa reaksyon ko. Tinitingnan lang kita nung mga oras na yun, napakamot ka sa ulo. Tila hindi mapakali kung ano nga ba magiging reaksyon ko. Ang cute mo noon.

"So uhmm, ano sagot mo?" tanong mo. Tumingin lang ako sayo.

"Sigurado ka talaga ha? Baka pagsisihan mo sa huli."

"Ang mga bagay na pinagsisisihan ay ang mga bagay na hindi natin nagawa or naranasan." napatigil ako sa sinabi mong yun. Ang totoo, ang deep. Napatingin lang ako sayo, "Tama naman diba?" sabay ngumiti ka sakin.

"Sure ka talaga ha?"

"Oo nga! Promise!"

"Peksman?"

"Peksman!"

"Walang halong biro?" sabay harap ko sayo.

"Walang halong biro!" namula ang mukha mo sa paglapit ko ng mukha ko sayo.

"Mamatay man ako?" natigilan ka doon at bigla mo akong hinawakan sa tigkabilang braso ko.

"Wag naman! Grabe ka naman oh!"

"Hahaha!" tapos naglakad ako ulit. Grabe, ang cute cute ng reaksyon mo. "Oh sya-sya. Tingnan natin kung tatagal ka." tapos noon, nagtatalon ka nalang bigla sa tuwa. Nagtatatawa lang ako ng mga oras na yun. Pinagtitinginan na tayo ng mga tao.

Ang saya-saya mo, at dahil sa sobrang saya mo, masaya rin ako. Habang naalala ko yung araw na yun, masasabi kong, hindi ako nagkamali sa desisyon ko, dahil sa mga sumunod na araw, linggo, buwan at taon, binigay mo sakin ang pinakamasasayang alaala ko.

End of Chapter I

Our StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon