Lumipas pa ang linggo na halos ganun lang ginagawa namin. Tambay sa bahay nila. Dahil narin siguro na sinabi niya na parang mas-gusto niya munang mag-stay noon sa iisang lugar. Nanibago ako ng kaunti noon pero, di ko narin pinansin. Medyo pagod narin ako sa mga gala na nagagawa namin as mag-jowa.
Kumakain kami ng cakes, ng pizza at ng kung ano-ano pa. At medyo napapansin ko narin na pagdating ng hapon eh sobrang napaka-antukin niya. Nanonood kami ng movies, nagkukulitan. Napansin ko rin na laging natutuwa ang yaya at ang ilang kasambahay niya tuwing naroon ako.
Hindi ko alam ang mga dahilan sa mga ngiti at kaunting tawa nila noon, kaya hindi ko rin gaanong pinansin. Pero sa tinagal ko doon, unti-unti akong nagiging curious sa kung anong buhay ang meron itong si Nicole.
Hapon noon at as usual, nakatulog ulit si Nicole sa tabi ko. Inayos ko siya, pinahinaan ang volume ng pinapanood namin at nagpasya akong lumabas at medyo mag-gala sa bahay.
Lumabas ako ng kwarto ni Nicole at doon umikot nako ng bahay. Wala ako gaanong nakikitang pictures noon, puro mga decorations at mga halaman. Sa paglalakad ko ay doon nakita ko ang pictures ni Nicole nung bata pa siya.
Ang cute-cute niya. Grabe ang taba-taba. Nakita ko rin ang parents niya, ito siguro yung mga panahon na narito pa sila. Habang tinitingnan ko ang ibang pictures, nakita ko ang isa pang picture noon na medyo malaki na siya. Kinuha ko ito at pinicturan gamit ang phone ko, pagkatapos napangiti nalang ako noon.
"Ang cute niya ho no?" sabi bigla ng isang kasambahay nila.
"Oo nga po eh. Hehe." sagot ko naman ng medyo lumapit ito.
"Ito si mam nung 2 yrs. old po siya niyan." pagkatapos ay ngumiti kaming pareho. Maya-maya pa ay may parang hinanap siya sa loob ng cabinet noon at pagkatapos ay may inabot siyang photo album.
"Ito ser, baka magustuhan niyo po lalo. Yung iba pa pong pictures ni Mam nung maliit pa siya."
"Ay, thank you ho." pagkatapos ay kinuha ko iyon at umupo sa sofa.
Agad kong tiningnan ang mga pictures, halatang medyo excited din ako dahil hindi pa niya napapakita sakin ang mga litratong ito, at alam kong lagot ako pag-gising niya. Hehe, ayos lang yun, sulit naman eh.
May mga pictures nung nasa crib siya, naglalakad, kunwari nag-bibike, at ultimo nung pinapaliguan siya ng daddy niya. Haha ang cute. At may isa pa, yung pinaka-paborito ko, yung picture niya na nasa mga dahon siya at naka bonnet. Haha ang cute talaga, parang simula pagkabata palang niya ay gusto na niyang mag-gala or pumunta sa isang adventure.
Pagkatapos noon ay muli akong bumuklat at medyo na-guluhan ako. Blanko na. Binuklat kong muli kung meron ang mga kasunod at wala. As in wala. Wala pang kalahit ang photo album ng pictures niya pero wala na pagkatapos noon. Ng maisipan ko na buklatin ang huling part ng book, medyo nagulat ako sa nakita ko; picture ni Nicole, medyo mas-matanda na siya rito, pero nasa ospital siya, nakangiti, at may bandage sa ulo.
"Uhmm, ano po to? Di pa po niya naku-kwento sakin to eh." tanong ko sa kasambahay na parang nagulat din. Di ito maka-imik.
"Ay Hijo, balik kana ng kwarto at maglilinis nako dito." sambit nito at kinuha na niya ang photo album pagkatapos ay nagmadaling ibinalik ito. Parang nabalisa siya ang itsura niya.
Dahil hindi ko naman masyado pinagisipan yun, agad nalang akong sumunod at bumalik ng kwarto. Pero habang naglalakad ako, naalala ko ulit yung itsura nung kasambahay. Parang may kakaiba sa kinilos niya, or sa naging reaksyon niya.
Nakabalik nako sa kwarto at napagisipan ko nalang noon na huwag nalang masyadong pansinin ang reaksyon nung kasambahay. Agad akong tumabi kay Nicole noon at agad din naman siyang yumakap sa akin na para akong unan.
Pinagpatuloy ko ang panonood ko noon hanggang sa nagising na sa mahimbing niyang afternoon nap si Nicole.
"Kumusta ang tulog ng aking princessa?" sabi ko habang kinukusot niya ang kanyang mga mata tapos umunat siya.
"Anung oras na?" tanong niya.
"Mga 7:30pm lang naman Hon." pagkatapos noon ay yumakap ulit siya sakin na parang wala lang.
"Himasin mo ulit ulo ko." sabi niya, agad nalang akong sumunod sa pagka-tuwa ko. Para siyang bata.
Habang ginagawa ko yun ay nakahiga parin siya ng biglang pumasok ang Yaya niya, "Miss Nicole, baba kana po." sambit nito. Di agad bumangon si Nicole pero maya-maya pa ay sumunod na ito sa matanda.
"Hon saglit lang ako, diyan ka lang. Dala narin ako ng makakain natin." tumungo naman ako at pagkatapos noon ay tumayo na siya ng tuluyan at lumabas ng kwarto. May routine talagang sinusunod itong bahay na to dahil tuwing ganitong oras ay bumababa si Nicole.
Lumipas pa ang ilang minuto at nakabalik na sila at may dala ngang pagkain. Agad na ini-handa ito sa maliit na table sa harap ng TV at doon nag-simula na kaming kumain. Habang nanonood kami ay bigla kong naalala yung baby pictures niya kaya naisip kong banggitin ito.
"Nga pala, Hon, tiningnan ko yung mga baby pictures mo."
"Ha?! Naman Hon eh, nakakahiya!" tapos biglang niyang tinago ang mukha niya sa unan. Natawa nalang ako noon dahil sa cute ng reaksyon niya.
"Ang bad mo." pagbangon nito at kumain muli, habang ako naman, kakatapos lang tumawa.
"Nga pala, bat parang kulang yung pictures mo? At bakit ka nasa-ospital dun sa huling picture? Di mo pa nababanggit yun sakin." sambit ko, pero tahimik lang si Nicole. Lumingon ako sa kanya, at doon nakita ko, na parang natulala siya.
Hindi ko alam kung dahil yun sa nasabi ko, pero sa itsura niya. Mukhang hindi niya inaasahan na makikita ko yun.
BINABASA MO ANG
Our Story
Genç KurguWhen life gives you something nice. Make the most of it, because in our world there is a saying; "Not all good things last..." Sa pananaw ni Nathan, i-kukwento niya sa atin ang masayang relasyon nila ni Nicole. Kung paano niya ito unang nasilayan...