Ch. IV, Prt. V: The meaning of hugs

2.5K 36 1
                                    

Nung mga panahon na yun sinulit na namin ang mga araw namin na masaya bago dumating ang araw na kailanagan na niyang mag-chemo.

Balik nga sa dati, kulitan, harutan at ang mga hapon na tulog kami sa piling ng isa't-isa. Masarap nga naman ang pakiramdam na yun. Tila ayaw mo ng matapos. Pero katulad nga ng isang phrase; Not all Good things last... haunting siya, pero may punto ito, at nalaman ko yun nung huling gabi namin na magkasama katulad noon.

Paalis nako noon dahil may pasok nako bukas ng tawagin ako ni Nicole. Tiningnan ko siya at nkita ko na nakatungo siya at ang mga kamay niya na nkahawak sa kumot niya ng mahigpit.

"Hon, ano; pwede bang simula bukas, maging 2 to 3 times per week mo ako dalawin?" sinabi niya sa akin. Sinara ko sandali ang pinto noon at lumapit ako sa kanya.

"Bakit naman Hon? Ayaw mo ba muna ako makita?" sambit ko, "teka nagsasawa kana ba sa mukha ko? Kung yun dahilan mo magsusuot nalang ako ng maskara. Uhmm sino pogi na artista? Hmm" pagbibiro ko naman, napangiti nalang siya at pinalo ako ng marahan sa balikat ko.

"Ikaw talaga. Hindi noh, ayoko lang makita mo akong nahihirapan."sambit niya, "Uhmm kasi baka nakakasagabal nako sa school work mo. So para makapag-focus ka ulit dun, bawasan mo muna pag-dalaw sakin." sabay ngiti.

"Hmm totoo ba yan?" tanong ko.

"Oo promise." sagot niya, pero alam ko nagsisinungaling siya.

"Parang hindi naman eh. Yung totoo Hon." dagdag ko, tapos napatungo nalang siya.

"Ano, kasi, baka napapagod kana. Biruin mo, from Manila to Taguig. Araw-araw ang byahe mo, sige ka. Nabubugbog katawan mo niyan, ayoko naman ma-ospital ka. Di kita maaalagaan niyan oh."

"Hon, tama na. Ano yun." sambit ko.

Di agad siya nakasagot noon, pinalipas lang muna niya ang ilang sandali bago siya nakasagot. "Ayoko lang na mahirapan ka. Yun lang Hon." sagot niya, pero ngumiti lang ako sa kanya at tinanong.

"Hon, mas mahihirapan ako pag hindi kita nakita. Tsaka baka mas mahirapan ako pag hindi kita nakita? Di mo ba naisip yon? Ha?" sabay pisil ng marahan sa kanyang ilong.

"Ikaw kaya lakas ko. At sa mga araw na kailangang-kailangan mo ako, doon naman ako papasok para bigyan ka ng lakas ng loob. Ok?" sumimangot lang siya, hinila ako at tinago ang mukha niya sa dibdib ko.

"Hon naman eh," sabi niya tapos tiningnan ko siya at nakita ko ang basa niyang mga mata, pero mga nakangiting labi. "ayoko nga masaktan ka. Please bawasan mo na pagdalaw mo, for me?"

Napahinga nalang ako noon ng malalim. Ginagamitan nanaman niya kasi ako nung puppy-dog eyes niya. Kaya hindi ko siya matanggihan eh. Pero yung hinihiling niya noon, talaga namang mahirap ibigay.

"Teka bakit nga? Seryoso ka ba talaga?" tanong ko.

"Sinabi ko na diba? Please, payag kana. Please!" sabay yumakap siya ng mahigpit. Di na siya ganun kalakas pero nag-kunwari nalang ako na nasasaktan.

"Teka-teka di ako makahinga!" sabay bitaw niya, "Hon naman, mahirap yang gusto mo. Iba nalang." tumahimik nalang siya.

"Hays, sige payag ako. Pero dadalaw parin ko pag libre ako"

"Hon naman, kakasabi ko-"

"Nicole, pag libre ako. Ok? Hindi naman pwedeng pabayaan kita, gusto ko kasama mo ako, lalo na ngayon. Alam ko mahirap ang magiging daan pero kailangan kayanin. Ok?" sambit ko, tiningnan lang niya ako.

"At pano kung hirap na hirap kana? Anong mangyayari sayo? Sige nga."

"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko.

"Nathan, di ko alam kung hanggang kelan tong chemo na to. Mahihintay mo ba ang isang bagay na walang kasiguraduhan?"

Aaminin ko, napalunok ako noon, pero mahal ko tong babaeng to eh, syempre kakayanin. "Oo, matagal man yang chemo na yan, may katapusan din yan. Di man ngayon, bukas or next year, matatapos parin yan."

Umiwas siya ng tingin sakin. Humigpit nananaman ang kapit sa kumot niya. "Hindi mo alam ang sinasabi mo Nathan." nagtaka ako noon, nagiba ang tono ng boses niya.

"Teka, sa chemo parin ba to, oh dahil takot kang ipagpalit kita?" sambit ko, pero hindi siya nagsalita. "Nicole, wag kang mag-alala. Pangako yan, sayo lang ako, sayong-sayo lang. AT kahit nandito kapa sa ospital, kahit na malagas pa yang buhok mo, tandaan mo hindi kita ipagpapalit or lolokohin. Mahal kita, okay?"

Nakita ko, tumulo ang mga luha niya. Umupo ako sa tabi niya, hinawakan sa magkabilang braso niya, tiningnan at sinabi, "Hon, ikaw lang. Okay?" tumingin siya sakin habang tumutulo ang luha niya. Hindi siya hagulgol sa pag-iyak, yung luha lang niya talaga ang tila nagkusang lumabas at bumuhos. Sa mga oras na yun hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman niya oh ang iniisip niya; pero noon, ang tanging nasa isip ko lang ay ang patahanin at siguraduhin na buo ang tiwala niya sa akin.

Nagulat nalang ako sa ginawa niya, niyakap niya akong muli, mahigpit, at ramdam ko ngayon na mas-malakas ito kesa sa kanina lang, "P.S. I Love You."

Napangiti nalang ako at sumagot, "P.S. I Love You too."

Pagkatapos noon ay matagal kaming nagyakapan bago ako tuluyang umalis. Habang naglalakad ako sa hallway, naaalala ko pa na, natakot din ako sandali, hindi para sa kanya. Hindi, dahil kundi para sa sarili ko, dahil sa loob-loob ko, ay hirap na hirap nako, at dahil nga sa start na ng chemo niya bukas, baka hindi ko na alam kung hanggang saan ang kaya ko, bago ako sumabog.

Our StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon