Piece 22

81 3 0
                                    

yey, sa wakas nakahawak na din ng computer! tapos na ang prelims namin!!!! so may update na..


pavote and comment po ah.. thank you .. =)


***22***

Okay, time for school na naman. Woohoo!! Okay lang na maaga ang pasok, magkikita naman kami ni Hanz mamaya eh, kaya dapat ay hindi masira ang mood ko hanggang mamaya mula ngayong umaga.

“Hi Gabrielle,” bati sa akin ng bruha. Oh, anong nakain nyan? Nag-iba yata ang ihip ng hangin ah, naging Hurricane Agatha. Wahaha.. I’m so bad.

Tumango na lang ako para hindi sya mapahiya. May respeto pa rin naman ako sa ibang mga tao kahit hindi naman talaga karespe-respeto ang mga yun. Parang si Agatha lang.. >:D

“Kulang na lang ay mapunit yung mukha mo sa pagngiti ah,” sabi ni Mikee. Close kami nyan, pero minsan ay awkward pa rin pero okay naman.

Bago pa ako makasagot, umupo na si Mitchie sa katabi ko dahil mukhang umagang-umaga ay may sumpong.

“Ang aga ng tantrums mo ah,” sabi ni Mikee. Wahahaha... Maraming alam na pang-asar ang lalaking ito, pero mabait naman yan. Pasalamat sya na mabait sya noh? Kung hindi baka lumulutang na sya ngayon palang sa ilog dahil naihagis na sya ni Mitchie. Hahaha...

“Si Hanz kasi eh,” nakasimangot na sagot ni Mitchie. Nagulat naman ako sa sinabi niya.

“Oh, ano namang meron kay Hanz?” tanong ko naman.

“Darating daw mamaya sa bahay,” sagot ni Mitchie na parang pinagsakluban ng langit at lupa. Haha. . ang epic nga nya eh.

“Anong issue doon?” tanong naman ni Mikee.

“Eh kasi, ako ang pinaglinis ni Mommy kahapon ng kwartong tutuluyan ni Hanz habang nasa bahay sya. Kaya ayun, masakit ang katawan ko. Sh*t talaga yung si Hanz, paimportante,” nagmamaktol pa ring wika nya.

Akala ko naman kung ano na. Sila talagang magpinsan, hindi pa rin nagbabago hanggang ngayon.

***

Tapos na ang klase at wala namang masyadong importanteng nangyari bukod sa muntik nang madulas si Agatha sa corridor. Gusto ko ngang tawanan eh, kaso nakakabastos naman yun eh, kaya hindi ko ginawa.

Papalabas na ako ng school. Yehey! Mababatukan ko na si Hanz. Ang tagal hindi nagpakita sa akin nun eh.  May malaking topak din yun sa utak, parang ako lang. Haha..

“Hoy Gabby, bakit parang nagmamadali ka ngayon?” Ah, ano nga bang dahilan?

“Eh kasi, may pupuntahan ako?” Yah bakit ba ganoon ang tono ko? Parang hindi ako sigurado sa ah. Hehe .. excited eh.

“Paano yung Chem lesson natin?” tanong ni Cady na para bang nanghihinayang sa kung anuman. Hay, bayaan nyo na nga muna sya, moment ko ‘to eh. Bawal ang drama effect ni Cady. Panira lang sa momentum.

“Next time na lang Cadmium ha, busy ako ngayon eh,” sabi ko, at ayun, kumunot na naman yung noon nya, as if on cue. “Hehe, peace na tayo Cady.”

“Si---”

ELLE!!” may sumigaw. Walangya ‘to. Sinabi ko nang wag akong tatawaging Elle eh.

“HANZ!!” may pagbabanta sa tono ko.

Tinawanan lang niya ako. Siguro nakita nya na nag-iinusok na yung ilong ko. Bwisit talaga sya. Lumapit naman sya sa akin at..

*pak*

“Ouch! What was that for? Is that your way of showing me how much you missed me?” Nganga.. haha .. binatukan ko kasi. Ayan tuloy, nanggagalaiti sya ngayon. “Uy, namiss kita.”

“Wushu, wag ka ngang sipsip dyan! LOL..” sagot ko.

Ay oo nga pla, si Cady nga pala. Humarap ako sa direksyon niya para lang makitang naglalakad na sya palayo, pabalik sa direksyon papuntang Laboratory.

*vibrate, vibrate*

1 message received

From: Dim

          Sumunod ka na lang. Aantayin kita.

Huh? Ano daw?

  

Chemically UnmelodiousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon