Piece 16

111 3 0
                                    

upload-upload din.. haha.. wala namang klase eh..

pavote and pacomment po ah.. thank you.. =)

***16***

“Anong naintindihan mo sa lesson ni Ma’am Santiago nung isang araw?” simula ni Cady sa usapan nang makarating kami sa Music Room. Tama po ang nababasa niyo, MUSIC ROOM. Dito daw kasi kami magrereview ngayon.

“Wala. Ako pa talaga ang tinanong mo niyan? Wala. Hindi naman ako nakikinig nung mga panahong yun dahil nagtetext ako,” sagot ko naman.

“Sino naman kaya yung nakatiis na maging katext ka? I pity him.” Teka, paano niya nalaman na lalaki yung katext ko nun?

“How did you know that he’s a guy?”

“Wild guess,” then he smiled. Okay? Weird!

“Just proceed with the lesson, will you?”

Baka kasi humaba pa ang discussion namin ay wala na naman kaming masimulan at matapos.

“Okay. Our lesson is about chemical bonds. Now, why is it necessary for chemicals to bond?”

Wow, spokening English siya, baka ma-nose blood ako. Simulan nyo na akong padalhan ng libu-libong rolyo ng tissue dahil baka hindi ko kayanin ay maubusan na ako ng dugo. Madugu-dugo ang mga kaganapan dito. Hahaha..

“Simply to attain stability. Unlike the noble gases of the family VIIIB, the other chemicals aren’t stable. For a chemical to be stable, it must have eight electrons in its valence shell. Well, Hydrogen and Helium are exceptions, requiring only two in their valence shells,” paliwanag ko naman. Akala nyo ha.. =)

“Nice to hear you know that. Talaga bang hindi ka nag-aaral sa inyo? Parang alam mo na rin ang mga advance lessons sa tono ng pananalita mo,” puna ni Cady. Oo kaya, tanong nyo pa sa tatay ko, parati lang akong tulog pag nasa bahay.

“I don’t aim for high grades; I just get them.”

“Yabang.” Wala ngang connect yung mga sinabi ko eh. Adik din ng isang ‘to ah.

“Totoo naman. Saka isa pa, hindi ko naman kasalanan kung naririnig ko yan sa mga classmates natin kapag nag-aaral sila. Sadyang malakas lang talaga ang mga boses nila.” Napailing na lang sya. Anong problema ng isang yan?

“So, do you have any idea of the two types of bonding?”

“Actually, I’m not sure if those are the ionic bonding and covalent bonding.  As far as I can remember, ionic bonds require the transfer of one electron from a chemical to another for both to become stable. It usually occurs between a metal and a non-metal. Meanwhile, sharing of electrons is a common ground in covalent bonding.

Napangiti naman sya habang ako ay nalilito kung tama ba yung mga pinagsasasabi ko.

“Kung ganoon, sa rudiments of Music na tayo,” mungkahi niya.

“Agad-agad? Ni wala ka pa ngang naituturo sa akin sa Kapnayan, tapos gusto mo ng pag-aralan yung isa pa?”

“Anong Kapnayan?” tanong niya sa akin nang nakakunot ang noo.

Kapnayan ang Filipino word para sa Chemistry,” sagot ko naman.

“Ah,” he mouthed. “Ano pa bang ituturo ko sa iyo, eh lahat ng tinatanong ko ay nasasagot mo nang tama?” Oo nga noh? Tama pala yungm ga sagot ko? Hindi naman niya sinabi kaagad eh. Akala ko kasi kanina ay nagbibiro lang siya eh.

Napatingin ako sa orasan sa may gilid ng Music Room, at napag-alaman na eleven o’clock na pala. Ang tagal niya kasing kumain kanina eh, tapos ay nagbyahe pa kami papunta dito sa school namin. Tinanong nya ako ng kung anu-ano na sinagot ko naman. Ayan tuloy, inabot na kami ng alas onse ng tanghali.

“O sige na, sige na. Piano ang sinabi mo sa akin, hindi ba?” Tumango naman sya. “Ano na ba ang alam mo tungkol sa piano?”

Nag-isip muna sya bago sumagot. “Piano is a musical instrument with strings struck by a hammer which worked by the keyboard.” Ano daw?

“Oh tapos, ano pa?”

“Wala na, malay ko ba dyan.” Pero ngumiti naman sya. He’s really unpredictable.  Parang may kakaiba sa ngiti nya eh. Ewan ba, pero lahat yata ay nagiging weird kapag si Cady ang gumawa.

“Okay, sabi mo eh. Ang white keys ang main keys at ang black naman ang nagdadagdag o nagbabawas ng value ng nota, depende sa hinihingi ng pagkakataon. Kung mapapansin mo rin, walang black keys sa pagitan ng E at F, at B at C. Sadya talaga yan, dahil wala namang chords na E# at B#.”

Nakatitig lang sya sa piano habang inaabsorb siguro ang mga pinagsasabi ko.

“Karaniwang tatlong daliri ang gamit sa pagtugtog ng isang chord. Halimbawa ay ang Key of C. Para matugtog mo yun, isang daliri sa C, isa sa E at isa sa G. May pagitan lang na isa ang bawat pipindutin,” sabi ko habnag dinedemonstrate sa kanya yun.

“Paano kapag D? Itataas sa black yung pangalawang daliri?” Galing, paano nya nalaman yun?

“Exactly. Ang kaliwang kamay naman ay kadalasang gingagamit for accompaniment, samantalang ang kanan naman ay sa melody. Yun nga lang, hindi ko sigurado kung nababago ba yun sa mga kaliwete.”

“Paano yung sinasabi mong ‘for accompaniment’? Tatlong daliri din ba?” tanong niya na parang gulong-gulo na sa mga nangyayari sa mundo.

“Hindi, dalawa lang. Ang gagamitin lang dun ay ang little finger at ang thumb. Yan naman ang tinatawag na ‘do’ to ‘do’ dahil mula sa first note na pipindutin mo, yung eighth na ang kasunod. Meaning, kung ‘la’ ang una, ‘la’ din yung isa. Gets?”

“Oo, try ko nga.”

Sinubukan nya lang nang sinubukan hanggang sa magsawa siya at mapagod. Nahirapan siya sa paglilipat ng keys gamit ang mga kamay niya nang sabay. Pero masasabi kong persistent siyang matuto. Madali syang turuan at hindi tulad ng iba, hindi sya umaangal. Hindi na ako nagtaka kung bakit nakuha nya agad nang mabilis ang mga pinagsasabi ko.

“Ayoko na; ang sakit na ng kamay ko,” reklamo niya. Kasasabi ko palang na hindi siya nagrereklamo eh.

Bumaba sya mula sa upuan at ginawa iyong sandalan. Kasi nga di ba, yung Music Room namin ay may stage at dahil sa sobrang laki? Kaya nandito kami ngayon sa stage since nandito yung piano. Bale ang pwesto namin, nakaupo ako sa silya namang sinasandalan niya. Para bang magkatalikuran kami, pero hindi pantay yung inuupuan namin.

“Gab, pwede bang humingi ng favor?” Hindi ko nakikita yung mukha niya pero sa tono ng pananalita niya, masasabi kong napakaseryoso niya.

“Ano yun?”

“Gab, can you..?”

“Can you what?” pabitin pa kasi eh.

“Can you please sing for me?”

Chemically UnmelodiousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon