Piece 23

86 2 0
                                    

yehey!! Happy Holidays everyone!! 

***23***

“Hoy Hanz, bruho ka talaga. Ang tagal mong hindi nagparamdam ah,” sabi ko na kunwari ay nagtatampo, pero syempre may kasamang hampas yun.

“Sus, if I know, hindi naman talaga ako ang namiss mo, kung hindi ang pagpasok natin sa mga gulo,” sagot niya. Napatawa na lang ako. Kilalang-kilala na nya talaga ako. Alam nya pati ang mga gawi at trip ko.

“Hehe.. paano mo nalaman?”

“Syempre, ako pa.”

Alam nyo kasi, dahil nga pareho kaming may topak, eto at nag-click kami. Sino nga pala dyan ang nagsasabing bakla daw si Hanz? Iharap nyo sa akin, at uupakan ko. Ang gwapo kaya neto, at hindi sya bakla ah. NEVER. Lalaki yan, pwera biro. Lalaking ubod nang yabang at sungit pero maraming stalker. Sorry sila, he has me.

“So ano, simulan na ba natin? Alam ko namang yan ang dahilan ng pagpunta mo dito eh,” suggest ko.

“Psshh.. imba mo talaga, Panget. Paano mo nahulaan yun?”

“Lul, ganyan ka naman parati eh.”

“Ang cute mo talaga,” saka nya ako kinurot sa pisngi. Ouch ha. Saka FYI, hindi ako cute, maganda ako. Hahaha.. lakas ng trip eh, pero sabi nga nila, huwag na daw ikaila pa ang bagay na sobrang obvious na.

“Sipsip ka!”

“Hehe.. oo na. I love you bhe,” sweet na sabi nya. Naglalambing ang bruho, pwe!! Hehe, joke lang. Namiss ko yan.

Love you too…”

***

Nagpunta kaming dalawa sa mall, naghahanap kasi ng gulo eh. Alam nyo na, stressed din ako nitong mga nakaraang araw dahil na rin sa Hurricane Agatha na kasalukuyang pumipinsala sa aming paaralan. Haha.. ano daw?

“Are you sure you want this?” tanong ni Hanz.

“Naman! Ako pa ba ang hindi?”

Iniwan ko muna si Hanz sa isang part. Magkakaaway lang kapag hindi na kinaya ni Hanz, at syempre, as his ‘you know’, I’ll do the honor di ba? Dalawang babae na yung dumaraan na sinusundan ng tingin si Hanz, ehem, head turner eh. Yung gunggong naman, hindi maipinta yung mukha, na tila ba naiinip na sa kung anong pwedeng mangyari. Atat much na malaman ang kahihinatnan eh.

Mga sampung minuto pa ang lumipas at ayun. Nagsimula nang makipag-flirt yung isang babae kay Hanz. Ang mokong naman, walang pakialam. Halos taasan na nga ng kilay ni Hanz eh. You read it right guys, FLIRT. Sila lang naman ang inaaway ko eh, kasi ayoko sa kanila. Yung tipong alam na ngang may gf yung tao, papatulan pa rin. Bakit ko naman gugustuhing mandamay ng inosente hindi ba?

I’m mean, I know. Well… thanks again to this, I was reminded.

“I said, my girl won’t like seeing you with me,” inis na sabi ni Hanz. Well, that’s a part of the flow. He has nice acting skills you know.

“She’ll never know, unless you slipped your tongue,” malanding sabi nung babae.

Gosh, kumukulo ang dugo ko sa kanya. Tindi ng apog nya eh di ba? Kadiri sya, parang ipinapakita nya ang lower form of species. Tao sya na may isip kaya alam nya ang dapat at hindi dapat gawin. Psshhh.. the nerd speaks.

“You want to lose your hair?” tanong ulit ni Hanz.

“Na-uh,” sabay iling pa nung babae. Lumigkis pa sya kay Hanz.

The nerve!!! Kapal lang ha. Nakangiti pa rin sya kaya naman naiisip ko na ang itsura nya kapag nakalbo ko na. Makangiti pa rin kaya siya pagkatapos ko syang kalbuhin?

Tumingin sa akin si Hanz, and I smiled widely. IT’S SHOWTIME!!

Lumapit ako sa kanila at hinalikan sa pisngi si Hanz. Namula pa kunwari ang loko. Galing nya talagang sa acting oh, may blush effect pa.

“Hi Hon, who’s she?” tanong ko nang makalapit ako sa kanila. Nginitian ko rin nang bongga yung babae kaya bumitaw sya kay Hanz ko. Pero hindi naman yung ngiting aso.

“I’m Kri---”

“She’s just a passer-by. Don’t mind her,” walang kagana-ganang sabi ni Hanz. Strike one na. Taas noo pa rin sya sa akin? Alam ko na kaya ang sikreto nya.

Tinignan ko ulit yung girl. Mukha kasi syang pamilyar eh. Ay, bayaan mo na nga. Nasa mood talaga ako ngayon eh.

“Ah talaga? Eh bakit ka nya nilapitan Hon?” tanong ko na halata ang tonong naghihinala.

“Eh kasi---”

“Malay ko dyan Hon. Huwag mo na nga lang syang pansinin,” sabi ni Hanz na sinimangutan pa yung girl. Hindi na tuloy maipinta pa yung mukha nung girl.

“Last question na Hon,” sabat ko na pinagdiinan talaga ang word na ‘Hon’, “is she flirting you?” Tumaas naman ang kilay ni Hanz. Haha.. ewan ko ba kung bakit ko tinanong yun. Hindi naman kasi yun kasali sa script.

“Of course not!!” depensa ni Hanz. Tinignan ko naman yung girl, ang I gave her one sweet b*tchy smile.

“Nice try Miss. But don’t you dare come close with my guy again, or you’ll lose your hair,” banta ko sa kanya kaya naman dali-dali syang umalis.

“Psshh.. wala man lang thrill, ni hindi ko nga matatawag na away yun,” imik ni Hanz. Oo nga eh. Akala ko nga din ay palaban. Nagulat pa nga yata siya nung makita ako eh. Anong meron? Oh well…

***

Umuwi na rin kami ni Hanz after some time. Wala eh, boring din doon. Seven na rin kami nakauwi sa bahay. Nag-stay lang nang kaunti si Hanz para batiin si Daddy. Matagal na rin silang hindi nagkita eh.

Pagkaalis niya, dumiretso na ako sa room ko para magshower at magpahinga. Hayst, nakakapagod pala talaga ang araw na ito. Pero naman. Sa totoo lang, sobrang saya ko dahil nandito na ulit si Hanz. Sana talaga hindi na sya umalis ulit. Pasaway kasi eh.

Bago ako humiga sa kama, isinuksok ko muna yung charger ng cellphone ko at syempre chinarge ko.. ano pa bang gagawin ko dun? Empty na kasi eh. Kaya siguro wala akong narereceive na txt kanina pa kasi nga empty na. Hahaha…

Pero teka, may nakalimutan ba akong gawin sa araw na ito? Pakiramdam ko kasi ay meron. Meron nga ba? Para talagang meron pero hindi ko maalala. Ah, pabayaan na nga lang muna yun. Tutulog na lang muna ako.

---

pavote and pacomment po kung nagustuhan mo...thank you.. =)

Chemically UnmelodiousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon