Piece 24

70 2 0
                                    

Advance Merry Christmas po!!


makapag-update na nga, nakakahiya naman daw kasi kay Lorelie , pinag-uupdate na ako .. and Ralph! natupad ko na hiling mong maging guard ... haha


pavote and comment po ah.. thank you .. =) 

***24***


Naghanda na akong pumasok sa school. Yun nga lang, nagulat ako nang makita ko si Hanz na nasa sala namin. Ang mas lalo pang nakakagulat, nakaguot sya ng school uniform namin. Did I miss something?

“Oh bhe, anong meron?” tanong ko nanga tuluyan nang makababa sa hagdanan.

“Sabay na tayo pagpasok,” mataray na sagot niya. Ayos ‘to ah, may personal na  alalay na ako. Pero teka, he’s wearing the school uniform---- my school’s uniform!!

O.O

“What? You mean---”

“Yes, young lady.”

After nyang i-confirm, napayakap na lang ako sa kanya. Sa wakas, schoolmates na ulit kami ni Hanz. Kung alam nyo lang, gustong-gusto ko na talaga syang makasama ulit, kasi anytime, pwede syang mawala sa akin.

***

Pagdating namin sa school, pinagtitinginan kami ng mga estudyante. Eh paano naman kasi, ang lakas ng dating nitong kasama ko, tapos sya pa ang may dala ng mga gamit ko. Ang sweet nya noh? Hehe.. under yan sa akin eh.

Kinapa ko yung bulsa ko, and viola! Naiwan ko na naman pala ang cellphone ko sa bahay. Okay lang yan, wala namang masyadong nagtetext sa akin eh , bukod sa mga classmates ko. So, let’s not think about that.

Habang naglalakad kami, nakasalubong namin yung janitor na tropa ko, I mean si Manong Ralph, haha..

“Ineng, hindi ba ikaw yung taga-III-Neutron?”

“Opo,” sagot ko naman.

“Pwede bang makikisauli ito sa may-ari? Naiwan yata yan ng kaklase mo kagabi,” pahayag ni Manong.

“Kagabi po?”

Chemically UnmelodiousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon