Piece 28

64 2 0
                                    

 pakibasa po ng Author's note sa dulo, importante yun.. =)

***28***

Friday na ngayon, and yeah, exam proper na ngayong araw na ito. To start with, Chemistry ang first period ko. Ang saya-saya talaga di ba? =_=

Bago ako magtuloy sa classroom, kinausap ko muna si Sir Tenorio. Guess what, hindi ko na pala kailangang mag-effort na kumanta dahil excempted naman pala ako doon. Tsk, bakit ngayon lang niya sinabi di ba? Dagdag pa niya, kailangan ko raw paghandaan ang practical exam next week kung saan masusubok sa amin ang characteristics of sound, lalo na ang kakayahan namin na i-blend ang mga boses namin.

*vibrate, vibrate*

1 message received

From: Dim

          Nagreview ka ba sa Chemistry? Huwag mo sanang sayangin ang effort natin.

Effort natin? Joke ba yan? Ah baka naman na-wrong send nya lang sa akin. Uso kaya ang wrong send ngayon. Mga alibi eh.

Anyways, tinatamad talaga kaong magreview eh. Wala kasi ako sa mood. Kayo ba naman ang makakita kay Agatha nang umagang-umaga, ewan ko lang kung hindi  masira ang mood nyo. Tara, matulog na lang muna tayo.

***

Tapos na ang exam namin. Jusko!! Ang dali lang naman palang hulaan. Hahaha.. joke lang po. Nasagutan ko naman kahit na papaano. Yun nga lang, sana tama yung mga pinaggagawa ko doon. Hindi ko kasi nabasa yung instructions eh, hehe. . =P

“Ano Gabby, kumusta naman ang exam?” pang-aasar sa akin ni Mitchie.

“Okay naman. Eh kayo ni Mikee, kumusta na?” balik-tanong ko naman sa kanya     .   

Ayun, nagwalk out ang lola nyo. Anyare dun? Para kinukumusta ko lang nmaan  kung okay sila dahil nalaman kong sila pala ang magkapareha sa practical exam.

Speaking of preactical exam sa Music, awkward moment na naman. Ni hindi nga ako pinansin ni Cady kanina  eh. Tsk, akala naman niya. May kasalanan pa sa akin ang isang yun. Hindi ko nagustuhan ang ginawa nyang prank sa akin nung isang araw. Tapos yung lintang si Agatha pa, panira ng mood.

“Ano bhe, kumusta ang exam?” tanong ni Hanz.

Bakit ganoon? Halos lahat sila ay tinatanong ako kung kumusta ang exam. Malay ko ba kung mabuti o masama ang lagay nun. Hindi naman ako ang nagcheck di ba? Saka, ganoon ba ka-obvious na bitter ako sa Chem?

“Okay lang naman. Chicken lang para sa mga nag-aral kagabi,” sagot ko, tapos ay napangiti na lang sya. Adik talaga nitong si Hanz, grabe lang.

“Ano, game na ba tayo sa canteen?” aya niya.

Saka kami naglakad papunta sa canteen habang hawak niya ang kamay ko. Pinabayaan ko na lang. Bhe ko naman  yan.

***

Yes, uwian na!! Nakaraos na rin sa lahat ng exams para sa araw na ito. Kung anumang maging resulta ng tests na yun, bahala na lang, haha.. Andun na yun eh, alangan namang pagmukmukan ko pa.

“Gabby, mauna ka nang umuwi. May aasikasuhin lang ako.”

“Ano na naman yun?”

“Basta.” Saka umalis si Hanz Kevin Flores. Bastusan lang eh.

Paalis na rin ako nang mapansin ko yung  babaeng nasa playground ng school, yung para sa mga elementary pupils. Nilapitan ko na rin sya dahil mukhang kailangan nya ngayon ng makakasama.

“Miss, okay ka lang ba?”

Pero nagulat ako nang mag-angat ng mukha ang umiiyak na si Agatha.                                                                                                                                         

---

A/N: Kung binabasa mo 'to ngayon, salamat.

Ayun, may update ako kaya lang ay nakaprivate yun kasi gift ko yun sa mga nag-fan sa akin. Hindi naman kailangang magfan pa kung ayaw nyo, kasi hindi naman nun maaapketuhan yung flow ng story eh, so ayun, walang magagalit ah.. haha (magtatago na ako kay Lorelie, haha)

nasa tabi nga po pala yung link nung next part, yun po kasi yung nakaprivate eh..

pavote and pacomment po ah.. salamat,,. =)

Chemically UnmelodiousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon