Piece 13

86 4 0
                                    

wooo.. bawi-bawi din.. haha..

pavote at pa-comment po ah? thank you.. =)

***13***

“Ikaw?” tanong ko sa kanya.

“Oo, ako. Bakit?” sagot naman ng mokong.

Tignan nyo ang isang ito, itatanong pa kung bakit. Obvious naman na dahil yun sa ginawa nya di ba?

“Ano na naman bang trip mo?” tanong ko na may halong inis. Ngayon nga lang ulit kami nagkausap, ganito pa ang mangyayari. How nice!

“Gusto lang kitang makausap nang matino,” depensa naman niya.

“Tingin mo ba ay matino ang ginawa mo sa akin kanina?” Kabarino talaga siya.

“Maybe not, but I can’t think of anything else. Kapag kakausapin kita nang matino, it’s either darating si Agatha, o kasama mo sina Mikee at Mitchie. Mahirap humanap ng tyempo,” sabi niya nang nakatitig sa akin. Ghad, ang awkward na naman, swear.

“Speaking of Agatha. Hindi ba dapat ay magkasama kayo ngayon at tinutulungan mo siya sa Chem as instructed by Santy?” pagtataboy ko sa kanya.

Para kasing bumabaliktad ang sikmura ko. Baka nalipasan ako ng gutom kanina kaya ganito. Sana naman ay hindi ako magkalat dito.

“Wala talagang ‘tong galang kay Santiago,” bulong niya pero rinig ko naman. Parang sya ay may galang kay Santy ah. Kung makatawag sya ng Santiago, wagas. Ano sila, classmates? Hahaha.. I really can’t imagine.

“Ano na? Bakit hindi mo pa pinupuntahan si Agatha?”

“Bayaan mo siya,” sabi niya. Ang sama talaga ng isang ito. Paano niya nagagawa iyon sa first love niya? “Sya naman ang nagpumilit na magtransfer dito kahit late na, kaya dapat nya lang pagdusahan ang padalos-dalos nyang mga kilos,” dagdag pa niya.

“Sapilitan mo akong isinama rito, tapos wala ka naman palang sasabihin sa akin? Sinasayang mo lang ang oras ko.”

“May sasabihin akong importante.”

“Mind to tell me right now?”

“I talked with Sir Tenorio, and he told me to ask you to have further discussions regarding the piano keys. So, here I am talikng to you right now because of that.”

“So what do I get from it?”

“I’ve already thought about that. In return, I’ll teach you Chemistry for as long as you want me to,” he explained. Dapat hindi ko na lang tinanong kung anong magiging kapalit, baka lalo lang akong mapasama sa lagay na ito.

On second thought, I’ll accept it. I badly need a tutor. Ang hirap kaya ng Chemistry kapag si Santy ang teacher mo. Sya lang kasi ang nakakaintindi sa mga pinagsasabi niya habang naglelecture siya.

“Okay, I got it. I’ll teach you piano, and in return, you’ll give me lessons in Chemistry. But what about Agatha?” tanong ko sa kanya.

“She can handle herself. Wala nang gagawin ang tutor niya kung pati trabaho niya ay gagawin ko na rin.” Okay, nagsusungit na naman sya. “Let’s not talk about her.”

“Mukhang wala na dapat tayong pag-usapan. Mauna na ako sa iyo. Marami pa akong kailangang gawin,” paalam ko.

Palakad na ako palayo nang maramdaman kong hinawakan niya ang braso ko. Bago pa ako nakaangal, naramdaman ko na lang na hinikit niya ako at niyakap. Biglaan ang mga pangyayari, parang katulad lang noong nasa laboratory kami. Rinig na rinig ko rin ang heartbeat niya, and I swear, ang gaan sa pakiramdam. Ewan ko nga lang kung bakit.

“Hoy Cady,” tawag ko. Oo nga pala, si Cadmium pala yung kanina ko pa kausap. Kaya nga awkward na naman eh.

“Sshhh.. Let me say things first.” Wala na talaga siyang pag-asang maging gentleman kahit papaano man lamang. “We’re not friends, not close with each other. But I want you to know that I’m contented with our set up. I don’t want to lose the bond that binds us, so please stay still Gabby, would you?”

Ano bang problema ng isang yan? Hindi ba sya naturukan ng gamot o nakatira lang sya ng drugs? Para syang senglot eh.

“Una sa lahat Cady, ang OA mo, bitaw na!” utos ko. Sumunod naman sya at binitiwan ako. ”Pangalawa, hindi naman ako aalis kaya huwag mo akong dramahan, hindi bagay sa iyo.” Imbis na mainis, ngumiti pa sya. Isa pa rin pala sya sa may mga maluwag na turnilyo eh.

“Sabi mo yan.”

“Sige, uwi na ako.”

Wala naman akong planong umalis eh, lalo na ang lumayo. Everyone of us is a great gambler. And to tell you honestly, I play against what was already done.

Chemically UnmelodiousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon