Piece 32

93 2 0
                                    

update- update din, pinapagalitan na ako eh, haha.. ayan na po, nag-update na..

dedicated sa kanya.. ayyiiee..

 pavote and pacomment po? salamat.. =)

***32***

CADY’S POV

(oha, oha.. akala nyo ah.. may POV din si Cady, napilit ko kahit nag-iinarte, haha)

Kami na dapat ni Gabrielle ang magpe-perform, pero hanggang ngayon ay wala pa rin si Gabby. Akala ko ba ay hindi sya mang-iiwan sa ere? Mabuti na lang at medaling kausap si Sir Tenorio. Napakiusapan kong ipanghuli na lang kami ni Gabby.

Palabas na sana ako sa Music Room para hanapin si Gab, pero hinarang naman ako ni Hanz. Napakalaking harang niya sa daraanan ko.

“Pare, huwag ka nang umalis,” suhestyon niya.

“Hanggang ngayon, wala pa rin si Gabby,” sabi ko naman.

“Alam ko. Dapat matutuo kang maghintay. Sinabi nyang hindi ka nya iiwan sa ere hindi ba? Matuto kang magtiwala sa kanya. Start to build trust towards her, and I tell you, hindi ka na masyadong mahihirapan pa.”

Sinunod ko na rin si Hanz dahil sya yung mas nakakakilala kay Gabby. Mas marami syang alam, at sobrang kabisado na nya si Gab, isang bagay na lamang sya kaysa sa akin.

Every two minutes siguro ay napapatingin ako sa pintuan ng Music Room, pero wala talagang Gabby na sumusulpot. May dalawang minuto na lamang sya para makaabot sa practical exam na ito, kung hindi ay wala na.

***

Naubos ang dalwang minuto na walang dumating na Mikaela Gabrielle Aranza, kaya naman napag-isip-isip kong huwag na lang tumuloy.

“For the last but definitely not the least, may I call on Ms. Aranza and Mr. dela Rosa?” tawag ni Sir Tenorio.

I stood up. Tsk, sayang naman ang costume na ito. Nakasemi-formal pa naman ako ngayon. Yun kasi ang napag-usapan naman ni Gabby. Pinalitan ko na rin ng transparent ang dating kulay black na contact lens ko, kaya kita na ang natural na kulay ng iris ko, which is dark brown. And yeah right, malabo ang mata ko kaya ako naka-contacts.

“Ms. Aranza isn’t around,” I explained, “so I---”

“Cadmium will perform though Gabby might not be able to make it,” sabay-sabay na sabi nina Hanz, Mitchie at Mikee. Gusto ba nilang lalo akong mapahiya dito? Kakanta akong mag-isa kahit na partners ang required?

WTF. Walang Gabby na dumarating, iniwan na niya ako talaga siguro sa ere. Hindi kaya nakornihan sya sa ideya ko? Sana naman ay hindi.

“Go on, Mr. dela Rosa, we’re all waiting for you,” encourage pa ni Sir habang nakangiti. Bakit ba sya ngumingiti? Nakita na nga nyang bad trip ako eh, ngumingiti pa sya nang ganyan sa harap ko.

Wala na akong choice. Kailangan ko na itong gawin nang mag-isa. Sasaluhin ko na lang sya ulit, katulad ng ginawa ko nung nakaraang practical exam. Oo, ako nga ang dahilan kung bakit sya naging exempted sa individual practical exam.

Naupo na ako nsa  silyang nakapwesto sa gitna ng stage. Nakaset-up na rin ang microphone kaya naman nagpasya na akong simula ang kanta sa pagpluck ng chords sa gitara.

NP: BuKo by Jireh Lim

♪Naalala ko pa 

Nung nililigawan pa lamang kita 

Dadalaw tuwing gabi

Masilayan lamang ang 'yong mga ngiti ♪

Sabihin nyo nang stalker ako kung susundan ko sya pauwi sa bahay nila para lang masiguraong ligtas syang nakakarating sa bahay nila. Gayundin, kung kahit gabi na ay daraan o tatambay ako sa tapat ng bahay nila sakay ng motor ko para lamang i-check kung patay na ba ang ilaw sa kwarto niya hudyat ng pagtulog niya. Nakaharang man ang kurtina sa bintana nya, ayos lang, kuntento na ako.

Chemically UnmelodiousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon