Piece 30

87 2 1
                                    

this is my last update for this week, wala bukas ah, simba-simba din.. baka magtampo si Lord kapag hindi ako pumunta sa tahanan niya eh.. =)

pavote and pacomment po.. salamat.. ^__^

***30***

Thursday na. Boring pa rin ang buhay ko dito sa school. Puro seatwork lang kami at activity sa workbook dahil busy daw ang mga teachers. Eh di sana wala na lang kaming pasok di ba? Mas masaya at mas enjoy kaya yun. Kaysa naman yung nandito ako sa school at ramdam ko ang presuure dahil sa mangyayari bukas.

Dahil masyado yatang malalim ang iniisip ko, hindi ko namalayang lumapit na pala sa akin si Mikee. Parang pasan na naman niya ang daigdig sa mukhang ipinapakita nya. Ano bang pinoprobema niya?

“Psstt.. anong meron? Napagsakluban ka ng langit at lupa?” tanong ko.

“High blood pa rin sa akin si Mitchie eh. Bukas kami yung magkapareha para sa practical,” malungkot na sagot niya.

Problema nga yan. Si Mitchie pa naman, ibang klase kung magtantrums ang isang yun. Nakita nyo naman nung isang beses di ba? Haha, ang epic nga nun eh.

“Bakit Mikee, ano bang ginawa mo sa isang yun?”

“Inaasar ko lang naman sya ng TABA eh,” sagot nya.

“Eh? Bakit mo ginawa yun? Ayaw na ayaw ni Mitchie na sinasabihan syang TABA.”

“Eh ayaw nga akong pansinin eh. Kaya inaasar ko, at least alam nyang nag-eexist ako. Isa pa, hindi naman nya tinatanong kung anong ibig sabihin nun,” paliwanag nya.

Sus, ibang klase pala itong si Mikee eh. Baka natuluyan na sya at tinamaan na talaga kay Mitchie. Haha, kapag nagkataon, araw-araw nang may World War 3 sa classroom namin dahil sa kanilang dalawa. Pero okay lang yan , nagbabago naman ang tao kapag may aim na magseryoso.

“Ano bang meaning TABA?” tanong  ko naman.

“TABA stands for The Angelic Best Archer.”

Yun naman  pala eh. Jusko, eh kung may lakas lang sya ng loob at sabihin nya yun kay Mitchie di ba? Nga pala, nag-aaral nga pala si Mitcie ng Archery ngayon. Trip daw nya eh, sya na..

“Mikee, let’s talk outside,” sabi ng isang babae.

Nang lingunin namin sya ni Mikee, si Mitchie pala. Haha, ang epic ng mukha ni Mikee, mukhang constipated. Hahaha..

“Sige na, sundan mo na.” Saka umalis si Mikee.

Napatingin ako kay Cady at napansing nakatingin din pala siya, kaya naman ako na rin ang unang nag-iwas ng tingin. Baka mamaya ay kulitin nya ako tungkol sa pagkanta.

***

Nasa bahay na ako ngayon at nagtatago. Hindi ko talaga kinausap si Cady kanina. Kasi naman, kahit ako sa sarili ko, hindi ko alam kung kaya ko na ba.

Naalala ko pa nga ang kakornihang sinabi ko kay Dim noon. Kakanta lang ako para at dahil sa taong mahal ko. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako sigurado sa nararamdaman ko, kahit na sabi ni Hanz ay may laman na daw ang puso ko.

*flash back*

I can still remember the day when Hanz called to tell me that our Music teacher partnered me with Cady, that day when I wasn’t able to control my emotions, and the flow of tears.

He hanged up, then I creid really hard. When I felt that tears won’t stop falling, and I need someone to talk to, I went to the nearest play ground and called Hanz.

Inabutan nya akong nakaupo sa swing. Lagi lang naman ako dito para mag-unwind ng kaunti, lalo na kung stressful ang buhay ko, tulad ngayon.

“Akala ko aabutin ka pa ng dalawang araw bago ka tumawag sa akin eh. Nabali na ata ang two-day rule mo ah. Isang oras pa lang ang nakakalipas tumawag ka na agad,” nakangiting bati ni Hanz.

Alam ko namang pinapagaan lang nya ang pakiramdam ko eh. Kaya naman hindi ko na rin napigilan ang sarili ko.

Tumayo ako at niyakap si Hanz. Naramdaman ko ring hinaplos niya ang likod ko. Maswerte talaga ako at nandito si Hanz sa tabi ko. Hindi niya ako pinapabayaan. Napakaswerte ko na isang Hanz Kevin Flores ang best friend ko. Ang bait sa akin ni Lord, at nung panahong naghahanap ako ng tunay na kaibigan, si Hanz ang ibinigayniya sa akin.

“Ano bang problema Gabby? Anong nangyari? Hindi mo basta-basta iiyakan ang isang bagay,” tanong niya.

“Yun na nga eh, hindi ko alam kung anong iniiyak ko dito eh,” sagot ko.

“Anong kalseng sagot yan Gabby?” tanong niya ulit.

“Si Cadmium, he’s playing a prank on me. Sabi niya mahal daw niya ako. Then Agatha sudenly appeared calling him ‘mahal’. The girl went out of my sight with him. You have been there to see how much I wanted to pull her hair. Aish, I hate this.”

“And that’s what you call jealousy, Gabby. Sakit di ba?” pang-aaar niya sa akin kaya bumitaw ako sa pagkakayakap niya sa akin.

“Jealousy your face. I don’t even like him,” depensa ko naman.

“Gabby, listen. Gaano mo man ikaila ang sinasabi ko, hindi pa rin yun maitatago ng mga mata mo. Pansin ko na masigla ka kapag pinag-uusapan natin sya kahit pa nga halos murahin mo na sya,” paliwanag niya. Hindi ko naman gusto si Cadmium di ba?

“I don’t like him,” sabi ko pa rin.

“You don’t?” hindi naniniwalang tanong niya. “Then I guess, there’s only one answer to that problems of yours bhe.”

“Then what is it Hanz?”

“Hindi mo sya gusto hindi ba?” tumango lang ako bilang tugon. “Hindi mo sya gusto dahil mahal mo sya Gabby. Mas malalim yung nararamdaman mo para sa kanya kaysa sa pagkagusto. Good to know na may bumihag na sa puso mo,” sabi nya nang nakangiti. Pero bakit ganoon? Pakiramdam ko kasi ay malungkot si Hanz eh.

*End of flash back*

Hanggang ngayon ay magulo pa rin. Sa lahat ng tao, sina Daddy at Hanz ang mga alam kong hindi magsisinungaling sa akin, at magsasabi sa akin kung may napapansin ba silang kakaiba. Kaya naman hindi ko dapat balewalain yung sinabi ni Hanz.

*vibrate, vibrate*

1 message recieved

From: Dim

          May tiwala ako  sa iyo. Nangako kang hindi ako iiwan sa ere. Kita na lang tayo bukas.

O.O

Eh si Cadmium lang yung sinabihan kong hindi ko iiwan sa ere bukas ah. And the rest of his message confirms everything. CaDMIum DMItri nga pala. Aish, sya pala yung lagi kong nakakatext? Eh di sa kanaya ko pala sinabi yung tungkol sa pagkanta? AISH..

Chemically UnmelodiousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon