Piece 14

111 4 1
                                    

dedicated kay ainzess12, mahal ko yan ih.. hahaha.. para sa'yo girl!! =)

sina Agatha at Cadmium po yung nasa side.. gondo niya noh? <3

Yan yung pinagyayabng ni Agatha na sila.. =)

dahil tinotopak ako, nag-update ako.. LOLs.. pavote at pacomment ah? salamat nga pala sa mga nagfan, nagbabasa at nagvovote and comment.. haha.. naaappreciate ko po nang sobra.. hindi man ako parating online,  nalalaman ko naman po yung mga nangyayari, so thank you talaga.. =)

o sya, mahaba na masyado, eto na nga..

***14***

Nandito ulit ako sa Music Room. Uwian na kasi at medyo napaaga dahil may meeting daw ang teachers dahil nga sa susunod na linggo na ang examination. At kung suswertihin ka nga naman, nasaktuhan pang Biyernes ngayon.

Wala namang importanteng nangyari kanina bukod sa binati ako ni Cady sa harap ng mga classmates namin, at binigyan pa nya ako ng isang kendi, yung Fres. Ang weird nya di ba?  Hindi ko pa nga kinakain yung kendi eh, kasi hindi ko talaga magets kung bakit Fres ang ibinigay niya sa dami ng pwede niyang pagpilian na ibigay, katulad na lang ng Maxx at Halls. Ang kaso Fres ang ibinigay eh.

“I know you would be here,” sabi ng bagong dating. Panira talaga ng moment ang babaeng ito eh. Mukha naman siyang mabait, huwag na nga lang syang magsasalita.

“What is it this time Agatha?” tanong ko naman.

“The same agenda.”

Aish, she’s totally crazy. Alam pa ba nya ang mga ginagawa nya? Naalala ko tuloy yung huling pag-uusap namin. I must say I was deceived by her look.

*flash back*

“So Gabrielle, can we talk?” tanong sa akin ni Agatha.

Sa totoo lang, ayoko talaga syang kausapin. Ang kaso nga lang, mukhang nag-abala pa siya na tuntunin kung nasaan ako, at ayaw ko syang mapahiya at mabastos kapag tumanggi pa ako.

“Sure. What is it about?”

“It’s about Cadmium,” she said. Hay nako… Kung nandito Lang si Cady, baka nag-iinusok na yun sa galit dahil ayaw na ayaw niya talagang tinatawag siyang Cadmium.

“What about him?” I asked.

“Please do avoid him.”

“Are you nuts?” I’ve raised my voice.

“Nope. Seryoso ako, Gabrielle. I want you out of his life. If possible, I don’t want him to see you again.”

“Yung totoo Agatha, nakadrugs ka ba? O nag-eensayo ka lang para maging payaso sa lagay na yan? First thing first, nananahimik ako kaya huwag mo akong maidamay-damay sa issue nyong dalawa. Pangalawa, sino ka ba para kausapin ako nang ganyan? Sa pagkakatanda ko, wala akong atraso sa iyo kaya naman huwag mong sabihin na lumayo ako. Kapag ginawa ko iyon para sa isang taong may topak, para ko na ring binitiwan ang pangarap ko para sa isang walang kwentang bagay.”

“You’re asking me who I am?” she smirked. “I am his first love. I want him back so don’t you dare screw my plans.” 

“I’m not into him. You see, we couldn’t even agree on simple things. You said you want him back. I’ll guess you’d been the reason why the past remains in the past. Cady’s already a young adult. He’s mature enough to make decisions on his own. So don’t blame me for anything because I’m not doing anything bad.”

“How dare you! Wala ka kasing alam,” sabi niya na nagsimula nang umiyak.

“Wala pala akong alam eh, ikwento mo naman,” pang-aasar ko pa.

“Dalawang taon na ang nakalipas, kinailangan kong pumunta sa Europe dahil doon nakabase ang trabaho ng mga magulang ko. Kinailangan kong magsinungaling para hindi na sya masyadong masaktan,” kwento niya. Pinatulan ang hamon ko.

“Alam mo ikaw, ang labo mo ring kausap eh. Magsisinungaling ka na lang rin, hindi mo pa nilubus-lubos. Dapat yung sinabi mong rason ay yung hindi sya masasaktan. Eh di sana wala kang problema ngayon.” Tahimik lang sya, tinamaan at sya sa mga pinagsasabi ko.

“Please Gabrielle, keep your distance. I’m trying everything to have him back.”

“Ano ba ito Agatha, yung parang truck na nagdadala ng tangke ng gas? Kailangang may ‘keep your distance’? Ni hindi ko nga alam kung bakit ako ang pinag-iinitan mo samantalang marami naman dyang iba.”

“Alam ko kasi na ikaw ang magiging hadlang para bumalik sya sa akin,” umiiyak pa rin sya. Grabe naman pala siyang mag-inarte. Imbis na maawa ako, naiinis lang ako eh.

“Nakakaawa ka. I pity you because you are pathetic. Lumayo man ako sa taong mahal mo, so ano naman? Wala lang iyon sa kanya dahil ni hindi nga kami magkaibigan. Nasira na ang tiwala niya sa ‘yo kaya kahit anong gawin mo ay may lamat na iyon.”

“Alam ko naman yan eh,” sabi nya.

“Alam mo naman pala eh. Kaya dapat ay alam mo kung saan ilulugar ang sarili mo. Huwag tanga.” Hikbi at luha an gang isinagot niya sa akin. “One last thing Agatha, at sana pakinggan mong mabuti. Hindi ka naman mahihirapan nang ganyan kung mahal ka pa nya talaga. Dahil kung ganoon nga ang sitwasyon niyo, sya na mismo ang gagawa ng paraan para maayos nyo ang lahat.”

Pagkasabi ko noon, agad akong lumabas ng Music Room.

*end of flash back*

“Ano? Ang palayuin ako sa mahal mong si Cadmium? Hindi ko kayo ginugulo kaya huwag mo rin akong guluhin. Kung anuman ang mayroon sa pagitan namin ni Cady, that’s purely business. Aish. Why am I even explaining myself to you?”

“Make sure of that, because if not, I’ll make your life a living hell,” banta niya sa akin.

Last time, may paiyak-iyak pa syang nalalaman. Ngayon naman ay malakas ang loob niya na manakot. Pwede syang mag-artista sa galling niya sa kaartehan.

“No need. It is already is, since the day you arrived here,” sagot ko naman with a grin. Akala mo ha. Well, at least totoo lang yung mga sinabi ko.

Chemically UnmelodiousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon