Piece 07

110 3 0
                                    

 okay, may picture po sa side ah.. nagpaalam naman po ako sa taong nasa picture.. haha.. sorry, hindi ako magaling mag-edit.. peace! ='>

***7***

*krrriiiinnnngggg*

Sh*t, eto na yun. Ano naman kayang sasabihin ni Cady? Kanina ko pa kasi iniisip yung mga ikinikilos niya, at hindi ko talaga maintindihan yun. Kasi kanina, iba ang pinapakita niya. Ni hindi nga siya nakikinig sa Research II at Physics, na dalawa sa mga pinakapaborito niyang subjects. Text nga lang siya nang text eh, at laging nakatingin sa labas. Ano yan, pinapanindigan na ba nya ang pagiging nerd nya?

Lumingon ako para ang makita na nasa labas na sya. So wala talaga siyang plano na hintayin ako? Ano bang trip ni Cady ngayon? Di ko talaga gets eh.

Lumabas ako mula sa classroom na parang mabigat ang pakiramdam. Grabe, ang kulit ng heartbeat ko.

“Gabby!!!” may tumawag sa akin.

Lumingon ako para makita na si Mikee pala yung tumawag sa akin na naglalakad sa may likuran ko. Parang ito yata ang dahilan kung bakit hindi maganda ang pakiramdam ko. Mabait naman yang si Mikee, gentleman din. Yun nga lang, hindi ko talaga siya magustuhan eh.

“Bakit Mikee?”

“Uhmm... may gagawin ka pa ba? Labas naman tayo oh, treat kita,” nakangiting sabi pa nya.

Paano ko naman kaya siya ite-turn down ulit? Ah, nakakaguilty kaya na ilang beses mo nang iturn down ang isang tao. Syempre, kaibigan ko din yan kaya mahirap para sa akin na gawin yun.

“Ano kasi Mikee,” simula ko, pero agad talaga niyang sinundan.

“Bawal tumanggi.” Saka niya iniabot ang kamay niya.

Siguro nga kailangan ko nang gawin ang pinakamasakit na bagay na alam ko para lang hindi na siya lalong masaktan.

“Mikee, I’m sorry.”

“Sorry for what?”

“I don’t want this to start an issue between me and my boyfriend.”

Unti-unti nyang ibinaba ang kamay niya. I don’t think I can handle this any further. Nagsinungaling na naman ako. I know that it is a sin, but at this moment, I guess it is necessary.

Lumakad ako palayo, papunta sa likod ng building. Mabuti naman at hindi na ako sinundan pa ni Mikee. Kung kanina kinakabahan lang ako, ngayon lalo pa. Hindi naman kasi talaga kami nag-uusap ni Cady unless sobrang importante talaga.

Pagdating ko sa likod ng building, hiniling ko na lang na sana, hindi na lang ako nagpunta. Ayaw ko kasi sa nakikita ko.

Alam kong wala akong pakielam sa mga ginagawa niya, pero bakit naman niya ako papupuntahin dito para sa ganyan? Ano ako witness nila? Masaklap eh, masakit. Isa na rin yata akong weirdo ngayon. Alam nyo ba kung bakit?

Kasi bigla na lang tumulo ang luha ko, kaya nagsimula na akong maglakad palayo bago ko pa sila maistorbo sa ginagawa nila. Tama ang narinig niyo, SILA.

Ayoko namang istorbohin si Cady at yung babaeng kahalikan niya.

---

Favor guys? Pavote at pacomment po.. thank you.. =)

Chemically UnmelodiousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon