Piece 08

105 3 0
                                    

sorry, ngayon lang nagkaroon ng free time, nag-aadjust pa sa second sem eh.. haha.. o yan, eto na..

ayan, may picture ulit sa side.. nagpaalam naman ako dun sa nasa picture! hehe.. thanks sa pagpayag ah.. =)

pavote at pacomment ha? thank you.. =)

***8***

Hindi ko alam kung paano ko haharapin si Cady ngayon. Hindi mawala sa isip ko yung nangyari kahapon. Sobrang awkward kaya. Lalo pa na hindi ko alam kung magkaibigan na ba kami dahil kahit papaano ay naging close naman na kami habang nasa tutorial pa kami.

“Gabby, handa ka na ba para sa gagawing practical exam sa Music next week?” tanong sa akin ng seatmate kong si Mitchie.

Kaibigan ko nga pala siya, yun nga lang, masyado syang busy ngayon sa dance troupe sa dami ng activities kaya hindi nyo sya masyadong nakikita.

“Hindi pa nga eh. Kaiangan ko pang alamin ang weather forecast. Baka kasi umulan nang malakas nang dahil sa akin. Baka masisi pa ako kung bumagyo man, maging kasalanan ko pa.”

“Oh? Kaya mo naman eh.”

“But I don’t sing.”

“You don’t, but you can. Alam natin yan pareho.” Sabihin na lang natin na kababata ko rin sya kaya marami rin syang alam tungkol sa akin.

“Hayst, oo na, oo na. Alam ko naman yan,” sagot ko na lang. Hindi yan papatalo eh. Baka humaba lang ang usapan, at lumaki na naman ang issue tungkol sa pagkanta. Mahirap na.

“Maiba nga pala ako Gabby. Kumusta naman yung nangyari sa tutorial ninyong dalawa ni Cady?” tanong nya. Grabe, kung kailan ko naman ayaw pag-usapan eh. Kaso lang, pakiramdam ko, kailangan ko ring ilabas ito kahit papaano para gumaan kahit kaunti ang pakiramdam ko.

“Okay naman. May natutunan naman ako. Nung isang beses nga ay nasa lab kaming dalawa.”

“Tapos?” excited na tanong niya.

“Ayun, tinuruan ako sa chemicals. Yun nga lang---” natigilan ako.

“Yun nga lang ano?”

Hayy.. hindi ko yata kayang alalahanin yung mga sumunod na pangyayari doon eh.

“Umuwi na rin kami kaagad eh. Intrams kasi natin noon,” sabi ko na lang para matahimik na sya.

“Ah.. oo nga pala. Speaking of Intrams, balita ko tinawagan ni Ma’am Chief Adviser ng Juniors si Cady para irepresent ang Juniors sa Mr. and Ms. Intrams ah,” sabi ni Mitchie sa akin.

Nakapagtataka naman yun. Parang hindi ko alam na may nangyaring ganun. Kung tutuusin kasi, kayang-kaya ni Cady ang mga ganyang impromptu competitions o yung tinatawag nating on-the-spot.

“Anong nangyari? Bakit hindi sya sumali? Tsaka kailan ba sya tinawagan ni Ma’am? Kailan nangyari yung mga iyon?” tanong ko naman.

“Yun yung araw ng mismong Intrams. Sa hapon pa nga sana gaganapin yung kompetisyon, bandang ala-una ng hapon. Ang kaso nga lang, umaga pa lang, tumawag daw sya kay Ma’am at sinabing hindi sya makakasali. Kung anong dahilan, walang nakakaalam,” dagdag pa ni Mitchie.

Yung araw na iyon, magkasama kami. Yun yung naganap yung sa laboratory, at sinamahan niya ako sa clinic hanggang 4pm. Hindi niya ako iniwan noon. Bakit mas pinili nya ako kaysa sa contest niya na iyon? Pwede naman niya akong iwanan noon ah.

Napaayos kami ng upo ni Mitchie nang pumasok ang adviser namin sa classroom.

“Good morning class,” bati niya. Bakit kaya wala pa si Cady?

“Good morning Ma’am,” ganting bati naman namin.

“You have a new classmate, and I guess she’s a very good friend of our Top 1.”

Pagpasok ni Cady, parang tumigil na naman ang ikot ng mundo ko.

Yung babae kasi kahapon na nakita kong kasama niya, ay nakakapit sa braso ni Cady pagdating nya.

Chemically UnmelodiousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon