Piece 33 *Finale*

130 6 2
                                    

aayyiieee.. masaya naman kahit na papaano.. okay, here is the last chapter.. please vote and leave a comment po.. salamat.. =) 

and oh, may video pala a gilid para mefeel naman yung moment nila,haha..

***33***

GABRIELLE’S POV

Five minutes late na ako, pero sana naman ay makaabot pa ako. Nagpunta muna ako sa classroom para makapagpalit ng damit. Kung hindi nyo kasi naitatanong, may pakulong kakornihan ang magaling na si Cadmium.

*flash back*

“Ano bang pinaplano mo sa kakantahin natin?” tanong ko sa kanya.

“Yeah, about that Gabby...” sabi nya with hesitation.

“What?”

“I don’t know if you’ll approve my idea.”

“What is it? Hindi natin malalaman kung tututulan ko nga ba o hindi kung hindi mo naman sasabihin. So ano nga yun, tungkol saan?” sabi ko naman sa kanya. Ayaw pa kasing sabihin nang diretso eh.

“Gabby, I am requiring you to wear dress for semi-formality, and of course shoes, sandals or whatever it is with heels. Forget about your beloved sneakers for a while,” sagot naman niya sa akin na parang wala lang yung mga pinagsasasabi nya.

Hello!! Seryoso ba sya? Dress? Never in my high school history na nagsuot ako ng ganun. And heels? Sh*t! What is he thinking? Gusto ba nyang magpaltos ang paa ko? Alam naman nyang batang jeans at sneakers ako eh, tapos ganyan yung gusto nyang ipasuot sa akin? Is he joking? Tell me he’s just kiddin’.

“Cadmium Dmitri, are you serious?” hindi makapaniwalang tanong ko na sinamahan ko pa ng pagtataray.

“I am, young lady,” masungit nya ring tugon.

Tsk, he’s giving me goosebumps with how he speaks with authority. He’s surely giving me no means of escape.

*end of flash back*

Nang matapos na akong makapagbihis, at mabuti na lang talaga at walang tao dito, nagpolbo lang ako, saka lip balm. Okay na ito, at mas gugustuhin ko rin ito kaysa sa mag-make up ako at magmukhang clown sa harap ng karamihan.

Nagmadali akong kuhanin ang gitara ko at doon ko lang napagtanto na putol pala ang isa sa mga strings nun. Sh*t, kung kailan naman ako nagmamadali oh. Kung minamalas nga naman. Dalwang kanto pa mula sa chool ang bilihan ng string, at mabuti na lang at may may malapit pa rin kahit papaano.

Wala akong choice kung hindi manakbo habang nakasuot ng heels. Ginagawa ko rin yun habang isinusumpa ko ang ideya ni Cadmium sa isip ko.

Binalikan ko pa yung gitara ko sa classroom pagkabili ko ng string, only to find out na may naglock na pala noon, kaya naman pumunta pa ako sa quarters ng helpers sa school para kumbinsihin sila na kailangan nila akong pahiramin ng duplicate key ng classroom namin.

Halos maiyak na nga ako nun eh. Mabuti na lang at dumating si Kuya Eman. Tinitigan lang nya nang masama yung mga helper at pinahiram na nila ako ng susi. Weird, para tuloy tunay na psychic si Kuya Eman.

“Thank you Kuya Eman,” nakangiti kong pasalamat.

“Hindi libre yan,” sagot naman niya.

“Ha? Eh anong bayad?” tanong ko agad. Kailangan pala ay may kapalit.

Tell my cousin he owes me one,” kampante nyang sagot.

Cousin? Eh di ba pinsan ang ibig sabihin nun? Sinong pinsan? Magsasalita pa sana ako kaya lang ay wala na sya. Yung totoo, may powers ba talaga sya? Anyways...

Chemically UnmelodiousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon