Piece 12

95 3 0
                                    

 nakabawi na ba ako guys? tatlo na yan ah.. hehe

pavote and pacomment ah.. thank you guys!! =)

***12***

Pumasok na ako sa classroom dahil malapit na ring magsimula ang klase. Nandito na rin si Mitchie sa tabi ko, at si Mikee sa may likuran ko. Dumating na rin pala si Cady. As usual, kasama na naman niya si Agatha. Ano pa bang bago? Simula nung dumating yang si Agatha, nasanay na rin kami sa ganyang scene.

Hindi ko tuloy makalimutan ang naging usapan naming dalawa kanina. Haaayyy.. Bakit ba sa akin nangyayari ang mga bagay na ito?

“Good morning class,” bati ng teacher namin sa Chemistry. What a nice start for today, and please take note of the sarcasm.

“Morning Ma’am,” tamad na bati rin naman namin.

“Okay. To start with, Cady please stand up.” Tumayo naman si Cady pero nakasimangot siya. Anong meron? “I want you to teach Miss Agatha Constantino on our lessons in Chemistry. She came late for this grading.”

“Yes Ma’am,” saka siya naupo.

“Good. Well then, let’s proceed with our lesson.”

“Gabby, napansin mo iyon? Parang hindi bukal sa kalooban ni Cady na turuan ang bruha ah, hahaha,” simula ni Mitchie. Dadali na naman siya sa kung anu-anong mga kalokohan.

“Mitchie, makinig ka na lang,” sagot ko naman. Nakakatuwa na kahit papaano ay nakinig sya sa akin at tumahimik.

Napatingin ako kay Cady sa may likuran ko, at napansin na nagtetext siya nang patago. It’s so unusual for him to act like that. Favorite subject nya kaya ang Chem.

Naramdaman ko ring nagvibrate ang cellphone ko. Tsk, bawal pa namang  gumamit ng cellphone sa klase ni Ma’am Santy. Baka mag-inusok ang ilong nun at mag-ala dragon pa nang hindi oras. Baka maluto ako ng buhay dito dahil sa kanya.

Pero dahil pasaway ako...

...tinignan ko rin yung text.

From: Dim

          Nasa klase ka po ngayon? Anong lesson?

Oh yeah, nakasave na ang number niya sa phonebook ko, nahihirapan na daw kasing magtype at mag-copy and paste si author nung number eh.

Reply to: Dim

          Opo, Chemistry ngayon ang subject, pero hindi ko po alam kung ano ang lesson namin. Wala akong interest sa Chemistry. Sino bang meron bukod kay Cadmium?

From: Dim

          Ah, kaklase mo nga pala si Cadmium. Close kayo? Lagi ba kayong magkasama?

Ngayon, nagdududa na talaga ako kung schoolmate ko lang ba talaga siya o isa syang stalker. Hindi naman sa isa akong dakilang feelingera at iniisip kong maganda ako. Eh kasi naman, yung mga text nya ay weird. Para syang si Cady, weird. Aish, nakasama na naman ang damuhong na iyon. Khsit kailan talaga siya, epal.

Reply to:Dim

          Hindi ko alam kung cloase kami, ni hindi nga ako pinapansin ng isang iyon dahil kay Agatha. Sa kanya mo na lang itanong. Sige ha, nasa klase pa kasi ako. Baka magkaroon dito ng live na paglilitson kapag nahuli ako ni Santy. Geh.

Tapos, hindi na sya nagreply pa ulit. Mabuti naman at ganoon. Nang inangat ko ang ulo ko, nakita ko si Cady na nagsosolve na ng problems sa black board. Pssshhh.. ang nerd na yun!!

---

Wala namang importanteng nangyari sa klase bukod sa nagbigay ng surprise quiz si Sir sa World History, at kaunti lang ang pumasa. Sa kasamaang palad....

...pumasa ako. Kasama ako sa mga nakakuha ng passing grade.

Gusto ko pa naman yung consequence na gagawa ng sariling composition na tungkol sa World History ang mga bumagsak. Pero syempre, hindi ako ang kakanta dahil nga doon sa issue nung sa bagyo. Baka magkaroon pa ng ‘Bagyong Gabrielle’ kapag nagkataon. Mahirap na.

“Gabby, pauwi ka na?” si Mitchie ulit. Sya lang naman ang may tyagang dumadal nang dumaldal sa akin kahit binabara ko na. Haha..

Yep. Sige, babye!!” saka ako lumabas mula sa classroom, at nagsimulang maglakad papunta sa may gate.

Habang dumaraan ako sa hallway, napansin kong tahimik na at kaunti na lang ang mga estudyante. Nagulat pa nga ako nang may nagtakip ng bibig ko at pinilit akong dahil sa isang vacant room. Nagpumiglas ako, pero masyado syang malakas. Lalaki pa yata itong nakayakap sa bewang ko. Wala tuloy akong magawa.

Nang makapasok kami sa loob, pinakawalan din niya ako kaagad. Makakatikim talaga sya sa akin kung sinuman syang malakas ang loob na gumawa nito. Makakatikim siya ng isang Super Gabrielle Punch.

Nang humarap ako sa direksyon niya...

O.O!!!

“Ikaw?”

Chemically UnmelodiousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon