Piece 21

76 3 0
                                    

Sorry ngayon lang nakapag-update.. kasi naman puro exam kami this week eh..

and yeah.. ang Silent Sanctuary at Rocksteady ay nasa school kagabi.. soooo.. alam na , puyat na naman , haha..

anyways, vote and comment po ah .. thank you.. =)

***21***

Nandito na ako sa bahay, and as usual, nganga na naman. Alangan namang magtutumbling ako dito. Baka mapagkamalang sira ulo pa ako dito. Pati, late na rin, 9 p.m. na. Yun nga lang, hindi pa rin ako makatulog, so nganga muna.

Nakita ko yung laptop ko sa may couch sa kwarto ko. Dapat kanina ko pa ito nakita. Eh di sana, hindi ako inabot ng isang oras dito sa pagtunganga. Okay, FB muna.

E-mail Address: gabrielle_aranza17@yahoo.com

Password:        ******

Alangan namang sabihin ko yung password ko di ba? Baka mamaya, i-hack nyo pa yung account ko, mahirap na. Ayun, open na. As usual, tambak na naman ang mga friends requests at messages. Wohoho.. feeling sikat na naman si ako, haha.

Tinignan ko yung mga friend requests, hindi ko naman sila mga kilala kaya hindi ko in-accept. Hindi naman ako suplada. Sadyang ayaw ko lang na nag-aaccept ng hindi ko kakilala. Isa nga lang yung in-accept ko eh, yung kay Cadmium Dmitri dela Rosa lang. Psshhh.. akalain nyong may FB account pala ang isang yun? Nasa 100 nga lang yung friends eh. Musta naman yun di ba? Yan ang tunay na suplado. Hahaha...

Maya-maya pa, may nag-pop out na chat boxes. Wooaahh!! Dalawa pang sabay ah. Taray!!

Cadmium Dmitri dela Rosa: Hoy, matulog ka na!!

Siya nga hindi pa rin natutulog eh. Psshh.. may kasalanan pa nga pala sa akin ang isang ito dahil sa pang-aasar nya sa akin kanina. Kaya naman, hindi ko na lang ni-reply-an. Ang bait ko talaga noh? Yung isa namang message...

HanzChristian Anderson... wahaha.. joke lang po. Pero di nga, seryoso na tayo.

Hanz Flores: Kita tayo this week!! =)

Naisipan na rin nyang magparamdam sa wakas. Ibalibag ko sya nang hindi oras eh.

Gabrielle Aranza: When in particular?

Hanz Flores: Tomorrow.

Gabrielle Aranza: Agad-agad? Tinanong ko lang para handa ako, tapos  bukas agad? Wagas ah.

Hanz Flores: Ganoon talaga, miss na kita eh.

Okay, speechless na naman ako. Wala akong masabi. Si Hanz naman kasi eh, baliw. Kung anu-ano na namang sinasabi sa akin. Baka mamaya nyan... hayst... Ayan tuloy, ramdam ko ang pag-iinit ng pisngi ko . Buti na lang wala sya dito, kung hindi ay aasarin na naman nya ako.

Gabrielle Aranza: Baliw ka!!

Hanz Flores: ‘Kaw naman, hindi ka pa nasanay sa akin. Joke lang.. =P

Gabrielle Aranza: LOL.. hahaha.. Sige bukas na lang Hanz.. =)

Hanz Flores: Sige, matulog ka na at baka malate ka pa sa school bukas, hambalusin mo pa ako ng walis tingting.

Hahaha.. ang brutal naman nun. Pero, oh well, under sa akin ang mokong na yan eh.

Gabrielle Aranza: Sige na. ‘Kaw rin, matulog ka na. Baka mamaya mag-DOTA  ka pa.

Hanz Flores: Paano mo nalaman? Haha, sige na nga!! Tulog na tayo! :) Goodnight bhe, I love you!! ^_^

Garielle Aranza: I love you too. Hehe.. good night!! ^O^

Saka ako nag-log out. Okay na rin na nagkausap kami. Super okay. Magkikita na kami bukas ni Hanz! Yehey! Miss na miss ko na kaya ang bhe ko!! =)

Chemically UnmelodiousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon