THREE
"Anong kulay ba ang bagay sa akin? Itong pink or red?" Ipinakita ni Kaith sa aking ang dalawang magkaibang kulay na lipstick.
"Sa tingin ko'y pareho namang maganda."
"Yes I know na maganda silang dalawa pero what I'm asking is saan dito ang bagay sa akin." Natatawa nitong sabi.
"Mm...'yong pink ang bagay sa iyo."
"Lutang ka yata ghorl." Natatawa nitong sabi.
"S-sorry, may iniisip lang."
"It's okay. Anyway..." Nilagay nito sa mga labi ang kulay pink na lipstick saka tiningnan ang sarili sa salamin.
"...I like the color! Bagay nga sa akin." At saka nag-making face pa sa salamin.
Nandito kami ngayon sa cosmetic store ngayon ni Kaith. Niyaya niya akong samahan siyang bumili ng lipstick dahil paubos na raw ang lipstick niya. Hindi na nakasama si Claire dahil magkikita ngayon sila ni Kian. Wala na akong nagawa kaya sumama na lang ako.
"You really have a good taste Shy! I love you na talaga!" Niyakap niya ako sa tuwa kaya ngumiti na lang ako at hindi na lang nagsalita.
"Teka–wait for me here may kukunin lang ako sa kabila."
Tumango na lang ako. Hindi ko alam pero parang nawawalan ako ng gana sa araw na ito. Kanina pa ako walang kibo pero hindi naman nagtatanong sina Claire at Kaith kaya hanggang ngayon ay gano'n pa rin ako.
Natapos ang klase namin kanina na hindi ko nakita si Eleven. Sabi ng isa sa mga instructors namin ay hindi raw ito nakapasok dahil may family lunch daw sila kasama ang parents niya na kakarating lang galing Canada.
May part sa akin na nalungkot dahil hindi ko siya nakita kanina pero ano naman kung wala siya kanina? Tsk. Siguro ay gusto ko lang makabawi sa kanya sa lahat ng mga pinakita niyang kabutihan sa akin kaya gano'n.
Busy ako sa pagtingin-tingin ng mga lipstick nang makita ko ang familiar na likod sa may katapat ko. Posibleng si Eleven ito dahil siguro'y kasama pa nito ang pamilya hanggang ngayon at kung siya man ito, ano naman ang gagawin niya sa ganitong klaseng store?
Sumilip pa ako sa may puwesto niya at gano'n na lang ang panlalaki ng mga mata ko nang ma-realized ko na siya nga talaga iyon. May hawak siyang kulay violet na pang-ipit sa buhok at sinusuring mabuti.
Ano ang ginagawa niya rito?
Nag-ring ang cellphone nito kaya binitawan muna ang hawak na ipit saka kinuha ang cellphone mula sa bulsa. Napangiti ito nang makita kung sino ang tumatawag.
"Hello mom..." Panimula nito.
"Yes I am here now... Yeah...mom what do you think she will be like?...oh yes..." Muli niyang kinuha ang hawak kanina na violet na pang-ipit sa buhok.
"...I think this one will do...okay take care mom...love you."
Bigla itong napatingin sa puwesto ko kaya napatago na lang ako sa mga products na kaharap ko. Nang sumilip ako ulit ay sa kabila na siya nakatingin kaya hindi naman yata niya ako nakita. Hindi p'wedeng makita niya ako rito dahil paniguradong kakausapin niya ako at kasama ko pa naman si Kaith.
Maingat akong umalis sa puwesto ko at balak sanang hanapin kung nasaan si Kaith pero huli na yata iyon dahil malakas akong tinawag ni Kaith.
"Hey Shy! Look over here. I've got you something." Napapikit na lang ako sa mga nangyayari.
"Ryll? Is that you?" Bigla yatang tumigil ang paghinga ko nang may tumawag na naman sa likod ko. Si Eleven iyon.
"E-eleven?..." Nangunot ang noo ni Kaith at lumapit pa ito rito at nilagpasan ako.
BINABASA MO ANG
AUSTERE HAUL (On Going)
RomanceAlmost two years beside him was hell. He's a baddest guy I've ever met. I loved him but he doesn't love me. I am his wife but the way he treated me, it was like I am his shadow. Is there a reason to stay beside him? Do I need to shallow my pride bec...