CHAPTER 1

319 13 0
                                        

ONE

"Mamang driver pakibilisan naman po ang pagda-drive oh!" Pakiusap ko sa driver ng jeep na sinakyan ko.

"Eh wala tayong magagawa. Kita mo naman na sobrang traffic oh." Inis na sagot nito.

Wala na akong nagawa kundi hintayin na lang ang pag usod ng jeep hanggang sa mawala na ang traffic. Kanina pa ako tingin ng tingin sa relo ko dahil konting oras na lang ang natitira sa akin para makahabol sa bahay. Ngayon kasi ang birthday ni papa at balak namin siyang i-surprise pagka-uwi niya galing trabaho. Mag aalas singko na ng gabi kaya kailangan ko ng magdaling umuwi dahil marami pa kaming dapat ayusin sa mga handa namin sa bahay. Alas sais kasi ang uwi ni papa at isang oras na lang ang natitira para tapusin lahat.

At nang hindi pa rin kami nakakaalis dahil sa traffic at malapit naman na ako sa bahay ay napagpasyahan ko na lang na maglakad/takbo papunta sa bahay. Dali dali akong bumaba ng jeep at nag-iwan ng limang piso sa upuan.

Binilisan ko ang takbo ko kahit alam kong maraming nakatingin sa akin sa daan. Ikaw ba naman makakita ng naka-uniform at may nakasabit na maraming medalya sa leeg ay ewan ko na lang kung hindi ka mapapalingon.

Grade 10 pa lang ako at convocation day namin ngayon. At dahil alam kong kasabay no'n ay birthday ni papa ay wala akong pinagsabihan sa kanila dahil ito ang gusto kong iregalo para kay papa. Matagal na niyang pangarap na makita akong may maraming nakasabit na medalya sa leeg kaya tutuparin ko iyon ngayong birthday niya.

Malawak akong nakangiti habang tumatakbo. Pawis na pawis na ako pero hindi ko na iyon pinsansin dahil ang importante ay makarating na ako sa bahay.

Nakikita ko na ang bubong ng aming bahay kaya mas binilisan ko pa ang pagtakbo.

Pagkapasok ko sa bahay ay lahat sila ay busy sa pagsasabit ng dekorasyon sa dingding ng aming bahay. Si mama naman ay nilalabas ang mga iba't ibang putahe mula sa kusina na sa tingin ko'y niluto niya lahat.

Unang nakapansin sa akin ay si Dapney na busy rin sa pagtulong sa mga balloons.

"Ate Sheryll nandito ka na pala." Bumaba ito mula sa pagkakatayo sa upuan.

"Wow ang dami mong medalya!" Sunod na nakapansin sa akin ay si Sherley na galing sa loob ng kuwarto dala dala ang isang family frame namin.

"Convocation day kasi namin kanina. Kaya nga ngayon lang ako nakauwi kasi nasa hulian pa ako natawag." Nangingiti kong paliwanag sa kanila.

Kita ko sa mga reaksyon nila ang gulat kaya napakalmot na lang ako sa ulo.

"Congrats ate! You're the best!" Nag thumbs up pa si Sherley sa akin kaya ginaya ko rin iyon sa kanya.

"Convocation n'yo pala ngayon? Bakit hindi mo sinabing bata ka. Ayan tuloy walang nagsabit sa'yo." Si mama na nakapamewang pang nagtatanong.

Lumapit ako sa kanya at saka yumakap.

"Kasi mama kapag sinabi ko pa sa inyo eh mas lalong matagal natin 'tong matatapos. At saka surprise gift ko po ito kay papa dahil ito ang isa sa mga pangarap niya."

"Kahit na, hindi naman kami ang isu-surprise mo kaya sana man lang sinabi mo. Nako naman talaga."

"Huwag ka na magtampo mama. Ikaw din naman gusto kong i-surprise eh."

"Na-surprised nga ako dahil ngayon ko lang nalaman..." Natatawang pang sabi ni mama.

"...oh siya, tulungan mo na lang ang mga kapatid mo at para mawala na ang tampo ko." Tumango ako saka lumapit kina Dapney na nagsasabit ng mga balloons.

Napansin kong wala pa sa bahay si ate Daisy kaya agad akong nagtanong kay Sherley na papalapit sa amin kasunod si Remedy.

"Mm...Sherley, si ate Daisy?"

AUSTERE HAUL (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon