CHAPTER 8

144 5 4
                                    

EIGHT

"GOOD job Ms. Pueraz." Nakangiting bati sa akin ni ma'am.

I've got the first place in essay writing sa school day namin. Nagsipalakpakan ang mga kaklase ko habang sinisigaw ang pangalan ko.

"You're the best Sheryll!"

"Woah! Galing galing!"

Malawak akong napangiti sa bawat komento nila. Akala ko, ang mga magiging kaklase ko ngayong second year ay katulad noong nasa first year pa ako. Hindi ko lubos akalain na hindi naman pala lahat ng estudyante rito ay may kanya-kanyang mundo. Katulad nila, hindi man sila gaano mahilig sa mga parties, hindi mo naman matatawag na mga kill of joy. Sadyang hilig lang talaga nilang mag-aral nang mag-aral.

Umupo ako sa aking upuan matapos ang mahabang papuri ng mga kaklase ko sa akin. We like family here. May isa kaming instructor na turing sa aming naha-handle niya ay tunay na mga anak. Matandang dalaga kasi and very concern sa amin pagdating sa studies. Tawag nga sa amin ay 'mga anak ni Rizal'.

"Grabe Sheryll, akalain mo, natalo mo 'yong fourth year college sa star section?" Namamanghang sabi ni Grace sa tabi ko.

Nakasuot ito ng makapal na eye glasses at naka-ponytail naman ang hanggang balikat na buhok. I cannot say that she's a nerd kasi may taste naman siya when it comes to her clothes. Very classy and attractive din ng mga tela ng mga damit niya to say na mayaman nga ito.

"Nagkataon lang siguro iyon. Pero mas magaling pa rin iyon sa akin." Nakangiti ko namang sagot.

"Anong nagkataon? Eh halata naman na mas magaling ka. Pabida lang ang isang iyon kaya na-second place." Nakangusong sabi niya. Ngumiti lang ako ulit sa kanya.

"Okay class, dismiss." Kanina pa pala nagsasalita si ma'am sa harap pero hindi ko man lang narinig kung ano ang mga pinagsasabi niya.

Natapos ang araw na iyon na lahat ng nakakasalubong ko ay bumabati sa akin. Ang sarap lang sa pakiramdam na kahit papaano ay may nakaka-appreciate sa'yo. Habang maghihintay ng masasakyan pauwi ay tumunog ang cellphone ko galing sa bulsa ko. Kinuha ko ito saka tiningnan kung sino ang tumatawag. Uknown ang nakasulat na screen kaya hindi ko ito sinagot. Minsan kasi ay may tumatawag na mga lalaki na hindi ko kakilala at malalaman ko na lang na ipinamimigay pala ni Sherley ang number ko sa mga kaklase niyang lalake na nagpapareto. Tsk.

Pasakay na sana ako ng jeep nang tumunog naman ulit ang cellphone ko kaya nanggigigil kong pinatay ito. Dahil sa sobrang inis nang mag-ring na naman ito ay sinagot ko ito ng walang kapreno-preno ang bibig.

"Kung sino ka man na nagpapareto sa akin galing sa kapatid ko ay tigilan mo na ako!" Malakas na sigaw ko.

Lahat ng mga mata ng pasahero ay sa akin na ngayon nakatingin at 'yong iba ay nagbubulong-bulungan na. Nahiya ako sa ginawa ko kaya napatakip ako sa mukha gamit ang bag ko.

["Hey, Ryll?"] Natigil ako nang magsalita ang nasa kabilang linya.

Wait, Ryll? Isa lang naman tumatawag sa akin sa pangalang iyon. Don't tell me– OMG.

"T-teka, E-Eleven?"

["You got it!"]

Muli kong tiningnan ang screen ng cellphone ko at nakitang 615 ang last number nito.

"H-hi! Kumusta? Paano mo nakuha ang number ko?" Nahihiyang tanong ko dahil 'yong matandang kaharap ko ay umiiling-iling na habang natatawa.

Pisting yawa.

["Hindi na mahalaga iyon. Ang importante, nakakausap na kita ngayon."]

"Woah! Marunong ka na!" Muli akong napasigaw sa tuwa kaya napatakip ako ng bibig habang pinipigilang ang kumakalawang ngiti.

AUSTERE HAUL (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon