TEN
"ATE gusto ko ang isang 'to." Si Remedy.
"Ako itong kulay blue na hairpin." Si Dapney naman na masayang ipinakita sa akin ang hawak na hairpin.
"Sige na pumili na kayo ng gusto n'yo riyan at baka mabagot si mama at papa kakahintay sa labas."
Kasama ko ngayon ang pamilya ko sa Mall. Ilang araw na ang nakalilipas nang matapos ang graduation ko kaya dinala kami ni papa rito para daw malibang kami. Bonding na raw namin itong magkakapatid kaya naman sa akin niya ibinigay ang perang gagamitin namin sa pamimili. Nagpaiwan sila ni mama sa labas dahil hindi kaya ni mama na maglakad ng matagal dahil hindi pa gaano maganda ang pakiramdam niya. Nagpumilit nga lang sumama sila ni papa dahil gusto niya raw kompleto kaming lalabas ng bahay.
"Ikaw Sherley, ano'ng bibilhin mo?"
Umiling ito saka tumingin sa labas. Pansin ko lang na kanina pa itong walang kibo. Hindi naman ito ganito katahimik kaya nagtataka ako bakit parang wala siya sa mood.
Hinarap ko siya saka pinag-cross ang mga braso ko. "Anong problema mo aber?" Nakataas na kilay na tanong ko.
"Wala." Umirap ito saka kunwaring namimili sa harap niya.
"Wala pero nakairap ka? Come on sabihin mo, anong problema?"
"Wala nga sabi eh. Bilhin mo na lang sa akin itong ewan na ito." Iniabot niya sa akin ang isang pakete ng thumbtacks kaya natawa ako.
"Aanhin mo naman ito?" Natatawa ko pa rin na tanong.
"Ita-thumbtacks ko sa mga taong nagtatago ng sekreto sa akin." Muling irap niya saka ako iniwan at tumabi kay Remedy.
Anong problema ng isang 'yon? Ano bang ginawa ko?! May period ba ang isang 'to at ako ang napambuntungan niya ng galit? Suminghap ako saka ibinalik sa lalagyan ang ibinagay niyang thumbtacks sa akin.
"Ate okay lang ba kung pati ito kukunin ko?" Nagpapa-cute na sabi ni Dapney.
"Basta mayroon lang kayong panggagamitan hindi tulad ng iba riyan na kung ano-ano na ang binibili." Sarcastic kong sabi dahil sa sobrang inis.
"Tama! Bilhin mo 'yong nagagamit kaya isali mo na rin bilhin ang tape para naman magamit natin sa bahay." Sarcastic din na sabi ni Sherley.
"Aanhin natin ang tape ate? Eh marami naman do'n sa bahay. Ang gugulo n'yo! Maiwan ko na nga kayo." Umalis na si Dapney sa pagitan namin kaya para kaming naiwang nagbabaga na apoy.
"Teka, ako ba ang dahilan kung bakit inis na inis ka? Ano bang ginawa ko huh?"
"Malay ko ba riyan sa sikreto mong kung hindi ko pa nasagot ang tawag ni Shy ay hindi ko malalaman." Inis na inis na sabi nito.
Kumunot ang noo ko dahil hindi ko siya maintindihan. "Ano bang pinagsasabi mo riyan? Anong sikreto galing kay Shy?"
Naguguluhan pa rin ako.
"Tungkol kay kuya Sid." Nakaismid na sabi niya. "Hindi mo man lang sinabi sa akin ang tungkol doon at sa ibang tao ko pa malalaman. Ang sabi mo, walang dapat nagtatago ng sikreto sa atin." Nagtatampo pa rin na sabi niya.
Napangiti ako saka kinurot siya sa pisngi. "Ano ba! Masakit ah!"
Natatawa pa rin ako kaya tuluyan ko na siyang niyakap."Sorry na. Hindi pa naman noon gano'n kalalim ang nararamdaman ko sa kanya kaya hindi ako sure sa sarili ko." Pag-amin ko naman.
"Kahit na, kapatid mo ako at hindi ka man lang nag-share about do'n." Ngayon ay malumanay na niyang Sabi.
Napasinghap ako saka nagsalita ulit. "Sige, ganito na lang. Iku-kuwento ko sa'yo lahat pagkauwi natin, okay na ba iyon?"
BINABASA MO ANG
AUSTERE HAUL (On Going)
RomanceAlmost two years beside him was hell. He's a baddest guy I've ever met. I loved him but he doesn't love me. I am his wife but the way he treated me, it was like I am his shadow. Is there a reason to stay beside him? Do I need to shallow my pride bec...