CHAPTER 11

148 11 7
                                    

PS: [At dahil nasa chapter 11 na tayo, back to present na at dito na magsisimula ang kalupitan ni fafa Sedrick n'yo. Huhuhu kawawang Sheryll! But don't yeah worry, I will make this chapter unforgettable for Sheryll kahit man lang sa kama. HAHAHAHA! And also I will dedicate this chapter sa mga readers na patuloy pa rin binabasa ang story na ito kahit sobrang tagal ng update. Hindi ko naman maipa-promise na may update sa specific date but I will make sure na matatapos itong kuwento na ito at masusundan pa ng maraming stories. Iyon langs and enjoy reading! moa :-*]

WARNING:SPG
______________________________________

ELEVEN

MASAYA kong inaayos ang mga hinanda kong pagkain sa lamesa. Sa haba ng panahon na kasama ko si Sid sa bahay ay ngayon lang siya pumayag na sabay kaming maghapunan. Hindi matanggal ang ngiti sa labi ko. Naisipan ko na rin mag-ayos ng sarili dahil para sa akin ay ito ang pinaka special na araw sa aming dalawa.

Ngiting-ngiti ako habang nilalagay ang spoon and fork sa aming lamesa. Nilagyan ko rin ng mga flowers sa gilid para naman magmukhang romantic ang dinner namin. May mga candles din akong hinanda na nagbigay buhay sa madilim na kapaligiran. Yes, I prepared candles kaysa sa lights 'cause I believe mas magandang tingnan kapag gabi.

Muli kong sinilayan ang aking suot na relo at nang makitang mage-eight na ng gabi ay naisipan ko nang sindian ang mga candles. Ang sabi niya kasi alas otso siya makakauwi ngayon. Nagulat nga ako at mahinahon niya akong kinausap kanina. Ingat na ingat tuloy akong kausapin siya at baka may masabi na naman akong hindi niya magugustuhan. Pero nang maayos niya akong kinakausap ay sinamantala ko iyon para yayahin siyang magsabay maghapunan na hindi naman niya tinanggihan.

Sobrang tuwa ang naramdaman ko kaya pinaghandaan ko talaga ang gabing ito. Muli kong inayos ang damit ko at kinakabahan akong napatingin sa buong paligid at siniguradong hindi magiging palpak.

Maya-maya pa'y may naririnig na akong busina ng kotse kaya alam kong si Sid na iyon. Tumikhim ako saka nakangiting lumapit sa pinto. Gusto ko siyang pagbuksan ng pinto bago niya makita lahat ng hinanda ko. Nang kasiguradong malapit na siya ay unti-unti kong pinipihit ang door knob. Ramdam ko na ang paglapit niya sa pinto kaya masaya kong niluwagan ang pagkakabukas. Malawak ang ngiti ko pero nang makita ko siya ay biglang naglaho ang ngiti ko. Mabilis dumapo ang tingin ko sa kamay ng babaeng nakahawak sa bewang ng asawa ko.

"N-Nandito ka na pala- kayo..." Parang gustong sumabog ng puso ko dahil sa nakikita ko.

Hindi nila ako kinibo at walang hiyang pumasok ang babae hatak-hatak ang asawa ko. "Wow! Ang sweet mo naman babe at pinaghandaan mo pa talaga ang pagpunta ko sa bahay mo!" Masayang sambit ng babae at parang hindi niya ako nakikita.

Ano pa ba'ng aasahan ko kay Sid? Alam ko naman na hindi niya ako mahal at kung nagawa niya akong saktan ng pisikal, mas magagawa pa niya akong saktan ng emosyonal.

Gusto kong umiyak pero pinipigilan ko ang sarili ko. Tumingin ako kay Sid at naghihintay na may sabihin siya sa akin pero hindi man lang niya ako tinapunan ng tingin at patuloy lang siya sa paglalakad papasok.

"How romantic! You know babe, this is my dream! To have a dinner with you and thank you so much for this!" Lumapit siya kay Sid at binigyan ito ng halik sa labi.

Nagulat ako sa ginawa niya pero hindi ko ipinahalata. Ako nga na asawa niya ay minsan lang siya mahalikan tapos itong babae na 'to kulang na lang hubaran ang asawa ko?

May naramdaman akong inis dahil sa mga naiisip ko pero hindi ko magawang magsalita.

Hindi rin nagsalita si Sid at parang gulat yata siya sa nakita sa loob. Hindi niya siguro akalain na ganito ko pinaghandaan ang dinner namin at nag-invite pa talaga siya ng kabit niya. Para akong estatwa rito na hindi magawang gumalaw.

AUSTERE HAUL (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon