PROLOGUE

472 25 9
                                    

AUSTERE HAUL

(SIMULA)

2 years later...

"Go to your room now!" Umugong ang malakas niyang boses sa buong kabahayan na labis kong kinatakot.

I was about to follow his command nang siya na mismo ang humatak sa akin papunta sa kuwarto ko. Ngayon ko lang naramdaman ang ganitong klaseng takot sa kanya. Nakakatakot ang mga kilos niya na tila ba'y napakalaki ng kasalanan ko.

"Sid na-s-sasaktan ako.." Ang higpit ng pagkakahawak niya sa pulsunan ko kaya ramdam ko ang hapdi nito. Naiiyak na ako sa sakit nito pero wala pa rin siyang pake sa akin.

Tinungo namin ang kulay itim na pintuan ng kuwarto ko at agad niya akong pinapasok sa loob. Mabilis niya akong inihagis sa kama kaya naman malakas akong bumagsak doon.

"S-sid hi-hindi na mauulit promise." Mangiyak iyak kong pakiusap sa kanya.

Napahilamos ito at binigyan ako ng nakakabinging sampal. Parang namanhid ang pisngi ko dahilan para matahimik ako.

"Sinong nagsabi sa'yo na p'wede kang pumasok sa kuwarto ko ha?!" Hindi ako makasagot sa tanong niya dahil ramdam ko pa rin ang pagmamanhid ng pisngi ko. Galit na galit siya sa akin, alam ko iyon. Tanging hikbi ko at boses niya lang ang maririnig sa buong kuwarto.

"Let me tell you this. ASAWA lang kita sa PAPEL kaya wala kang karapatang pakealamanan ang mga ginagawa ko lalong lalo na ang buhay ko!" Galit na galit niya akong dinuduro. Umigting ang panga niya sa pagpipigil ng mura sa akin. Pagak itong tumawa saka umiling iling.

"Sa tingin mo, mamahalin na kita dahil sa mga pinapakita mong magandang asal bilang asawa?" Mas lalo pa siyang ngumisi at muling akong tiningnan ng masama.

Naiiyak na naman ako. Ang sakit niya talagang magsalita.

"Alam mo, kung hindi dahil sa nanay mong may sakit at may utang na loob ang pamilya ko sa pamilya mo, hindi ako magpapakasal sa kagaya mo!"

Alam ko naman iyon. Sa halos dalawang taon na pagsasama namin bilang mag-asawa, alam ko na talaga na pinakasalan niya lang ako dahil sa kagustuhan ng mga magulang niya at napilitan lang siya. Alam ko rin na labag sa kalooban niya ang pagsasama namin sa iisang bubong dahil hanggang ngayon, siya pa rin.

Pero gano'n na ba ako kahirap mahalin? Sa loob ng dalawang taon, wala man lang ba siyang naramdamang pagmamamahal para akin? Puro hinanakit lang ba ang naibibigay ko sa kanya sa loob ng dalawang taon na iyon? Asawa niya ako pero bakit parang ang hirap sa kanyang pakisamahan ako? Pero asawa ba talaga ang turing niya sa akin o isang sampit na katulong lang? Lahat niyan ay gusto kong itanong sa kanya pero alam ko naman ang sagot sa mga katanungan ko kaya...

"Sorry.." Sasampalin niya sana ako ulit pero pinigilan niya ang sarili na gawin iyon. Punong puno na ng luha ang buong mukha ko kaya nanlalabo na ang paningin ko.

"Puro ka na lang sorry pero wala ka namang ginagawang tama!"

Natahimik ako sa sinabi niya at hinayaan na lang na pumatag ang nag-uunahang kong luha.

I love you Sid. I really do. Kasi kung hindi kita mahal, matitiis ko ba ang ganito? Ang pakisamahan ang kagaya mong walang puso?

Hindi ko alam kung ano ba ang kinagalit niya sa akin ngayong araw na ito. Kung bakit sa haba ng taon na pinagsamahan namin na puro lang walang imikan at parang anino lang ako sa kanya ay ngayon lang niya ako nasaktan ng ganito at masampal.

Kung ang kinagalit niya ang pagpasok ko sa kuwarto niyang nakabukas at nadatnan siyang naninigarilyo na ngayon ko pa lang nakitang gawin niya ay napakababaw na rason.

AUSTERE HAUL (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon