CHAPTER 6

109 6 2
                                    

SIX

HINDI ako makatulog sa kama ko dahil pilit pumapasok sa isip ko ang mga nangyari kanina. Pagkapasok ko kanina sa bahay ay tinawagan ko si Shy. Hindi niya ako sinagot pero agad naman siyang nag-message sa akin. Tinanong niya ako kung kumusta kami ng kuya niya. Hindi ko iyon ni-replyan dahil baka pa ako mapahamak sa mga ginagawa niya. Alam naman niyang may girlfriend ang kuya niya pero pilipilit pa rin akong pinapalapit sa kuya niya.

Huminga ako ng malalim saka pinagdikit ang mga daliri. Dilat na dilat pa rin ang mga mata ko kahit madaling araw na. Sinubukan kong reply-an ang message ni Shy at sabihing tumigil na siya.

Pero dahil lutang pa rin ako at hindi mawala-wala ang ngiti ko habang naiisip ang moment namin kanina ay iba ang na-sent ko.

[To Shy: Ayos naman. Nakakaba sa loob.]

Natampal ko ang noo ko dahil sa kalutangan ko.

Maya-maya pa ay nag-reply ito. Hindi ko inaasahan na magre-reply siya dahil madaling araw na. Huminga muna ako ng malakas bago binasa ang message niya.

[From Shy: I Knew it! You really have a big crush for my kuya! Hindi ka makatulog sa kakaisip sa kanya ano?]

Nabitawan ko ang cellphone ko nang mabasa iyon. Pakingsiyet naman! Ba't pa kasi ako nag-reply sa ganitong oras eh manghihinala talaga iyon na hindi ako makatulog dahil sa nangyari. Pero totoo naman.

Hindi ko na ni-reply-an ang message niya sa akin dahil paniguradong aasarin lang ako no'n. Hindi ko namalayan na unti-unti ng bimibigat ang talukap ng mga mata ko at nakatulog dala-dala ang mga iniiisip.

...

Kimaumagahan ay maagang akong nagising sa malakas na katok sa aking kuwarto. Inaantok man ay pinilit kong imulat ang mga mata ko para matingnan kung sinong epal na sumira sa tulog ko. Tamad akong bumangon sa kama at balak pagbuksan ang tila ba'y sisirahin na ang pinto sa sobrang lakas ng katok.

"Sandali lang." Paos kong sabi habang kinukusot ang mga mata.

Sunod-sunod na malakas na katok pa rin ang nakikinig ko kaya inis ko itong binuksan. Nakasimangot kong hinarap si Dapney na sa tingin ko'y kakaligo pa lamang.

"Bakit ba? Ang ingay-ingay mo." Napahikab ako sa sobrang bitin sa pagtulog.

Puyat na nga ako at ginising pa ako nila ng maaga. Haist.

Nagpa-cute itong pumasok sa kuwarto ko. "May hihiramin lang sana akong damit sa'yo."

Sabi ko na nga ba at may kailangan ito. Tsk.

"Anong damit naman? At saan ba ang lakad mo at aga-aga mo yata? Ta's gusto mo pa yatang magbihis ng bonggang bongga?" Nakapamewang kong tanong sa kanya.

Nagtataka lang kasi ako dahil sa tagal ng panahon na kasama ko siya sa bahay ay ngayon lang niya naisipang manghiram ng damit sa akin and take note, ayaw na ayaw niya sa mga damit ko kasi puro raw sexy samantalang sa kanya ay mga shirts and jeans lang kapag may lakad.

"Teka, may boyfriend ka na ba Dapney?" Nakataas na kilay kong tanong sa kanya.

Natigil siya sa paghahalungkat ng mga damit ko sa cabinet saka nakasimangot na humarap sa akin."Porque manghihiram lang ng damit, may boyfriend na kaagad? Hindi ba p'wedeng ita-try ko lang ate ang mga damit mo?" Muli itong ibinalik ang ginagawang paghahalunggat sa mga damit.

"Kung wala kang boyfriend, crush mayroon? Kaya ka magdadamit ng mga sexy na ayaw mo noon dahil para mapansin ka ng crush mo tama ba ako?" Pang-aasar ko sa kanya na nagpalingon agad sa kanya.

Hindi ito nakasagot at nakaismid lang na tumingin sa akin. At dahil maganda ang araw ko kahapon ay hindi ko na durugtungan ang pang-aasar ko sa kanya.

AUSTERE HAUL (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon