SEVEN
HOW I wish you're that my girlfriend.
Pilit pumapasok sa isip ko ang mga sinabi niya sa akin kagabi. Napagulong ako sa aking kama kayakap ang aking unan. Kagigising ko lang at salamat naman at maganda ang gising ko ngayon.
"Good morning self!" Humikab ako saka pinagtiklop ang mga palad para mag-stretching.
Napangiti ako sa salamin nang masilayan ang kasiyahan sa aking mukha. Napatakip ako sa aking bibig para pigilan ang pag-ngingiti. Tumayo na ako mula sa kama saka inaayos ang nagulong buhok.
Tungkol naman kagabi, dumating kaagad si Shy nang matagal daw akong nakakabalik sa upuan namin at gulat siya sa posisyon namin. Noong una ay napag-kamalan niya pa kaming nagki-kiss pero ipinaliwanag ko naman sa kanya kaya tumigil din siya sa pangungulit at tinulungan na lang akong alalayan si Sid papunta sa kotse niya. Hindi nito kayang mag-drive pauwi kaya si Luke na ang gumawa para sa kanya. Sumama naman si Shy pauwi dahil baka magtaka raw ang mga magulang nito kapag hindi kasama ang kapatid. Hinatid naman ako ni Keifer sa restaurant gaya ng napag-usapan namin.
Laking pasasalamat ko at hindi nagtanong sina mama kung bakit late akong nakauwi. Kung sa bagay, si Sherley na ang nagpaalam kaya hindi ko alam kung ano ang ipinaalam niya. Basta ang importante ay nakauwi na ako at hindi ako napagalitan.
Lumipas pa ang maraming araw ay tinawagan na lang ako ni Shy na araw na ng flight nila ng family niya. Hindi ako nakasama sa paghatid sa kanila dahil iyon ang unang araw ng klase namin. Malungkot dahil hindi man lang umabot ng isang buwan ang pagsasama namin bilang magkaibigan.
"Just call me if you miss me okay?"
Iyon ang huling sabi niya sa akin nang makausap ko siya sa cellphone.
Sina Keifer at Luke naman ay nauna pang umuwi kina Shy kaya sila ang nahatid ko sa airport noong isang araw.
Huling kita ko na rin kay Sid noon sa birthday party kaya masasabi kong napakalungkot na ng araw ko ngayon. Lahat ng mga kaibigang nakikilala ko ay hindi nagtatagal sa tabi ko. Gano'n na nga siguro, walang permanente sa mundo. Ano ang magagawa ko? Malaki ang agwat ng buhay namin sa mga naging kaibigan ko kaya ako itong palaging naiiwan dito sa Pilipinas.
"Oh bakit ang lungkot-lungkot ng mukha mo?" Si mama na nakatingin pala sa akin.
Sabay-sabay kaming kumakain ng hapunan ngayon sa hapag-kainan. Nakatingin silang lahat sa akin na napansin din yata ang pagiging matamlay ko. Umiling lang ako saka pinaglaruan ang hawak na kutsara.
"Kung ano man ang problema mo, p'wede mong sabihin sa amin." Si papa naman na halata ang pag-aalala sa mata.
"Ayos lang po ako. May iniisip lang."
"Tungkol ba 'to sa pag-aaral mo?" Napabaling ang tingin ko kay mama na malungkot ding nakatitig sa akin.
"Hindi iyan mama. Siguro broken hearted lang iyang si ate kasi matagal na niyang hindi nakikita ang crush niya." Si Sherley naman wala yatang preno ang bibig.
"At bakit? Sino naman iyang crush niyang iyan at ganyan na lang ang epekto sa kanya sa ate mo?" Nakataas na kilay na tanong ni mama kay Sherley.
Napatingin si Sherley sa akin kaya binigyan ko siya ng pabalang na titig. Alam niya kasi ang tungkol kay Keifer na pagkakaroon nito ng crush sa akin kaya alam kong siya ang tinutukoy niyang 'crush' ko raw.
"Nako! Hindi mo siya kilala mama kaya huwag mo nang tanungin. Ang mahalaga, may dahilan kung bakit siya malungkot 'di ba?"
Tumaas ang isang kilay ko saka pinigilan ang ngiting kumakawala sa aking bibig. Lahat talaga ng bagay may palusot ang isang 'to.

BINABASA MO ANG
AUSTERE HAUL (On Going)
Roman d'amourAlmost two years beside him is a hell. He's a baddest guy I've ever met. I love him but he doesn't love me. I am his wife but the way he treats me, it's like I am his shadow. Is there any reason to stay beside him? Do I need to shallow my pride just...