CHAPTER 2

179 8 0
                                    

TWO

"Nakita mo 'yong transferee? Grabe ang ganda niya!"

"Oo nga eh parang living doll lang eh."

"Galing daw iyon sa Australia, grabe sobrang yaman din ng pamilya niya."

"Nakakainggit naman siya. Maganda na, mayaman pa! At saka narinig ko na sobrang bait raw niya."

"Paano mo naman nasabi?"

"Eh kasi kahapon may nakatapon ng juice sa puting dress niya pero alam n'yo kung anong ginawa niya?..."

"Ano?"

"Imbis na magalit dahil mukhang maarte ay nginitian lang niya 'yong nakatapon sa kanya at siya pa ang humingi ng pasensya dahil hindi raw siya tumitingin sa dinadaanan niya. Nako kung ako lang ang matapunan ng gano'ng kalagkit na orange juice magagalit talaga ako pero siya? Ngumiti lang?"

Naging curious ako sa nakikinig kong transferee na sinasabi at pinag-uusapan sa buong University. Base sa mga kuwento nila ay interesting ngang malaman at makilala siya. Pero dahil hindi naman ako gaaano kahilig makipag-chismisan ay hindi na ako nagtanong sa mga ito at pinagpatuloy lang ang paglalakad papunta sa room namin.

Masyado pang maaga dahil kokonti pa lang ang mga studyanteng nakikita ko kaya dumeretso muna ako sa locker room para kunin ang books na nakalimutan kong dalhin kahapon sa bahay.

Nakita kong walang tao roon kaya mabilis akong naglakad sa harap ng locker ko. Binuksan ko ito gamit ang key locker. Maingat kong kinuha ang tatlong books na nakapatong sa P.E Uniform ko.

Bigla akong kinabahan nang may marinig akong ingay sa likod ng locker ko. Noong una ay binalewala ko lang iyon pero nang palakas nang palakas ang kaluskos na naririnig ko ay tinubuan na ako ng takot. Mahigpit akong nakayakap sa tatlong books na hawak ko at kinakalma ang sarili.

"Wala namang multo rito kaya kalma ka lang Sheryll..." Kinakausap ko ang sarili para mabawasan ang takot ko.

Naririnig ko pa rin ang kaluskos nito kaya pumikit na lang ako at hinintay na mawala ang ingay nito. Pinagpapawasan na ako sa takot at hindi ko magawang gumalaw sa kinatatayuan ko.

Nasaan na ba kayo Kaith?

Nakapikit pa rin ako nang may magsalita sa tabi ko.

"What are you doing?" Napatili ako dahil sa sobrang gulat saka minulat ang mga mata.

"Palakang may buntot!" Bumungad sa akin ang nakasimangot na lalaki na hanggang balikat lang yata ako.

"Nakakagulat ka naman!" Pag amin ko kahit na hindi ko kilala ang kaharap.

"Hey! It is not my intention to scared you." Ngayon ay nakangiti na ito pero parang tatawa na ito kaya bigla akong nainis.

"Anong nakakatawa mister eh natakot ako?!"

"Look, I'm sorry to made you scared. I just thought I am alone here in the locker so I did the weird things that I usually doing at home." Nakangisi niyang amin na dahilan ng panlalaki ng mga mata ko.

"You're d-doing what?! Weird thing? Nababaliw ka na ba?"

Hindi ko alam pero bigla akong nagka-idea sa sinasabi niyang weird thing and I am not that innocent para hindi malaman kung ano ang tinutukoy niya.

Kumunot ang noo niya sa pagsigaw ko saka natauhan sa kung anong ibig kong sabihin.

This crazy man...

Sayang at gwapo pa naman sana pero nakaka turn off ang ginawa niya.

"No no...I think you misunderstood what I meant for that weird things– I am not referring with the boys thing what I mean is that making a noise using my shoes...like this..." Saka siya gumawa ng weird steps gamit ang mga paa niya na nag-create ng kaluskos na narinig ko kanina.

AUSTERE HAUL (On Going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon