FIVE
HAWAK ang isang kulay brown na envelop ay kinakabahan akong bumaba ng jeep na nagdala sa akin dito sa school kung saan ako magka-college.
Mahigpit ang pagkakahawak ko rito saka huminga ng malalim. First time kong mag-enroll na mag-isang pumunta kaya kinakabahan ako. Hindi na ako nagpasama kay papa dahil gusto kong sanayin ang sarili ko saka malaki na ako para gambalahin pa sila sa trabaho.
Sabi ni Shy sa akin ay magkikita na lang kami dito sa school. Hindi naman niya nasabi kung saan pero bahala na at baka makikita ko rin siya maya-maya. Naglakad na ako papasok ng gate kasabay ang mga estudyanteng mage-enroll din yata. Sa school na ito ay hindi mo malalaman kung mayaman o mahirap ang mga estudyanteng nag-aaral dahil puro simple lang silang manakit at wala akong nakikitang naka-kotseng sasakyan. Tama nga si Shy, p'wede sa lahat ang school na ito dahil halata sa mga estudyante na wala silang paki sa mga itsura nila at sa tingin ko ay pag-aaral lang talaga ang sadya sa school.
Nagtataka nga ako kay Shy kung bakit dito niya napiling mag-college eh sobrang yaman naman ng pamilya niya. Sa gitna ng pag-iisip ay namalayan ko na palang nasa second floor na ako ng building at mahaba ang pila ng mga estudyante na mage-enroll yata lahat. Naki-pila na ako sa linyahan.
"Excuse me, dito ba ang pila for enrollment?"
Tumango lang ang kasunod ko sa linya saka hindi na muling lumingon sa akin.
Ang weird ng mga tao rito. Parang bawat isa ay may kanya-kanyang mundo. Ang tahimik kasi ng linya at parang ngayon pa lang nagkita-kita ang mga tao rito. Hindi na ako nagsalita at binasa na lang ang mga nakasulat sa pader. Puro sayings iyon kaya nawili ako sa pagbabasa. Malapit na pala ako sa pintuan ng office nang makita kong palabas na si Shy galing dito. Hindi niya yata ako nakita kaya kumaway ako rito. Lahat ng mga mata ng mga estudyante ay nasa kay Shy nakatingin. Sobrang ganda niya kasing tingnan sa suot nitong flower dress na kulay yellow. Nakalugay din ang hanggang braso niyang kulot na buhok na lalong nagpaganda sa kanya.
Nang makita niya ako sa pila ay nakangiti itong lumapit sa akin.
"Twinny Shy! Nandito ka na pala."
"Kanina pa ako nakapila rito. Bakit hindi kita nakitang pumasok?"
"Ah ano...kaninang umaga pa kasi ako sa loob kaya siguro hindi mo ako nakitang pumasok."
"Gano'n ba? Tapos ka na?"
Hindi ito nagsalita kaya nagtaka ako.
"Uy, may problema ba?" Tumitig siya sa akin saka huminga ng malalim.
"Twinny Shy, I'm sorry...pero I can't study here."
"H-huh? P-pero bakit?"
"Si mommy kasi eh! She called the Dean na huwag raw akong tanggapin dahil sa California pa rin ako magka-college." Nakatungo niyang sabi na halata ang lungkot sa tinig.
Hindi ko alam ang ire-react ko kaya hindi ako nagsalita.
"Hey, I'm really sorry. Kung ako lang ang masusunod ay gustong-gusto kong mag-aral dito to experience simple studies pero my mom not allowed me. Huwag ka ng magalit please!"
"H-hindi naman ako galit. Bakit naman ako magagalit?"
"Eh kasi I told you na ako ang bahala sa'yo tapos hindi naman pala ako makakapag-aral dito."
"Okay lang iyon ano ka ba! At saka dapat nga magpasalamat pa ako sa'yo kasi ikaw ang nag-offer sa akin na mag-aral dito which is makakatipid ako sa tuition."
"T-talaga? Hindi ka galit sa akin?"
"Bakit naman ako magagalit sa taong balak akong tulungan?" Natatawa kong tanong.
![](https://img.wattpad.com/cover/241975221-288-k374494.jpg)
BINABASA MO ANG
AUSTERE HAUL (On Going)
Storie d'amoreAlmost two years beside him is a hell. He's a baddest guy I've ever met. I love him but he doesn't love me. I am his wife but the way he treats me, it's like I am his shadow. Is there any reason to stay beside him? Do I need to shallow my pride just...