NINE
"NANDITO na pala si Denisse."
I look back nang lahat ng mga mata nila ay nasa likod ko. Then I saw Denisse walking with her dark blue tube dress. Naka-ponytail ang kanyang medyo curve na buhok habang confident itong nakangiti papalapit sa amin.
She's so gorgeous tonight. Beside her is tita Cinthia na sobrang presko rin sa suot nitong long sleeve with a black pants. Simple man ay nagsisigawan pa rin sa yaman ang awra niya.
"Twinny! I'm glad you're here! Hello po tito hello tita." Nag-beso siya kay mama at papa saka siya bumaling sa akin. "She's so pretty mami C! You really have a good taste when it comes to this huh? Look at us."
Naagaw yata ni Shy ang atensiyon ng iba kaya sinaway siya ng mommy niya.
"Umupo ka ngang bata ka. You're distracting the people."
Ngumuso lang si Shy saka umupo sa tabi ko. "Really twinny, you're stunning tonight!" Walang tigil na papuri niya.
"Ikaw rin naman, sobrang ganda mo."
"That's enough compliment to each other. Ilang minuto na lang at magsisimula na ang party." Napa-ayos kami ng upo ni Shy nang magsalita si tita.
"Teka, nasaan pala si kuya, mommy?" Biglang tanong ni Shy sa mommy niya.
"He's with his friends..." Ngumuso ang mommy niya banda sa table nina Sid.
Lahat kami ay napatingin doon at muntik na akong masamid sa sariling laway nang magkasalubong ang mga mata namin ni Sid. He's laughing habang naka-akbay kay AC. Bigla akong nahiya sa kanya kaya ibinalik ko na lang ang tingin sa harap.
"Oh, Clavery is here na pala!" Gulat na sabi ni Shy. "Come on twinny, I'll introduce you to my brother's friends."
"H-huwag na Shy, n-nakakahiya sa kanila."
"Anong nakakahiya? Eh nando'n naman sina kuya Luke and Keifer come on. Excuse us po."
Wala na akong nagawa kundi magpadala sa hatak niya patayo. Hindi naman sa nahihiya ako sa kanila pero hindi pa ako ready na magpakita kay AC. Feeling ko, ang sama-sama kong tao. Nagkakagusto ako sa taong may girlfriend na at ang mas malala pa roon ay kaibigan ko ang girlfriend niya. Para akong extra sa isang drama na hadlang sa pag-iibigan ng dalawang nagmamahalan.
Malayo pa man kami sa table nila ay para akong hinahatak pabalik dahil sa sobrang kaba. Kinalma ko lang ang sarili nang makalapit na kami rito.
"Hey guys! What's up!" Lahat sila ay napatingin sa direksyon namin ni Shy.
Ang maingay nilang tawanan kanina ay biglang tumahimik.
"Don't tell me, you didn't recognize us?" Natatawang sabi ni Shy.
"Wait, Denisse?" Nag-aalanganing tanong ni Luke.
"Yes ako 'to!" Tuluyan ng natawa ni Shy.
"And who's that girl beside you?" Nakakunot na tanong ni Keifer kay Shy.
Seryoso sila? Hindi nila ako nakikilala? Kung sabagay, ngayon lang yata nila akong nakitang nakasuot ng make-up.
"It's Sheryll." Lahat kami ay napatingin kay Sid nang siya ang sumagot sa tanong ni Keifer.
"Woah! Is it really you? Hindi kita nakilala kaagad! Wow! You look amazing!" Hindi makapaniwalang sabi ni Keifer.
"Wait, you mean, Sheryll Pueraz?" Si AC naman ngayon na parang may sparks sa mga mata.
"Hi AC, long time no see." Kinakabahan man ay ngumiti ako sa kanya.
"Oh my God! Ikaw nga!" Napatayo ito mula sa pagkakaupo saka mahigpit akong niyakap. "Kumusta? It's been a years!"
BINABASA MO ANG
AUSTERE HAUL (On Going)
RomanceAlmost two years beside him was hell. He's a baddest guy I've ever met. I loved him but he doesn't love me. I am his wife but the way he treated me, it was like I am his shadow. Is there a reason to stay beside him? Do I need to shallow my pride bec...