FOUR
"Sheryll bilisan mo na riyan!"
"Opo nandyan na!"
Marami kaming costumers ngayon dahil mayroong magaganap na event sa restaurant nina tita Mariseth. Hindi naman gano'n kalaki ang restaurant nila pero sikat ito rito sa Tarlac at madalas na pinapakyaw ng mga pamilya sa mga birthday, party o kahit sa mga reunion.
Ilang araw na lang at mage-enroll na ako ng college at dahil mag-isa na lang ako ngayon na magka-college ay naisipan kong mag-apply ng mga scholarships na mga nakikita ko sa mga Facebook pages. Sa tingin ko kasi ay hindi magiging sapat ang perang naipon ko para sa magiging tuition na babayaran.
Niligpit ko na ang mga papers na kanina ko pang binabasa saka lumabas ng kusina. Maraming tao ngayon dahil may reunion party na magaganap sa restaurant ni tita. Gabi na at kitang kita ko ang mga itsura ng mga kumakain sa lamesa. Sa tingin ko'y mayayaman ang mga ito dahil sa mga kilos nila. Hindi ko nga alam kung bakit dito nila napiling ganapin ang party nila eh parang nagsisigawan sa porma ang bawat isa kung gaaano sila kayaman.
"Nandyan ka na pala Sheryll. Tulungan mo nga si Lina na asikasuhin ang nasa table 5 at parang may order sila roon." Si tita na sobrang busy sa pag o-organize ng mga platong gagamitin.
"Sige po tita." Sinunod ko ang utos nito saka sinundan si Lina na papunta na nga sa table 5.
Isa-isa kong tiningnan ang mga tao sa table at gano'n na lang ang panlalaki ng mga mata ko nang mamukhaan si Luke na nakaupo sa dulo sa may table 7. Nasa 15 tables silang lahat at bawat table ay may anim na katao. Hindi yata ako nito napansin kaya binilisan ko ang paglalakad kaya hindi ko na namalayang nakabangga na pala ako ng tao.
Napahipo ako sa noo ko dahil sa sakit nang tumama pala ito sa matigas niyang dibdib. Pero hindi ako roon nag-alala dahil bigla akong namutla nang makitang namantsahan ang puti nitong polo dahil sa pagkakatapon ng orange juice.
"Nako pasensya na sir. Hindi ko po sinasadya..." Mabilis kong hinawakan ang parte ng namantsahan at sinubukang tanggalin iyon gamit ang mga kamay ko.
Nang ma-realized ko ang ginagawa ko ay bigla akong napatigil at unti-unting inangat ang tingin sa kanya. Para akong na-hypnotize nang makita ko ang itsura niya. Bumaba ang tingin ko sa manipis at sobrang pula niyang mga labi. Napalunok ako nang makita iyon kaya sunod kong tiningnan ang matatangos niyang ilong pataas sa itim na itim na mga mata nito hanggang sa bumalik sa realidad ang isip ko dahil sa nakitang magkasalubong na makapal na kilay nito.
"Ano ang nangyayari dito? Nako! Sheryll ano bang ginawa mo? Pasensya na sir..." Si tita Mariseth na nakasunod na pala sa amin.
"H-hindi ko po sinasadya pasensya na..." Nakayuko kong sabi dahil hiyang-hiya ako sa ginawa kong pagtitig sa kanya.
"It's okay...just tell me where is the CR."
Napasinghap ako nang magsalita ito. Para akong nanlamig dahil sa sobrang lalim ng boses niya. Wala yatang nakapansin sa amin dahil sobrang ingay na ngayon at busy ang lahat sa kani-kanilang upuan habang nagtatawanan. Muli akong napatingin sa puwesto ni Luke pero wala na iyon rito. Nangunot ang noo ko dahil baka namamalik-mata lang ako kanina.
"Nandoon po ang CR sir sa may left side ng cashier...Sheryll samahan mo siya at ituro kung nasaan."
"P-po? S-sige po tita."
Nauna na itong naglakad sa akin kaya sumunod na lang ako. Alam na yata nito kung nasaan banda ang CR kaya balak ko na samang hindi na siya samahan pero kawalan naman iyon ng respeto kaya sinamahan ko na lang siya. Hindi ko maiwasang tumitig sa likod niya dahil sobrang manly nito habang naglalakad. Bumaba ang tingin ko sa may puwetan niya nang mapansing napaka-sexy no'n tingnan.

BINABASA MO ANG
AUSTERE HAUL (On Going)
Roman d'amourAlmost two years beside him is a hell. He's a baddest guy I've ever met. I love him but he doesn't love me. I am his wife but the way he treats me, it's like I am his shadow. Is there any reason to stay beside him? Do I need to shallow my pride just...