CHAPTER 8: The EMPRESS
Keyslie’s POV
Sa dami ng mga lalaking nagpapansin sa amin alam ko kakaiba ang grupo nila Enzo. Kakaiba in the sense na mukhang pursigido sila na magpapansin sa amin. Hindi sila katulad ng iba na masungitan lang ni Micha at Trix tumitiklop na. Idagdag mo pa ang tingin ni Jiea na siguradong mapapaurong ka hindi sa takot kundi sa intimidation.
(PLEASE PLAY THE VIDEO AT THE SIDE)
Ganyan sila katatapang, ganyan sila kasusungit, ganyan sila katatatag pero lahat ng yan puro sa harap lang. lahat yan puro palabas lang. nakita ko na silang masaktan nakita ko na silang umiyak na parang wala ng bukas. Kung ako nga na dinadamayan sila ay nasasaktan na. ano pa kaya sila na dinanas yung sakit.
Sino bang kaibigan ang gustong makitang laging umiyak ang mga kaibigan niya lalo na kung parang kapatid mo na sila.? Wala naman hindi ba?
Hindi ko man aminin pero natrauma ako sa dinanas ng mga kaibigan ko. Natakot akong sumubok na magmahal o pumansin ng mga lalaki. Ayokong danasin yung mga naramdaman ng mga kaibigan ko. Parang hindi ko kakayanin na pagdaanin ang lahat ng yun.
HINDI KO KAYA! L
Noong panahon na nasaktan sila gumawa kami ng pangako na iiwas sa mga lalaki. At kasabay ng pangako na iyon ay ang pagbuo namin ng THE EMPRESS.
Ang The EMPRESS ay isang mini mall namin magkakaibigan kumpleto na ito sa kailangan namin. Dito nila binuhos lahat ng atensyon nila noong mga panahon na nagdadalamhati ang puso nila. Meron itong spa, boutique at salon na kailangan namin. Ang The Empress ay three storey building ang 3rd floor ay ginawa namin bahay namin. Ang 2nd floor namin ay nagsilbing tambayan namin apat. And naging patok ito sa mga kikay na gaya ni Micha at Trix.
“hey!” tapik sa akin ni Jiea
“Yes?” lingon ko sakanya. “may problema ba tayo?” tanong ko sa kanya.
“Wala naman. Napansin ko lang na parang tulala ka.” Sabi ni Jiea sa akin.
“OK lang ako medyo napagod lang ako sa re-opening nitong The Empress” sabi ko sa kanya na sinuklian niya ng ngiti at sabay talikod sa akin para puntahan naman ang ibang guest. Nandito kami ngayon sa The Empress nag Re-opening kasi kami. Every year pinaparenovate namin ito para naman hindi magsawa ang mga tao. Naging successful ito at dinadayo. Eto ang naging rason ng kaligayahan nila Jiea, Micha at Trix noong panahon na mga Broken Hearted sila. Malaki ang utang na Loob ko sa The EMPRESS kung hindi dahil dito baka nawala na sa akin silang tatlo dahil sa sobrang kalungkutan nila. (A/N: yung mga story noong tatlo they will tell on their own POV)
Hiling ko lang sana hindi lang sa ganito sila maging masaya. Gusto ko rin na sumaya sila kasama ng mga taong magmamahal sa kanila ng totoo at alam kong hindi sila sasaktan.
Kagabi sa Bar nakita ko kung paano tignan ni Trick si Jiea na parang ito lang ang tao sa BLUE SKY noong panahon na yon. Alam ko at nararamdaman ko na lahat ng angas na ginagawa ni Trick kay Jiea ay mga palabas lang para mapansin siya nito at alam kong umi-epekto na it okay Jiea dahil walang ibang bukang bibig si Jiea kundi si Trick at sa pagkainis niya dito sa ginawa sa Classroom.
Ganoon din si Micha na walang ginawa kundi mapa OMG pag marinig pa lang o makita pa lang ang anino ni Kiel sa paligid. Malakas ang Impact ni Kiel dito ito kasi ang 1st kiss niya. Ang laki ng sama ng loob niya dito dahil kahit sa ex-boyfriend nito ay hindi siya nagpahalik.
Kay Trix naman na hindi man sabihin sa amin kagabi ay alam ko na si Steven ang reason kung bakit tulala siya kagabi. Paanong hindi ko malalaman eh wala siyang binubulong kagabi habang katabi ko siya kundi DAMN STEVEN! DAMN STEVEN! DAMN STEVEN! Hindi ko lang alam kung ano ang dahilan ang pag-sumpa ni Trix sa kanya pero sigurado ako na hindi maganda ito dahil base na rin sa reaction nito.
At ako naman hindi ko man aminin pero alam ko sa sarili ko na gusto ko si ENZO. Bukod sa gwapo siya isa din siya sa mga lalaki na madaling kausap. Ang gaan ng loob ko sa kanya. Hindi ko alam kung saan aabot ito pero sana hindi ako masaktan gaya ng mga kaibigan ko…
Pero kahit gaano pa kalaki ang takot ko na magmagmahal hindi pa rin mawala sa isip ko na sana maranasan ko yun…
Gusto ko rin naman kahit minsan maranasan ko yung pakiramdam ng mag-mahal at mahalin ng taong mahal mo…
Gusto ko rin maramdaman ang pagsilbihan ka ng taong mahal mo,,,
Gusto ko ng dumating na ang araw na yun,,,
SANA SIYA NA YUN,,,,
SANA SI ENZO na yun,,,,,,
---------------------------------------------------------------------------------------------------------------
PLEASE LEAVE A COMMENT
A/N: SALAMAT SA MGA NAG-BABASA NITO... (^__________________^)
i will try to update chapter 9 tomorrow... try lang ha

BINABASA MO ANG
WE don't want to be BROKEN again (On-GOING)
Teen FictionA story of 4 girls who experienced LOVE and got hurt... They are all BROKEN. Will they give LOVE a chance? or they will let their fear of LOVING someone become a hindrance to find their REAL HAPPINESS... (FILIPINO STORY)