A/N: thank you sa lahat ng nagcocomment at hindi binibitawan ang story na ito,,, as I said I’m working on a one shot story,,, sana basahin niyo din,,, salamat,,,
Para sa kanya kasi bago ko siya reader salamat,,, (^____^)
Ready nab a kayo sa big reveal? Haha… ok
CHAPTER 13.2: SECRET HERO
STEVEN’s POV
Hinanap ko sa buong campus si Trix… hindi ako umalis sa campus dahil naniniwala ako nandito lang siya… hindi ko alam pero ang lakas ng kutob ko na nandito lang siya sa loob ng campus,,,,
Nalibot ko na ang buong campus kahit umuulan pero ni anino niya ay hindi ko nakita hanggang sa mapunta ako sa isang bakanteng lote…. Aalis na sana ako ng makita ko ang isang babae.
Mukhang nilalamig pero walang pakialam… mukha siyang batang iniwan ng magulang…
Hindi ko alam pero lumapit ako hindi ko na pansin ang ulan na bumabasa sa akin,,,
At natigilan ako dahil si Trix pala ang babaeng yun…
Nakita ko siyang nakaupo sa ulanan,,,
Ni wala siyang pakialam kung basang-basa na siya ng tubig ulan,,,
Hindi man halata pero alam ko na umiiyak siya base na rin sa marahang pagyugyug ng balikat niya..
Unti-unti pa akong lumapit sa kanya…
“yan na ba ang usong gimik ngayon? Rain gazing?” I asked para makuha ang atensyon niya.
Unti-unti umangat ang ulo niya sa akin
Wala siyang sinabi sa akin na kahit konting salita…
Dahil sapat na ang nakikita ko sa mga mata niya na punong puno ng sakit…

BINABASA MO ANG
WE don't want to be BROKEN again (On-GOING)
Ficção AdolescenteA story of 4 girls who experienced LOVE and got hurt... They are all BROKEN. Will they give LOVE a chance? or they will let their fear of LOVING someone become a hindrance to find their REAL HAPPINESS... (FILIPINO STORY)