CHAPTER 21.1: TEAM BUILDING

150 4 4
                                    

A/N: DEDICATED sa kanya kasi MAHAL ko siya na author one of the author na nakilala ko sa watty na mabait… basahin niyo yung stories niya! SOBRAAAAANG GANDA! PROMISE!

HI AYA!!!! AKO SI JAH yung ABOGADO ni IRA! LOL

 kakagaling ko lang sa sakit at ito agad ang inasikaso ko… hihi hindi ko matiis eh… haha

Yung last chapter hindi ko sinasadya yung ginawa ko sa KAYENZO,,, hindi dapat ganon yun e! kaso ano magagawa ko e LUKARET ang UTAK ko… hahaha

So eto na yun….

CHAPTER 21.1: TEAM BUILDING

JIEA’s POV

5:30 am

Andito kami ngayon sa harap ng EMPRESS… hinihintay ang sundo namin… san kami pupunta? Edi dun sa TEAM BUILDING na sinasabi nila.. OO napapayag nila kami na pumunta sa Team building na yun.

FLASHBACK

“TEAM BUILDING!” sabay sabay na sigaw  namin

“Yep! Team Building yung magsasama ung magkakatrabaho para-“ paliwanag kuno ni Kiel

“alam namin kung ano yung TEAM BUILDING na yan! Hindi kami tanga para hindi malaman kung ano ibig sabihin nun! Ang gusto namin malaman para saan pa yan Team building na yan!” mataray na putol ni micha kay Kiel na may kasama pang irap.

“para nga magkaroon ng bonding ang group.. hindi niyo ba napapansin na magkakasama tayo pero parang may pader na naghahati sa atin” singit ni Eris

“oh! Andyan ka pala!” nang-uuyam na sabi ni micha kaya napa-tsk na lang si Eris,,,

“pero tama naman yung sinabi niya magkakasama tayo pero parang hindi tayo magkakasama. Nag-uusap pero komukonekta ba tayo? Alam niyo sa negosyo importante na magkakasundo tayong mga magkakasosyo.alam nio yan dahil hindi magiging successful ang The Empress niyo kung hindi kayo well bonded.” –mahabang paliwanag ni Enzo

Napaisip ako. Aminado ako na may point sila. Pero alam kong pagpumayag ako parang binigyan ko na din sila ng pagkakataon na pumasok sa buhay namin… magsasalita na sana ako ng magsalita uli Enzo

“hindi namin alam kung ano problema niyo sa lahi namin pero sana maisip niyo na we are doing this for our own too. Ginagawa namin ito to save our investment. Kaya kung hindi kayo papayag na makipag Team Building sa amin we might as well pull out our investment” sabi ni Enzo

“hindi niyo magagawa yan, alam nio na pag ginawa niyo yan babagsak kayo sa major subject natin” sabi ni kaye

“We knew already about that. Sa palagay niyo ba hindi din kami babagsak pag tinuloy namin ang investment namin dito? Para tayong bumubuo ng bahay na walang pundasyon at alam niyo naman ang kinakalabasan ng mga bahay na walang pundasyon. Bumabagsak. And we could talk to our professor na hindi kayo nakikipag cooperate kaya kami magwi-withdraw sa group, and we think that’s reasonable enough para payagan niya kami na bumuo ng grupo na gusto namin… kaya kung ako sa inyo papayag na lang ako sa Team Building. Wala naman mawawala sa inyo kung papayag kayo unless natatakot kayo sa amin” sabi ni Enzo

“at ano naman ang dapat ikatakot namin sayo?” –micha

“aba malay namin sa inyo. Kaya kung hindi talaga kayo takot pumayag na kayo sa Team Building.” –Kiel

Haizt. Napabugtong hininga na lang ako. Mukhang hindi na kami makakatakas.nakita ko din ang paglingon sa akin nila Trix, Kaye at Micha. Haizt

“Ok pumapayag na kami sa Team Building na yan. Pero sa isang kondisyon” sabi ko

WE don't want to be BROKEN again (On-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon