CHAPTER 14: CRY and LULLABY

222 6 4
                                    

SORRY SHORT UD di pa ito EDITED….

Comment yung gusto na madedicate sa kanya itong chapter na ito,,,,

NEED COMMENTS for INSPIRATION PLEASE I’M ACTUALLY DISTRACTED because wala KAYONG COMMENT,,,, sana kahit UPDATE na please MAG-COMMENT kayo…

DI PO AKO NAG-IINARTE pero NAG-IINARTE na rin LOL…

LOVE YOU GUYS

CHAPTER 14: CRY and LULLABY

STEVEN’S POV

Binuhat ko agad si Trix ng matapos nitong mawalan ng malay sa bisig ko. Dinala ko agad ito sa kotse ko.  Hindi ko alam kung paano kong nagawang buksan ang pinto ng kotse habang buhat ko siya sa kamay ko. Maingat ko siyang isinakay sa passenger seat ng kotse agad kong kinuha ang hindi pa gamit na tuwalya sa gym bag ko at agad na binalot siya dito kasabay ng pagrecline ko sa upuan niya ng kahit papaano ay maging kumportable siya.

Dali-dali akong sumakay sa kotse ko tinawagan ko si Trick agad para ibalita na nakita ko na siya at pina-andar ko na ang sasakyan ko papunta sa The Empress, hindi ko binuksan ang aircon ng kotse ng hindi lamigin si TRIX…

Salit-salitan kong tinitignan ang daan at siya na medyo nangiginig sa upuan niya.

Dumating na ako sa The Empress sa labas nito ay nakita ko ang tatlong sasakyan ng mga kaibigan ko. Sa labas nito ay nakita kong naghihintay ang tatlong kaibigan niya na agad lumapit sa sasakyan ko… bakas sa mukha nila ang pag-aalala.

“Oh gosh what happen?”

“where did you find her?”

“is she ok?”

Yan ang sabay sabay na tanong sa akin ng tatlo niyang kaibigan habang pangko ko sa bisig ko si Trix.

“nakita ko siya sa school sa isang bakanteng lote umiiyak… yeah she’s ok but you need to change her clothes” sagot ko sa kanila

Agad naman nila akong dinala sa bahay nila sa taas ng The Empress. Agad kong pinasok si Trix sa kwarto nito…

Lumabas lang ako saglit ng bibihisan nila ito. Sinamantala ko yun para makapagpalit na rin ng damit. Nang lumabas si keyslie para sabihin na ok na ay pumasok uli ako sa kwarto ni Trix sa pagtataka nito. Wala na ako pakialam sa iisipin nila ang mahalaga sa akin ay makita si Trix na ok

Tumayo ako sa isang sulok ng kwarto niya at doon ko siya pinagmasdan. Tulog man siya ay mababakas ang lungkot sa mukha nito.. Ang kaibigan ko nanatiling nasa gilid lang din. Sina keyslie, Jiea at Micha at naka-upo sa paligid ng kama ni Trix at pinagmamasdan ito bakas sa mga ito ang pag-aalala sa kaibigan nila.

“maraming salamat sa pagtulong niyo kanina” panimula ni kaye “ thank you, lalo na sa’yo steven”

I just nodded in return habang nakatitig pa din kay Trix, sa totoo lang gusto kong sabihin na hindi abala ang lahat na wala akong hindi gagawin para sa kaibigan nila pero hindi ko na itinuloy.

Tumayo na sila Jiea micha at Keyslie.

“maraming salamat, kami na siguro ang bahala. Kailangan niyo na din umuwi at ng makapagpahinga na din kayo, lalo ka na Steven,” pasalamat uli ni keyslie

Tumayo na sila papunta sa pinto ng kwarto ni Trix pero hindi ako nagpatinag. Nanatili akong nakatayo sa sulok na yun na hindi hinihiwalayan ng tingin si Trix.  Naramdaman siguro nila na wala akong balak umalis kaya hinayaan na nila akong manatili sa kwarto nito,,,

Umupo ako sa isang upuan sa gilid habang binabantayan ko siyang matulog,,, Isang oras na siguro akong nakaupo at pinagmamasdan siya ng marinig ko ang mahinang ungol niya… akala ko ay nagising na siya at may kailangan siya kaya lumapit ako sa kama niya upang tanungin sana siya kung may kailangan siya.

WE don't want to be BROKEN again (On-GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon